Chapter 1: Ang Simula - Si Francis

3K 55 4
                                    

Francis POV

Kanina ko pa naririnig na tumutunog ang alarm clock ko. Pero wala itong epekto sa akin, ito parin ako nakapikit at pinipilit parin makatulog. Tinatamad talaga akong bumangon at inaantok pa ako. Mga alos dos na yata ako nakatulog dahil sa paglalaro ng Dota.

Isang malakas na tunog ang narinig ko mula sa biglaan pagbukas at pagsara ng pintuan. Alam ko pumasok na si Mama sa kwarto ko para ako'y gisingin.

"Francis ano ba yan? Kanina pa tunog ng tunog ang alarm clock mo hindi ka parin magising......lagpas alas siete na ng umaga at ang taas na ng araw" bungad ni Mama

Bigla kong naramdaman ang init ng araw na dumampi sa mukha ko. Si mama talaga binuksan na ang bintana para magising na talaga ako.

"Ma....ang bintana.....pakisara muna at ang init......paki usap ko

"Ano na naman yan Francis, may pasok ka pa at late kana, huwag mong sasabihin na hindi ka pagpasok"

"Maaga pa Ma.....mamaya pa klase ko"

"Ganun....huwag mo nga akong lokohin, kakadaan lang ni Gilbert at susunduin ka sana kaso sabi ko tulog kapa at mauna na siya at baka ma-late pa iyon kakahintay sa iyo"

Si Gilbert talaga parang jowa ko, araw araw akong sinasabayan sa pagpasok at pag uwi. Hindi tuloy ako makalusot kay Mama.

"Ma, mamaya na akong tanghali papasok, inaantok pa kasi ako"

Biglang lumapit si Mama sa kama at inalis ang kumot at mga unan ko.

"Aba Francis, noong high school ka hinayaan kitang magloko at libre naman ang pag aaral mo. Pero ngayon nasa college kana, pakiusap ko magtino kana anak at mahal ang pagpapaaral sa iyo. Maawa ka naman sa Mama mo, Anak. Kaya please bumangon kana at mag ayos na"

"Si Mama talaga ang aga aga naman magdrama.... ito tatayo na at papasok na"

Sa totoo lang natauhan ako doon sa sinabi ni Mama. Kahit maloko at tarantado ako minsan, pagdating sa usaping nanay eh bumibigay agad ako. Dalawa lang kami sa buhay ni Mama at siya lang talaga ang naghahanapbuhay para mabuhay at makapag aral ako.

"Anak naman kasi, anong oras kana natulog kagabi at naririnig ko pa ang ingay mo habang naglalaro ng computer games na yan. Alam mo namang may pasok ka kinabukasan, bakit ka nagpupuyat?

Agad kong nilapitan si Mama at niyakap.....

"Ok na Mama, papasok na ako....tama na ang drama ha.....baka magtuloy tuloy yan hanggang mamayang gabi mahirap na"

"Makinig ka naman kasi sa akin anak at para naman sa iyo lahat ng sinasabi ko"

"Ok na Ma, maliligo na ako....."

Ganyan talaga si Mama, pag nasimulan na niyang magsermon at samahan pa ng konting drama, sigurado ako tuloy tuloy na yan hanggang mamayang gabi.

Pero aamin ko, matigas talaga ang ulo minsan at medyo loko loko pero may konting kabaitan parin akong tinatago paminsan minsan. Ganito siguro talaga kapag lumaki kang walang kinikilalang ama.

"Anak, huwag kana magtagal diyan at late na late kana, pagkabihis mo bumaba kana at kumain ka muna. Bababa muna ako at mag handa ng almusal natin"

"Sige lang Ma, Patapos at lalabas na ako.....Salamat"

Pagkalabas ko ng banyo, nakita kong naligpit na niya lahat ng kalat sa kwarto ko. Nakahanda narin ang uniform na susuotin ko.

"Ma, nakita mo ba iyong boxer short ko na kulay pula?

" Anak nasa drawer mo.....kakaligpit ko lang...."

"Salamat Ma, nagbibihis na at pababa na ako"

Sinilip ko ang orasan, alas otso na.... 30 minutes nalang bago mag start ang 1st subject ko. Biglang nag ring ang cellphone ko....

Ang Lalaki Sa Bintana (boyXboy) ongoing....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon