Hindi parin makapaniwala si Luis sa mga nangyari. Gusto niyang matakot pero hindi ito ang kanyang nararamdaman sa halip natutuwa ito at naging tulay siya para tuluyang manahimik na ang kaluluwa ni Francis.
Dahil hindi pa naman dumating ang ibang makakasama ni Luis sa kwarto. Gabi gabi itong napupuyat kakasilip at walang pagod na tinitingnan ang kabilang bintana, nagbabakasaling muling magpakita ang mahal na kaibigan. Pero ilang gabi na ang dumadaan ngunit hindi na muling nagpakita sa kanya si Francis.
Madalas din nitong hawak ang cellphone at hindi mabitaw bitawan, inaabangan ang mahiwagang text mula sa kaibigan. Hindi maunawaan ni Luis ang kanyang nararamdaman, parang namimiss niya si Francis. Alam nito na kahit sa sandaling panahon na sila'y nagkakilala at nagkakausap naging espesyal na ito sa kanya. Natatawa ito sa sarili at mukhang nagkakagusto ito sa isang multo.
Naging malulungkutin si Luis at madalas nagkukulong sa kwarto mag isa pag uwi galing eskwela. Hindi rin ito nakikisama sa ibang estudyante sa boarding at mas pinipiling mag isa.
"Luis....nandiyan kaba sa loob?"
Isang tawag mula sa labas ang kanyang narinig at mukhang si Tita Elsa iyon. Agad itong bumangon sa pagkakahiga at tinungo ang pintuan. Pagbukas ng pinto, si Tita Elsa nga ang nasa labas.
"Tita, bakit po? Pasensya na nakatulog kasi ako at kakauwi ko lang galing school"
"Wala iyon, pasensya na at naistorbo kita... gusto lang kitang ipakilala sa bagong roommate mo at kadarating lang niya..."
"Ganun po ba Tita, nasan po siya?" tanong ni Luis...
"Halika ka dito Gilbert at ipapakilala ko sa iyo ang makakasama mo sa kwarto...si Luis pala"
"IKAW! " sabay na nasabi ng dalawa.....
ABANGAN...............
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki Sa Bintana (boyXboy) ongoing....
RomansaMulto ng nakaraan dala ay pag-ibig na pangkasalukuyan.......