Gilbert POV
"Mommy....tawag nyo daw ako, bakit po?" tanong ko
"Nakausap ko lang kasi Daddy mo kanina at mukhang maiiba ang plano natin Anak" sagot ni Mommy at parang masaya sa ibabalita....
"Ano naman po ang pagbabago Mommy?"
"Anak malapit ng makuha ng Daddy mo ang green card niya" masayang balita ni Mommy...
"Wow.....magandang balita nga yan Mommy, pero anong pagbabago ang mangyayari ngayon?"
'Mukhang mapapabilis ang petition sa atin ng Daddy mo at mismong hospital kung saan siya nagtatrabaho ang tutulong sa kanya"
"Wow...ang galing naman...." tuwang tuwang pahayag ko.....
"Pero may bad news din Anak..." pahabol ni Mommy
"Ha! bad news? ano naman iyon Mommy?" takot na tanong ko....
"Hindi muna tayo matutuloy sa pag punta sa America sa bakasyon. Kailangan kasi magtipid ng konti at malaking pera ang gagastusin para maproseso ang lahat pero pag naaayos naman iyon, makakapunta na tayo doon anytime. At maaring "for good" na Anak" paliwanag niya....
"Yun lang po pala, kinabahan ako doon Mommy, teka "For Good"? ibig sabihin hindi na tayo babalik dito Pinas?" tanong ko....
"Siguro ganun na nga Anak" maikling sagot nito....
"Hala, paano ang pag aaral ko?" nag aalalang tanong ko....
"Pwede mo namang ituloy ang pag aaral mo doon at alam ako matutuwa ka sa buhay America. Halos lahat yata ng Pinoy pangarap na tumira doon at abot kamay na natin iyon ngayon Anak"
Sa totoo lang gusto ko tumalon sa tuwa pero bigla kong iniisip si Francis. Paano na kami ng mahal ko kung pupunta na ako ng America. Ano ba yan, isipin ko palang na magkakahiwalay kami ay naiiyak na ako. Parang hindi ko kayang mawalay sa kanya.
"Kailangan ba talagang doon tayo tumira Mommy? Baka pwedeng dito nalang muna ako sa Pilipinas hanggang matapos ang pag aaral ko. Sayang kasi iyong nasimulan ko dito. At isa pa Mommy, mas ok yata kung pagpunta ko doon, professional na ako" paliwanag ko.....
"Bakit Anak, ayaw mo bang sama sama tayo at kumpleto doon sa America?" malungkot na sagot nito...
"Hindi naman sa ganun Mommy, syempre gustong gusto ko na kumpleto tayo at sobrang miss ko narin si Daddy. Ang ibig kong sabihin, baka hindi ko naman kailangan mag stay muna doon lalo't nag aaral pa ako dito. Pwedeng naman yatang bumalik dito sa Pinas para tapusin ang pag aaral ko. At isa pa nandito na si Nanay Lupe para makasama ko habang wala kayo. Mas maganda yata na pagbalik ko sa America ay ganap na Engineer na ako." paliwanag ko....
"Naiintindihan ko Anak pero pag isipan mo iyan ng mabuti at matagal pa naman iyon, alam ko magbabago pa ang isip mo at nabibigla ka lang ngayon"
"Sige po Mommy, pero masayang masaya po ako sa binalita mo, sana tuloy tuloy na..."
"Ipagdarasal natin na maging maayos ang lahat at walang magiging problem"
"Opo Mommy.....si God na bahala sa lahat at hindi naman tayo pinapabayaan niya"
"Teka lang Anak, naiisip ko lang baka may isang tao ka lang na ayaw mong iwan dito sa Pilipinas kaya naging ganyan ang desisyon mo ngayon. Meron ba akong dapat malaman Anak?"
"Mommy.....walang ganyan, ang iniisip ko lang po ang pag aaral ko...yun lang" palusot ko....
Kung pwede lang sabihin sa kanila na si Francis ang dahilan kung bakit nagdadalawang isip akong pumuntang America. Parang ang hirap naman iwanan ang isang taong mahal mo at mahalaga sa iyo. Pero ganito rin ba ang mararamdaman ni Francis kapag nalaman niyang magkakahiwalay kami. Malulungkot din ba siya o parang balewala lang sa kanya. Bakit pa kasi minahal kita? bakit ikaw pa?
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki Sa Bintana (boyXboy) ongoing....
RomansMulto ng nakaraan dala ay pag-ibig na pangkasalukuyan.......