Kahit habang kumakain ay hindi kayang itago ni Francis ang tunay na nararamdaman at kapansin pansin sa kanyang mga kilos at galaw ang lungkot at pag aalala. Hindi rin maintindihan ni Gilbert kung bakit naging ganito ang kaibigan at ano ba ang dahilan ng biglaang pagbabago nito.
Pagkatapos nilang kumain.........
"Tita, tulungan ko na po kayong magligpit dyan" giit ni Francis...
"Naku Anak, kami na ng Nanay Lupe mo ang bahala dito, umakyat na kayo ni Gilbert para mahaba haba ang pahinga nyo bago ulit pumasok mamaya" sagot ng Mommy ni Gilbert
"Pero Tita....."
"Huwag matigas ang ulo at sumunod sa Tita...."
"Kayo pong bahala Tita, pakisabi nalang po kay Gilbert na umakyat na ako" bilin ni Francis
Kahit ang Mommy ni Gilbert ay napansin ang biglang pagtamlay ni Francis......
"Gilbert, Anak.... umamin ka nga sa akin, nag away ba kayo ni Francis?"
"Hindi po Mommy" sagot ni Gilbert..
"Nagtataka kasi ako sa kinikilos ng Bestfriend mo, parang ang lalim ng iniisip.... Anak kausapin mo ang kaibigan mo at tingnan mo kung ano ang problema nito baka makaapekto ito sa pag aaral niya" pahayag ng Mommy ni Gilbert...
"Sige po Mommy, akyat na po muna ako at ng makapag usap na kami" paalam ni Gilbert.....
Habang paakyat ng kwarto, pinaghahandaan na ni Gilbert ang bawat sasabihin sa kaibigan. Pagpasok sa kwarto nakita nitong nakahiga si Francis sa kama, nakapikit ang mga mata at tila na tutulog. Tumabi ito sa kaibigan at mga ilang sandali ay kinausap na si Francis.
"Francis.....ano ang problema? Galit kaba sa akin, dahil hindi natuloy ang pustahan natin kanina... pwede naman natin ituloy ngayon, kung gusto mo" tanong ni Gilbert....
Hindi sumagot ang kaibigan at nanatiling nakapikit sa higaan. Naghubad ng suot na damit si Gilbert at tanging brief nalang ang naiwang takip sa katawan. Humiga ito sa tabi ni Francis at pilit ginigising para ituloy na ang naudlot na kalokohan nila kanina.
"Bestfriend gising na.... hubad kana.... game na ako, tuloy na natin" giit ni Gilbert...
Biglang gumalaw si Francis at niyakap bigla si Gilbert ng mahigpit.
"Bestfriend, please huwag kang umalis, huwag mo akong iiwan" maluha luhang sambit ni Francis...
Mukhang tama nga ang hinala ni Gilbert na narinig nito ang pag uusap nila ng Mommy niya. Pero nagtataka ito kung bakit naging ganun ang reaksyon nito.
"Bakit naman ako aalis? Saan naman ako papunta?" tanong ni Gilbert...
Humarap si Francis kay Gilbert at bigla niya itong hinalikan sa labi. Nagulat si Gilbert sa ginawa ng kaibigan at hindi alam ang ibig sabihin ng halik na iyon.
"Bakit mo ginagawa iyon? Anong ibig sabihin nun? Bakit mo ako hinalikan? sunod sunod na tanong ni Gilbert....
Tumayo si Francis at lumakad papunta sa may bintana. Samantalang naiwan sa kama si Gilbert at hindi maintindihan ang mga nangyayari.
"Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Ikaw ang may kasalan nito....ikaw bestfriend...ikaw!" pahayag ni Francis sabay tulo ng mga luha niya....
"Bakit ako? Hindi kita maintindihan Francis.... lintik naman bestfriend ano ba ang ginawa ko sa iyo bakit ka nagkakaganyan.... ikaw ang hindi ko maintindihan, kanina lang ang lungkot lungkot mo, tapos hinalikan mo ako bigla at ngayon parang galit na galit ka naman sa akin.....ano ba ang problema? magsabi ka! nang hindi ka nagkakaganyan" pahayag ni Gilbert.....
"Tang ina, Gilbert hindi ako bakla, alam ko lalaki ako...... ikaw ang bakla diba? matagal ko ng alam.... pero hindi ako" galit na pahayag ni Francis....
"Tang ina mo rin , pati pagiging bakla ko issue na ngayon.... Oo bakla ako at matagal na, anong problema mo doon. Alam ko rin na hindi ka bakla pero bakit mo ako hinalikan? bakit ka nagkakaganyan?" tanong ni Gilbert....
"Gilbert.....Mahal Kita....." bulong ni Francis.....
"Ano ang sinasabi mo dyan? Hindi kita naririnig....ano bang drama iyan at hindi kana rin ba makapagsalita ng maayos ngayon" pahayag ni Gilbert...
"MAHAL KITA......MAHAL KITA GILBERT..... MAHAL KITA BESTFRIEND" sigaw ni Francis....
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki Sa Bintana (boyXboy) ongoing....
RomanceMulto ng nakaraan dala ay pag-ibig na pangkasalukuyan.......