Gilbert POV
Hindi ko talaga inaasahan at nagulat ako sa mga narinig ko mula kay kuya Bogs. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa mga sinabi niya. Pakiramdam ko may gusto siyang ipahiwatig at iparating sa akin. Sa ngayon hindi ko pa talaga alam at masyadong maintindihan kung ano ang mga iyon, pero malamang sa mga darating na araw malalaman at maiintindihan ko din siya. Pero......? Ano-ano kaya ang mga naikwento ni Nanay Lupe tungkol sa akin? Alam na kaya talaga ni Kuya Bogs ang tungkol sa pagiging silahis ko at maging ang tungkol sa amin ni Francis. Haay.........bahala na nga! siguro naman gaya ni Nanay Lupe maiintindihan at matatangap din niya ako.........
"Nay Lupe, ito na po ang cellphone nyo....." sabay abot sa kanya kahit alam kong nasa kabilang linya pa si Kuya Bogs at kinakausap pa ako.
"Ano Nak? nakapag usap ba kayo ng maayos ng Kuya Bogs mo? Ano naman ang sabi niya?
Hello.... bunso..... hello..... nandiyan ka pa? Helloooooo.....
"Teka! nasa kabilang linya pa pala ang kuya mo......Hindi pa yata kayo tapos mag usap......"
"Ok na po Nay.....makulit lang talaga yang si Kuya Bogs......"
"Sinabi mo pa! sandali lang at kausapin ko muna ito, magbilin lang ako sa kanya para mamaya at baka maligaw na naman itong taong ito at matagal na itong hindi bumabyahe papunta dito......"
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Tila nagkahalo halo na ang excitement, kaba at takot. Siguro.... dahil ngayon lang ulit kami magkikita at magkakasama ni kuya.
"Sige na anak....mamaya na ulit kayo mag usap nitong si Gilbert at maya maya lang naman ay magkikita na kayo" pahayag ni Nay Lupe bago tuluyang nagpaalam sa kay Bogs.....
"Anak.....kamusta naman ang pag uusap nyo ng kuya mo?" tanong ni Nay Lupe sa akin......
" Ayos lang naman po Nay....sandali lang din kaming nakapag usap....."
"Bakit naman? Eh matagal ka na nga gustong makausap ng kuya mo at sa pag kakaalam ko mas excited pa si Bogs na makita ka kaysa sa ina niya. Kanina nga lang ay nagpipilit pa na kausapin ka kaya lang pinigilan ko na"
"Hala! Hanggang ngayon maloko parin talaga si Kuya Bogs"
"Sinabi mo pa, alam mo ba tuwing nagkakausap kami sa cellphone, naku mas marami pang tanong tungkol sa iyo kaysa sa akin. Minsan nga nagseselos na ako sa iyo.... hahaha.... biro lang Anak. Naiintindihan ko naman ang Kuya Bogs mo at naging masaya talaga ang kabataan niya dahil sa iyo"
"Si Nanay talaga.....pero Nay, nakwento nyo na po ba ung tungkol sa.......ung tungkol....?" bitin na tanong ni Gilbert"
"Yung tungkol sa alin?" balik na tanong sa kanya ni Nanay Lupe...
"Nay....yun tungkol po sa amin......"
"Ano ba itong batang ito at putol putol kung magtanong.....tapusin mo nga yang tanong mo at ng maintindihan ko at masagot ko ng maayos at kumpleto" giit ni Nanay Lupe...
"Si Francis po.....yung tungkol sa amin ni Francis.....yung pagiging.....ano ko po....! alam mo na yun Nay.....naikwento nyo narin po ba kay kuya Bogs?"
"Naku....anak, syempre hindi pa....personal na buhay mo yan at ayaw ko namang pangunahan ka, ikaw dapat ang magsabi sa kuya mo ng mga ganyang bagay......"
"Yes!" biglang sigaw ni Gilbert...
"At bakit napapa Yes ka dyan, hindi porket hindi ko pa nasasabi sa kuya mo ang tungkol sa inyo ni Francis ay wala siyang alam at nararamdaman tungkol sa totoong ikaw......"
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki Sa Bintana (boyXboy) ongoing....
RomanceMulto ng nakaraan dala ay pag-ibig na pangkasalukuyan.......