Chapter 16: Takot Na Mawala Ka

1.1K 29 7
                                    

"Gilbert!......bakit ba, panay ang silip mo sa labas? Sino ba ang tinitingnan mo? may hinihintay kaba? tanong ng mommy nito habang nasa harap ng lamesa at kasalukuyang nag aalmusal....

Ngunit patuloy parin si Gilbert sa ginagawa nitong pagsilip sa labas na parang wala itong narinig at hindi man lang nagawang sumagot sa mga tanong sa kanya....

" Aba tingnan mo itong batang ito, at mukhang hindi pa yata ako narinig.....GILBERT!!!!!!! kinakausap kita......"

"Ahhhh....ahhhh.....sorry po Mommy......ano po iyon?"

"Ano ba ang nangyayari sa iyo anak, mula ng gumising ka at naupo dyan parang wala ka sa sarili"

"Sorry po....hindi lang po siguro maganda ang gising at hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Ano po pala yun tinatanong nyo Mommy?"

"Tinatanong kita, kung sino ang sinisilip mo sa labas at parang may hinihintay ka. Pati pagkain ay hindi mo magawa ng tama. May darating bang bisita?"

"Pasensya na po Mommy, wala pong darating na bisita, inaantay ko kasi si Francis"

"Si Francis?.....eh bakit hindi ka mapakali dyan, sa pagkakatanda ko, araw-araw tuwing umaga ay pumunta naman talaga iyon dito para sabay kayong pumasok. Wala naman bago doon diba?.....teka! nag away ba kayong dalawa? may problema ba kayong dalawa anak?"

"Naku, mommy....wala po! hindi po kami nag aaway at ayos lang po kami. Huwag nyo pong isipin iyun....."

"Kung ganun naman pala, kumain ka muna ng maayos diyan at sigurado maya maya lang nandito na ang kaibigan mo. Maitanong ko lang, dito ba siya mag aalmusal? at papakuha tayo ng isa pang plato kay Nanay Lupe mo...... Lupe..............Lupe............"

"Huwag na Mommy, malamang kumain narin iyon bago siya pumunta dito"

"Iyon naman pala, kumain ka muna diyan at sakto pagdating ng bestfriend mo, tapos kana at baka pag antayin mo ulit iyon ng matagal, ikaw na naman ang dahilan kung bakit late kayo"

"Sige po........"

Bakas parin ang tako't kaba sa mukha at sa mga kinikilos ni Gilbert. Ang makita ng personal na buhay si Francis ang tanging makakapag alis ng mga takot at pangamba nito.

"Anak, maiba tayo, diba maaga matatapos ang klase nyo mamaya at Friday ngayon?"

"Opo! Mommy, bakit po?"

"May lakad ba kayo ng bestfriend mo pagkatapos ng klase nyo?"

"Wala naman po mommy, hindi ko lang alam kung may balak gawin si Francis mamaya. Bakit po may iuutos po ba kayo? Ano po iyon?"

"Gusto ko sana.....samahan mo ang Nanay Lupe mamaya sa bayan soon sa terminal ng bus at darating na mamayang hapon ang Kuya Bogs mo"

"Ha? Ano po ulit iyon Mommy? Sino ang darating mamaya?"

"Ang Kuya Bogs mo.....darating mamayang hapon. Gusto ko sana ikaw muna ang sumama sa Nanay Lupe mo para sunduin ang kuya mo. Medyo marami pang dapat ayusin at tapusin sa kainan mamaya. At wala na talaga akong oras para samahan si Lupe na magsundo kaya ikaw nalang ang sumama at kung wala din naman gagawin si Francis isama mo narin. Sige mamaya pag dumating ang kaibigan mo ako mismo ang makikiusap......"

Napangiti si Gilbert sa narinig at tila nawala ng biglaan ang mga iniisip tungkol sa kaibigan. Bumalik sa kanyang alaala ang mga pangyayari noong mga bata pa sila ng kuya Bogs niya. Mga magaganda't masasayang alala ng kabataan at mga iba't ibang kalokohan na hinding hindi niya makakalimutan.

"Talaga.......Mommy! Darating si Kuya Bogs?......Wow! na surprised ako dun at parang naexcite ako bigla na makita at makasama ulit si kuya Bogs"

"Oo....diba nabanggit ko na sa iyo noong mga nakaraang araw na makakatulong natin siya sa bubuksang kainan sa harap ng eskwelahan nyo"

Ang Lalaki Sa Bintana (boyXboy) ongoing....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon