Chapter 17: Sino si Kuya Bogs?

1.8K 44 19
                                    

"Sino naman kaya itong si Kuya Bogs? Ano ang koneksyon nila ni Gilbert at bakit ganun nalang ka excited itong Mahal ko sa pagdating ng taong ito. Badtrip at ayaw ko talaga ng ganitong pakiramdam. Pero alam ko wala naman akong dapat ikaselos at tiwala ako sa mokong na ito. Subukan lang niyang magloko at bugbog talaga ang aabutin nito sa akin" bulong sa sarili ni Francis

"Mahal, ano ba ang iniisip mo diyan at parang may binubulong ka pa?" tanong ni Gilbert....

"Wala naman Mahal, may bigla lang naiisip pero hindi naman importante iyon kaya huwag mo nalang akong pansinin"

"Sige, sabi mo eh.....Mahal pumara kana ng tricycle at baka mahuhuli na naman tayo sa 1st subject natin"

Nang may dumaan tricycle sa harap nila agad itong pinara ni Francis at dali daling sumakay ang dalawa....

"Manong, university lang po, main gate tayo......salamat...." bilin ni Francis sa driver....

Habang umaandar ang tricycle, hindi mapigilan ni Francis ang magtanong.....

"Mahal, Sino si Kuya Bogs?"

"Ha? Si Kuya Bogs......"

"Oo...Si Kuya Bogs mo, sino ba iyon?"

"Aaahhh, panganay na anak ni Nanay Lupe, mas matanda sa akin ng limang taon iyon kaya kuya na ang tawag ko. Noong mga bata pa kami sa bahay nakatira sila. Parang kapatid na ang turingan namin sa isa't isa. Kaya noong nagdecide si Nanay Lupe na pauwiin si Kuya Bogs sa probinsya nila talagang nalungkot kaming dalawa. Nga sampung taon narin siguro ang nakakaraan"

"Kelan kayo huling nagkausap at nagkita?"

"Naku Mahal ko, mula noong umuwi siya ng probinsya nila hindi na kami nagkausap at nagkitang muli. Kumustahan lang sa pamamagitan ni Nanay Lupe"

"Aaahhhh.....kaya excited na excited ka nang makita siya. Sigurado ako miss na miss mo na ang Kuya Bogs mo"

"Medyo....teka lang Mahal ko, bakit ganyan ang tono ng mga tanong mo? alam ko na......nagseselos ka no?"

"Ha? Bakit naman ako magseselos? Nagtatanong lang ako mahal para may idea ako. Isa pa mukhang sa kainan iyun magtatrabaho dapat makilala ko rin siya. At isa pa, may dapat ba akong ikaselos Mahal ko?"

"Syempre, wala Mahal ko....."

"Mabuti naman.......Manong sa tabi nalang po......ito ang bayad...... salamat"

Habang nasa klase ang dalawa, hindi parin mawala sa isip ni Francis ang tungkol kay Kuya Bogs......

"Kakainis.....bakit ba hindi maalis sa isip ko ang tungkol sa Kuya Bogs na iyon. Ganito ba ang feeling ng nagseselos..... haay.....Hindi tuloy ako makapag focus sa klase" bulong sa sarili nito sa sarili....

Nang matapos ang klase ng dalawa dumiretso na muna sila sa bahay nila Gilbert at doon nalang magpalipas ng oras bago pumunta ng bayan.

"Mahal....doon muna tayo sa bahay at masyado pang maaga para pumunta ng bayan, OK lang ba sa iyo?" tanong ni Gilbert....

"Oo naman.....mas gusto ko iyon at masosolo ulit kita, alam mo na" sagot ni Francis....

"Naku, nagsimula ka na naman sa kalokohan mo"

"Bakit ayaw mo ba?"

"Syempre, gusto ko.....basta ikaw"

"Akala ko tatanggihan mo ako dahil may Kuya Bogs kana...."

"Baliw! At talagang pinagseselosan mo ang taong iyun. Hindi pa nga dumadating may issue na agad. Tumigil ka at wala kang dapat ikaselos. Pag hindi ka tumigil ng kakaisip ng kung ano ano, hahalikan kita dito"

Ang Lalaki Sa Bintana (boyXboy) ongoing....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon