Alas dos ng madaling araw, habang mahimbing na natutulog ang lahat biglang tumunog ang cellphone ni Gilbert. Pilit itong gumising upang sagutin ang tawag, nakapikit parin habang inaabot ang cellphone sa isang lamesa sa tabi ng kanyang kama. Hindi na nito nagawang tingnan kung sino ang tumatawag.
"Hello.......sino ito?" inaantok na tanong niya....
"Mahal ko......ako ito! si Francis....sorry ha, ginising kita" sagot ng nasa kabilang linya....
"Ikaw pala iyan Mahal ko, Ok lang basta ikaw, bakit napatawag ka ng ganitong oras Mahal?" sunod na tanong habang pinipilit magising ang diwa.....
"Nandito ako sa harap ng gate ninyo.......sunduin mo ako, gusto kitang makasama at makatabi ka sa pagtulog" sagot ni Francis.....
Biglang napabangon si Gilbert sa pagkakahiga.........
"Ha? Ano ginagawa mo dyan? Teka lang, puntahan kita diyan, ibaba ko na itong cellphone ha.....wait mo ako...... I love you" nagmamadaling pahayag ni Gilbert......
.......ano kaya ang nakain ng taong ito at biglang napasugod dito sa bahay ng alas dos ng madaling araw. Pero ok lang, mas masaya ito at makakatabi ko sa pagtulog ang taong mahal ko....... bulong nito sa sarili.
Mabilis ngunit walang ingay na bumaba si Gilbert ng kwarto at agad lumabas ng bahay para buksan ang gate para papasukin si Francis. Agad nitong napansin ang suot na kulay puting pantulog nito.
"Nakarating ka dito sa bahay na ganyan ang suot mo?" nagtatakang tanong ni Gilbert....
"Oo, wala namang problema at gabi na! wala nang nakakakita sa akin" sagot ni Francis.....
Sumilip sandali sa kalsada si Gilbert. Napansin nito na bahagyang dumilim ang kalye dahil sa mga hindi nakabukas na ilaw sa mga poste ng meralco, maliban sa isa na patay sindi naman sa tapat ng kanilang bahay. Tama nga si Francis, wala ni isang tao na nakita si Gilbert kahit ang mga pumapasadang tricycle na hindi nawawala sa daan ay parang naglahong bigla lahat. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong paligid na talagang pinagtatakahan ni Gilbert at tila nagdulot sa kanya ng kaunting takot.
"Anong problema Mahal ko? Ano ba ang nakita mo at mukhang natakot ka..." tanong ni Francis
"Wala Mahal ko, parang may kakaiba lang sa paligid....Sige....pasok na Mahal ko! dahan dahan lang at huwag maingay para hindi magising ang mga tao" utos ni Gilbert......
Kasabay ng pagsara ng gate, isang malamig na hangin ang biglang tumama sa katawan ni Gilbert at isang alulong ng aso mula sa kapitbahay na lalong nagdulot ng kilabot sa kanya.
"Bilis Mahal ko....pasok na!" takot na pahabol ni Gilbert.
Umakyat ang dalawa sa kwarto at umupo muna sa gilid ng kama....
"Mahal.....mamimiss kita ng sobra!" malungkot na sambit ni Francis.
"Mahal ko......nagdadrama ka na naman... hindi pa kami aalis ni Mommy, matagal pa iyon kaya matagal pa na mamimiss mo ako kasi araw araw pa tayong magkakasama" paliwanag ni Gilbert...
"Basta lagi mo tatandaan at huwag na huwag mong kakalimutan kung gaano kita kamahal kahit hindi na tayo magkasama" pahabol ni Francis.....
"Ano ba yan Mahal ko.....tumigil kana at hindi iyon mangyayari...." giit ni Gilbert.....
Isang mahigpit na yakap at isang halik ang sagot ni Francis. Biglang nakaramdam ng kaba si Gilbert sa kakaibang kinikilos at sa mga sinasabi ni Francis.
"Mahal ko, magsabi ka nga! may problema ba?" tanong ni Gilbert....
"Wala naman Mahal ko......bigla lang siguro kitang na miss" sagot ni Francis....
"Grabe ka naman, kanina lang tayo magkasama na miss mo agad ako. Sabagay ako din naman, sa tuwing hindi kita nakakasama at nakikita namimiss din kita agad" paliwanag ni Gilbert.....
Humiga na ang dalawa sa kama hudyat para matulog na. Hindi umaalis ang mga kamay ni Francis sa pagkakayakap sa taong mahal niya. Ramdam ng bawat isa ang init ng mga katawan habang magkayakap. Papikit na ulit sana ang mga mata ni Gilbert ng biglang nawala sa tabi niya si Francis. Nakita niya itong nakatayo sa harap ng bintana.
"Ano ginagawa mo dyan Mahal ko? Bakit tumayo ka? Ikaw ba ang nagbukas ng bintana? Tulog na tayo....hindi ka pa ba inaantok?" sunod sunod na tanong ni Gilbert....
"Anong oras na ba, Mahal ko?" tanong ni Francis....
"Mahal, alas tres na ng umaga.... halika na dito sa kama at tabihan mo ulit ako. Pakisara nalang ng bintana at sobrang lamig Mahal ko" malambing na pahayag ni Gilbert.....
"Mahal......kailangan ko ng umalis, alagaan mo ang sarili mo at huwag kang masyadong malulungkot pag nawala na ako. Lagi mong tandaan na mahal na mahal kita" malungkot na sambit ni Francis....
"Ano bang pinagsasabi mo diyan Mahal, humarap ka nga dito sa akin"
Hindi na nagsalita at gumalaw si Francis sa kanyang pwesto kaya tumayo nalang si Gilbert para lapitan ito at piliting humiga ulit.
"Si Mahal talaga gusto pa ng sinusundo at pinipilit" paglalambing ni Gilbert habang papalapit kay Francis.
Papayakap na sana si Gilbert ng bigla na namang nawala sa kanyang harapan si Francis, ang kanina lang na nakatayo sa harap ng bintana. Nagtatakang sumilip sa labas si Gilbert pero hindi niya nakita si Francis. Subalit nang ibalik niya ang kanyang tingin sa loob ng kwarto. Laking pagkabigla at takot nito ng makita niya si Francis na nakasabit sa kisame at wala ng buhay. Nagbigti ito gamit ang isang sinturon at suot lamang ang paboritong spiderman boxer short.
"FRANCIS............MAHAL KO!........." malakas na sigaw ni Gilbert......
Ilang sandali...........
"Nak.... Nak..... Gilbert...... Gilbert.... GISING!....." malakas na sigaw mula kay Nanay Lupe.....
Biglang nagising si Gilbert, hinihingal at umiiyak pa ito habang pilit kinakalma ang sarili.
.......panaginip lang pala ang lahat! salamat! salamat at panaginip lang pala...... paulit ulit na bulong sa sarili
"Nak, ano ba ang napanaginipan mo? Tinakot mo ang Nanay Lupe....buti nalang at narinig kitang sumigaw kaya umakyat agad ako........"
"Nay! Natakot ako sobra! Bakit ganun ang panaginip ko?........." pahayag ni Gilbert
"Ano ba ang napanaginipan mo? Tungkol ba kay Francis? kasi pangalan niya ang narinig kong sinigaw mo kanina" tanong ni Nay Lupe....
"Nay, nakita ko sa panaginip na nagpakamatay si Francis.....bakit ganun, hindi ko maintindihan.... Natatakot ako sobra, parang totoo ang lahat..... " sagot ni Gilbert....
"Anak, panaginip lang iyon....hindi totoo iyon. Huwag kang matakot.... hindi iyon gagawin ni Francis" paliwanag ni Nanay Lupe.....
Hinanap ni Gilbert ang kanyang cellphone para tawagan si Francis. Ngunit hindi nito sinasagot ang tawag.
"Nay....hindi sumasagot sa tawag ko si Francis....baka may nangyaring hindi maganda sa Mahal ko"
"Subukan mong tawagan ang mama niya" payo ni Nay Lupe....
Agad namang tinawag ni Gilbert ang mama ni Francis.....
"Hello Tita....Good Morning po! Nandiyan po ba Francis? Hindi po kasi sumasagot sa tawag ko" bati at tanong ni Gilbert.....
"Gilbert....ikaw pala iyan! kakaalis lang ni Francis at papunta dyan sa inyo....Naku pagpasensyahan mo na, sa pagmamadali ay naiwan niya ang kanyang cellphone. Hindi ko lang masagot ang tawag mo, antayin mo maya maya nandiyan narin iyon" paliwanag ng Mama ni Francis.....
"Haay....Salamat! Sige po Tita....antayin ko nalang siya at pasensya na po sa abala....Thank You Tita.....see you soon po" paalam ni Gilbert
Halatang nabawasan ang takot sa mukha ni Gilbert pagkatapos ng maikling pag uusap na iyon.
"Ano Nak, kamusta si Francis?"
"Ok na Nay Lupe, papunta na siya dito"
"Sabi ko sa iyo, wala kang dapat ikatakot at panaginip lang ang lahat... Oh sya! bangon na at mag ayos na ng sarili, may pasok pa kayo"
"Sige po Nay.....salamat po Nay Lupe..."
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki Sa Bintana (boyXboy) ongoing....
Storie d'amoreMulto ng nakaraan dala ay pag-ibig na pangkasalukuyan.......