Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng sumusuporta sa kwentong ito (Ang Lalaki Sa Bintana). Sa ngayon po itong kwentong ito ang tila gusto ng nakakarami. Wala pa po akong isang buwan sa wattpad pero sobrang saya ko at marami ng nagbabasa sa mga gawa ko. At syempre ang mas nakakataba ng aking puso ay sa tuwing makakabasa ng iyong mga comments at personal messages na pumupuri sa mga likha ko.
Hindi po ako isang writer, sinubukan ko lang magsulat para mailabas ang mga nasa damdamin ko. May pinagdadaan kasi si Author na malaking pagsubok sa buhay ngayon. Sa pamamagitan ng mga kwentong gaya nito. Naibabahagi ko ang nasa puso ko, ang gustong sabihin ng isip ko at nailalarawan ang mga pantasya't pangarap na gusto ko.
Sa ngayon, aaminin ko hindi pa po tapos ang problema ko at nagsisimula palang akong bumangon. Isa po kayo sa mga nagbibigay lakas sa akin na mabuhay pa. Pressure po, minsan gusto ko ng magpakamatay pero paano ang mga update sa story ko. Paano ko matatapos ang nasimulan ko kung wala na ako.
Siguro nasagot ko na ang mga tanong nyo kung bakit at paano ko naisulat ang kwentong ito. Tulad ni Francis maraming beses ko narin naisip na magpakamatay sa bigat ng pagsubok na hinaharap ko. Tulad niya maraming pagkakataon na pakiramdam ko nag iisa lang ako at walang sinuman ang handang makinig sa pinagdaraan ko. Mahirap mag isa, malungkot umiyak ng walang dumadamay sa iyo. Salamat nalang sa wattpad at sa kwentong ito. Alam ko may nakisama at nakiisa sa lungkot na dala ng kwentong ito.
Marami pa pong mangyayari sa kwento ni Francis. Sana samahan natin siya hanggang sa tuluyan na niyang lisanin ang mundo. Masakit isipin na maraming tao na ang sumuko sa problemang pinagdaraan. Sana lang hindi ako umabot sa ganun..... :)
Huwag po sana kayong magsasawa sa pagsuporta sa akin, pipilitin kung mabuhay para makapag update palagi....hehehe
P.S: Tumatanggap po ako ng mga suggestions mula sa mga readers kung ano ang nais nilang mangyari sa kwentong ito. Message nyo lang po ako....
Maraming Maraming Salamat Po....
......please! don't forget to VOTE- Loop Kenon
1/14/2015
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki Sa Bintana (boyXboy) ongoing....
RomanceMulto ng nakaraan dala ay pag-ibig na pangkasalukuyan.......