Gabi na ng natapos ang kakaibang first date ng dalawa. Bakas parin ang labis na kaligayahan sa mukha ng bawat isa. Walang pakialam sa oras na dumadaan ang mahalaga magkasama sila.
"Gilbert, Bestfriend, Mahal ko........"
"Teka....teka....ang dami mo namang tawag sa akin....pwedeng isa isa lang Mahal ko" biglang singit ni Gilbert....
"Ito naman, sinisira ang moment ko...." giit ni Francis......
"Ay sorry Mahal ko, sige.....tuloy mo na ang gusto mong sabihin"
"Nakalimutan ko na.....bukas nalang" biro ni Francis....
"Ganun? gusto mo hampas sa ulo para maalala mo ang sasabihin mo" biro naman ni Gilbert......
"Naku.....na iimagine ko na future ko sa iyo....isang battered husband ang labas ko" natatawang pahayag ni Francis.....
"Biro lang naman iyon....itong mukhang ito mananakit ng tao. Pumatay nga ng ipis hindi ko magawa, saktan pa ang taong mahal ko.....pero ano ba iyon sasabihin mo sana....please" paglalambing ni Gilbert....
"Wala naman iyon, itatanong ko lang sana kung nagustuhan mo ang first date natin kahit sa sementeryo kita unang dinala at street food ang unang pinakain ko sa iyo" pahayag ni Francis......
"Sa totoo lang, first date ko ito Mahal.... hindi ito ang pinapa
ngarap kong date, gusto ko pupunta sa isang magandang pasyalan. Manonood ng sine at kumain sa isang mamahaling restaurant. Pero hindi ko rin inaasahan na ganito ang mararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon. Ikaw lang nagpapasaya sa akin ng ganito bukod sa mga magulang ko. Siguro Mahal, kahit saan mo ako dalhin basta kasama kita magiging masaya ang bawat segundo ng buhay ko.... Salamat Mahal ko.... Salamat Bestfriend....." paliwanag ni Gilbert.....
"Salamat Mahal ko, basta para sa iyo lahat gagawin ko mapasaya at mapaligaya lang kita......Tara, hatid na kita baka mapagalitan na tayo ng Mommy mo" tugon ni Francis.....
Alas onse na nang gabi sila nakarating sa bahay nila Gilbert.
"Mahal ko, sigurado kang gusto mong umuwi. Pwede ka namang matulog dito sa bahay at gabi na. Ako nalang ang magpapaalam kay Tita para sa iyo" tanong ni Gilbert....
"Ok lang ako Mahal ko, nasa kanto na daw si Mama at inaantay na ako. Magpahinga kana at may pasok pa tayo bukas. See you tomorrow, I love you" sabay biglang halik sa labi ni Gilbert....
"Oops....huwag ng magalit, wala namang nakakita at gabi na" pahabol ni Francis.....
"Ikaw talaga.....sige na, lumakad kana at text mo ako pag nakauwi na kayo ni Tita, pakisabi narin pasensya at ginabi tayo"
Kinuha ni Gilbert ang mga susi sa kanyang bag. Dahan dahan niyang binuksan ang gate at pinto ng bahay. Pumasok itong sinisiguradong walang malilikhang ingay para walang magising na tao. Pero nagulat ito at natakot ng may marinig na boses.......
"Boyfriend mo ba si Francis Anak?"
"Nay Lupe naman, papatayin mo ba ako sa takot?"
"Pasensya na Nak, nagising kasi nun may humintong tricycle. Bumangon ako at alam kung ikaw ang dumating. Pero Nak, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.......Boyfriend mo ba ang Bestfriend mo?"
"Hindi po Nay.....matulog na po kayo ulit"
"Nak, huwag kana magsinungaling sa akin. Nakita ko sa bintana kanina ng bigla kang hinalikan sa labi ni Francis. Ganun naba ang ginagawa ngayon ng mag bestfriend na lalaki"
Hindi na nakakibo si Gilbert at sandali itong tumahimik. Naalala nito bigla ang unang pagkakataon na umamin siya kay Nanay Lupe tungkol sa tunay niyang kasarian.
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki Sa Bintana (boyXboy) ongoing....
RomanceMulto ng nakaraan dala ay pag-ibig na pangkasalukuyan.......