Francis POV
Hindi ko na hinintay tumulog ang alarm clock ko at bumangon na ako. Nag ayos ng higaan at binuksan ang bintana. Mula sa kwarto ko, kitang kitang ko rin sa kabilang bahay na abalang abala na ang mga boarders ni Aling Elsa. Sa totoo lang sa kabilang bintana ko minsan nakita na sabay nagpaparaos sa sariling sikap ang dalawang magkaibigan. Alam ko hindi sila mga bakla, malamang dala lang ng sobrang libog sa katawan. Madilim pa pala kahit mag aalas sais na ng umaga. Ako narin ang nagplantsa ng uniform ng susuotin para hindi na maabala si Mama. Bago pumasok sa banyo, bumati muna ako kay mama mula sa aking kwarto.
"Good Morning Ma, gising na ako"
Biglang sumilip si Mama mula sa kusina.....
"Aba ang aga mo ngayon Anak ha... anong meron?"
"Wala naman Ma, nakapagplantsa narin pala ako ng uniform ko" pagyayabang ko....
..........mukhang maganda ang gising mo ngayon Francis ha!.... bulong sa sarili.........
Ganito naman talaga ang normal na gising ko. Napapadalas lang kasi ang puyat dahil sa online games at minsan pagod dahil sa bakbakan namin ni Janet. Pero dahil kagabi ay naging good boy ako at masarap ang tulog, ito maganda ang gising ko ngayon.
Pagkatapos maligo at magbihis ng uniform, bumaba na ako para mag almusal at makipag kwentuhan kay Mama. Mahaba ang oras ko ngayon at hindi kailangan magmadali.
"Ma, bakit nakalabas lahat ng cook book mo dito sa sala? Anong meron?"
Ngayon ko lang kasi ulit nakitang nilibas ni Mama ang kanyang pinagmamalaking mga recipe.
"Halika na dito at sasabihin ko sa iyo, kung bakit"
"Nandiyan na po...."
Papalapit pa lang ako sa kainan, naaamoy ko na ang isa sa mga unique recipe ni Mama.
"Wow......Chicken Tapa....ngayon ka lang ulit gumawa at nagluto nito Ma ha..."
"Oo nga eh....sinubukan ko lang kung kaya ko pang lutuin ang mga recipe ko...bilis Anak, tikman mo na..."
"Hmmmpppp, yummy! wala paring kupas Mama ko.... The Best Chef ka parin talaga, pero ano bang meron?"
"Ganito kasi iyon Anak, noong isang araw nagkakwentuhan kami ni Tita Lourdes mo..."
"Yun, Mommy ni Gilbert Ma?"
"Oo, tapos mukhang pareho kaming mahilig at may nalalaman sa pagluluto kaya naisipan namin na magbukas ng maliit na kainan sa tapat ng university nyo...sa susunod na linggo kami magsisimula.."
"Ito ba iyong may ginagawang renovation sa dating karinderia na pinasara dahil marumi..."
"Oo Anak iyon mismo, si Tita Lourdes mo ang nagparenovate para mas maganda ang ambiance at mas malinis na siya..."
"Wow.....ang galing naman....alam na kaya ito ni Gilbert?"
"Hindi ko alam kung nasabi na ni Lourdes, tingin ko alam na..."
"Astig talaga Ma, may kainan na tayo at kapartner mo pa ang Mommy ni Gilbert"
"Oo nga....kahit kami ng Tita mo excited na"
Biglang may kumatok sa pinto.....
"Tao po...... Tita Sally....."
"Ma, sandali lang....si Gilbert na iyon"
Mabilis akong tumayo para buksan ang pinto. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko na parang gulat na gulat ang bestfriend ko....
"Gising kana at naka ayos na?" gulat na tanong ni Gilbert...
"Oo kanina pa....pasok ka at kumain, nagluto si Mama ng the best Chicken Tapa niya"
"Good Morning Tita......ano po nangyayari kay Francis, bakit ang agang nagising at mukhang ang saya saya" tanong ni Gilbert kay Mama...
