Gilbert POV
Pagkatapos ng klase namin sa umaga dali dali na kaming umuwi ni Francis sa bahay. Gustong gusto ko ng ipagyabang kay Mommy na parehas kaming naka perfect score sa napakahirap na exam. Alam ko matutuwa siya ng husto kay Francis nito.
"Francis, bilis....excited na akong ikwento ito kay Mommy"
"Ha? Ano naman ang ikukwento mo?" tanong nito......
"Ano pa ba? Edi itong tungkol sa exam natin na parehas tayong perfect score......kaya bilisan mo naman bestfriend" sagot ko.......
"Eto na nga....dahan dahan din kasi maglakad, parang gusto mo pa yatang tumakbo... nakakapagod kaya" sagot ni Francis
"Ok lang yan bestfriend pag napagod ka magugutom ka tapos marami ka makakain mamaya...diba favorite ulam mo ang nakahanda"
"Oo nga pala at masarap ang ulam natin mamaya....... pero dahan dahan parin, pagpapawisan tayo.... babaho ang uniform ko, may klase pa tayo mamaya" paliwanag ni Francis....
Habang papalit kami sa bahay nakita ko sa aming harapan si Nanay Lupe na pabalik narin ng bahay at galing yata sa palengke.
"Nay....Nanay....Nanay Lupe" tawag ko, sabay takbo palapit sa kanya..
"Ikaw pala iyan Nak, pauwi kana?" tanong ni Nanay...
"Opo Nay..." sagot ko...
"Bakit ang aga mo yata? Akala ko hanggang hapon pa ang pasok mo?"
"Kasi Nay, sa bahay kami kumain ng lunch ni Francis, pero bumalik din kami sa school para sa afternoon class" paliwanag ko....
"Sige, ngayon alam ko na...teka Nak sino si Francis, boyfriend mo?" biglang tanong ito...
"Nay, huwag ka maingay.... baka marinig ka! hindi niya alam ang tungkol sa akin.... teka pakilala kita Nay, Francis.... Francis......bilisan mo..... pakilala kita kay Nanay Lupe"
Biglang tumakbo si Francis, papalapit sa amin.....
"Hmm...hmm....hmm, ang bilis mo talaga maglalad bestfriend..." hinihingal na sambit ni Francis....
"Mabagal ka lang talaga.....pero sa ibang bagay ang bilis bilis mo" sagot ko naman....
"Uy, loko ka bestfriend....naririnig ni Nanay Lupe mo....daldal mo talaga!" sagot ni Francis....
"Nanay Lupe..... Francis Xian Bustamante po pala..... ang pinakamamahal kong bestfriend" pakilala ko......
"Gandang Umaga po Nanay Lupe...." bati ni Francis.....
"Magandang hapon din sa iyo Anak...." sagot ni Nanay...
"Nanay Lupe, ako na po ang magdadala ng mga pinamili mo, akin na po iyan" pahayag ni Francis....
Inabot ni Nay Lupe ang dalang pinamili kay Francis at nauna ng maglakad papuntang bahay. Mga ilang hakbang narin naman ay gate na namin.
"Siya pala si Francis...... Nak, gwapo..... at mukhang matalino at mabait, galing mo talagang pumili" bulong ni Nanay sa akin....
"Syempre....ako pa Nay, dapat parehas ko rin dapat na gwapo matalino at good boy....hehehe" sagot ko....
"Sabagay.....pero Nak, hindi ko inaasahan na ganyan ang magiging itsura mo.... ang gwapo mo at ganda ng katawan, iniisip ko habang nasa byahe....mukha kana sigurong babae, ganun kasi ang mga bakla sa amin" pahayag ni Nanay.....
"Hala....grabe naman iyon Nay, ayaw ko ng ganun....gusto ko lalaki parin itsura at ayos. Tsaka Nay, uso na ngayon ang mga bakla na ang gagwapo at ang gaganda ng katawan, tulad ko" paliwanag ko....
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki Sa Bintana (boyXboy) ongoing....
RomanceMulto ng nakaraan dala ay pag-ibig na pangkasalukuyan.......