"Ikaw nalang magtanong dyan sa bestfriend mo kung bakit ang aga niyang nagising. Kung bakit naman ganyan yan kasaya kasi may nalaman"
"Hoy....bakit nga ba?"
"Mamaya sabihin ko sa iyo doon tayo sa kwarto kumain muna tayo"
Pagkatapos namin kumain, umakyat muna kami sa kwarto ko. Alas siete palang naman at 8:30 pa ang klase namin. Hinubad muna namin ang mga polong suot para hindi magusot sabay higa sa kama ko. Mas maliit ang kama ko kaya dikit na dikit kaming nakahiga.
"Francis, anong meron bakit ang aga mong nagising at bakit ang saya saya ng gising mo"
"Masarap ang tulog at alam mo na nakapagpahinga kay Janet"
"Aahh...totoo palang tumanggi ka sa kanya, galing naman..."
"Sabi ko sa iyo eh...tiwala lang sa bestfriend" sabay yakap ko kay Gilbert at baka malaglag na ako sa kama.
"At bakit naman sobrang saya mo?"
"Si Mama at Mommy mo, magbubukas ng kainan sa tapat ng school, diba ang saya"
"Oo....kagabi lang din nasabi ni Mommy ang tungkol dyan at natuwa din talaga ako... dumating na nga si Nanay Lupe para may makatulong sila sa paghahanda at pag aayos ng kainan"
"Natutuwa lang ako ngayon bestfriend kasi hindi nalang tayo ang may connection sa isa't isa pati mga magulang natin...astig!"
"Astig talaga...teka maiba ako Francis, nag aral kaba mabuti para sa exam mamaya?"
"Oo naman, ako pa....sigurado ako for the first time, matatalo kita sa pustahan ngayon.. Si Francis ang makakakuha ng mataas ng score"
"Talaga lang ha....tingnan natin mamaya...."
Bigla akong natahimik, hindi ko alam kung paano ipapaala iyong napag usapan namin sa text kagabi. Gusto ko na talagang subukan iyon, hindi lang dahil sa libog kundi gusto kong nalaman kung may mararamdaman akong kakaiba sa bestfriend ko. Sumasakit na kasi ulo ko kakaisip kung bakla ba talaga ako at kung nagugustuhan ko na si Gilbert.
"Bestfriend....paano pala iyong napag usapan natin kagabi?"
"Ano yun? Tungkol saan?" tanong ni Gilbert
"Alam mo na iyon, yun request ko na susubukan natin mamaya"
"Ano nga iyon?"
"Tungkol doon sa .............." sabay senyas ako na kunyari nagjajakol.....
"Baliw ka talaga Francis, seryoso ba iyon, akala ko biro lang...."
"Seryoso ako doon bestfriend.... subukan lang natin, ginagawa din naman ng ibang magkakaibigan iyon. Kaya payag kana...."
"Bahala na mamaya, tara na pasok na tayo....."
Habang nag aayos ng aming sarili bigla nalang may naiisip si Gilbert na ideya para sa pustahan namin....
"Francis may naiisip ko, yan gusto mo nalang ang pagpustahan natin. Pag mas mataas ang score mo sa akin, papayag ako sa gusto mo. Pero pag ako ang nanalo, kakalimutan mo na yan kabaliwan mo. Ayos ba yun?"
"Sige payag ako diyan....dapat pag ako nanalo sa pustahan, susundin mo din ang ipapagawa ko" giit ko naman....
"Oo.....payag ako dyan....for sure ako naman ang mananalo...."
"Yun ang tingin mo....pinaghandaan kaya ito ni Francis...... Ano ready kana? Tara na! Alis na tayo......
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki Sa Bintana (boyXboy) ongoing....
RomanceMulto ng nakaraan dala ay pag-ibig na pangkasalukuyan.......