Chapter 1: Alaala Ng Multo

804 21 16
                                    


Bumalik sa boarding house si Luis na hindi parin makapaniwala sa mga nangyari. Hindi nito alam kung matatakot o matutuwa sa mga naranasan kagabi. Matatakot, ba siya dahil nakakita at nagawa pang makipagpalitan ng text sa isang multo o matutuwa dahil kahit papaano ay naging daan siya para sa tuluyang pananahimik ang kaluluwa ng isang taong pumanaw na at naging kaibigan sa maikling panahon.

"Bakit sa akin? Bakit ako? Anong ibig sabihin nito? sa dinami-dami ng tao na pwedeng pagparamdaman niya, ako pa ang napiling pagpakitaan at hindi lang iyun nagawa pa niyang nakipagtextmate sa akin..... pero bakit ganito ang nararamdaman ko, parang hindi naman ako natakot at mas nakakaramdam ako ng saya sa mga nangyari. Mukhang namimiss ko pa nga ang multong iyon....... Haay, Francis..... ang lalaki sa bintana..... pakiramdam ko, hindi pa dito natatapos ang lahat" bulong sa sarili ni Luis.......

Nanatili muna si Luis sa labas ng boarding house habang tinatanaw ang kwarto kung saan niya nakita si Francis. Binabalikan at inaalala ang mga nangyari kagabi. May mga sandaling napapangiti nalang ito at nakaramdam ng panghihinayang sa bagong kaibigan na matagal na palang mawala. Bigla nitong naalala ang huling text na natanggap niya mula sa kaibigan mga ilang minuto lang ang nakakaraan pero tulad ng mga naunang text, ito'y naglahong parang bula.

"Tingnan mo itong si Francis, pati mga text niya ay parang mga multong bigla nalang din nawawala" sambit sa sarili

Habang nakatayo sa labas, napansin nito ang lalaking kanina lang ay nagligtas ng kanyang buhay na kausap ang mama ni Francis. Ngunit mukhang hindi naging maganda ang pagkikita at pag uusap ng dalawa dahil kapansin pansin na tila nagtatalo at nag aaway ang mga ito. Kahit nasa kabilang gilid ito ng kalsada, maririnig parin ang galit na boses ng babae habang umiiyak......

"Bakit kapa bumalik?....
"Dahil sa iyo wala na ang anak ko!......
"Ikaw ang may kasalanan ng lahat....
"Ikaw ang pumatay kay Francis.....
"Akala ko ba mahal mo siya, bakit mo siya hinayaang mawala.....
"Umalis kana!
"Ayaw na kitang makita at huwag na huwag ka nang bumalik dito..... hinagpis ng mama ni Francis 

Walang anumang salita ang lumabas sa bibig ng lalaki. Nakayuko lang ito at tila umiiyak din. Maya maya pa't sumakay ito ng tricycle  at tuluyan ng umalis.

Tila naging palaisipan tuloy kay Luis kung ano ang kinalaman ng lalaking iyon sa buhay ng multong kaibigan. May mga tanong na nabuo sa kanyang isipan. Ano ang nalalaman nito sa pagpapakamatay ng kaibigan. Anong ugnayan ang meron sila at bakit sukdulan yata ang galit ng mama ni Francis sa kanya.

"Luis, itigil mo yang iniisip mo. Tapos na ang kwento nyo ng lalaki sa bintana. Huwag mo ng alamin ang nakaraan at wala ka namang kinalaman doon" bulong ni Luis sa sarili

"Tol....ang lalim naman yata ng iniisip mo dyan at parang natutulala kapa" tanong ni Marcus sabay tapik sa balikat na Luis.

Si Marcus na kabababa lang ng boarding house na mukhang may lakad at bihis na bihis.

"Kanina pa kita pinagmamasdan sa taas at parang seryosong seryoso ka naman masyado diyan.....ano ba ang napag usapan nyo nun babae sa tapat....Parang kanina habang nagbibihis ako sa kwarto, napansin ko na nag uusap kayo, kitang kita sa bintana mula sa itaas.....kakilala mo ba yun tol o isang kamag anak niyo?" pahabol na tanong ni Marcus.

"Ikaw pala yan!" gulat na sagot ni Luis

"Huwag mo akong pansinin..... naninibago lang siguro ako at namimiss ko ang pamilya ko at excited narin pumasok sa school....at yun babae sa tapat, hindi namin siya  kamag anak at kanina ko lang nakilala. Nakipagkwentuhan lang saglit, alam mo dapat imaging close tayo kahit papaano sa mga kapitbahay. Lalo't na't mga bago lang tayo sa lugar nila" sagot ni Luis.....

"Aba....teka lang, at bakit bihis na bihis ka yata.....may date? Ang tindi mo tol, isa kang tunay na hokage....meron kana agad biktima, taga school ba yan o kapitbahay" dagdag ni Luis.....

"Hoy....baliw, mga kaklase ko at bagong barkada sa school ang kasama ko at magkikita kita kami dyan sa mall sa may bayan......sabay sabay kaming bibili nun mga gamit sa drawing class namin....." sagot ni Marcus.....

"Aaahhh....pasensya na....malay ko ba kung activated na ang pagiging chickboy mo at ready na sa mga chicks dito" biro ni Luis....

"Sira-ulo.....baka may makarinig sa iyo at maniwala......mahirap na!..... hmmmp, bakit hindi ka nalang sumama sa akin at ng hindi ka nakatunganga dito sa labas at kung ano ano tuloy ang pumapasok dyan sa utak mo.....Tara! Huwag kana magbihis at ayos naman yang suot mo ngayon"

"Naku Marcus, nakakahiya naman sa mga classmates mo, hindi naman nila ako kilala tapos sasama ako....kayo nalang at enjoy......ayos lang ako dito, next time nalang.....oh, lakad na baka mahuli kapa sa usapan nyo at para hindi narin kayo gabihin masyado pag uwi. Ayan may paparating na jeep, parahin mo na ng makasakay kana..." giit ni Luis

Pagkaalis ni Marcus, mga ilang minuto lang  ay umakyat narin si Luis pabalik ng kanyang silid. Medyo maingay ang sala dahil doon madalas tumatambay ang lahat. Kaya mas pinili ni Luis na sa kanyang silid nalang tumambay habang wala pa siyang pinagkakaabahan at kukunte palang ang mga kakilala sa boarding house.

Dahil hindi pa naman dumating ang ibang makakasama ni Luis sa kwarto. Gabi gabi itong napupuyat kakasilip at walang pagod na tinitingnan ang kabilang bintana, nagbabakasaling muling magpakita ang mahal na kaibigan. Pero ilang gabi na ang dumadaan ngunit hindi na muling nagpakita sa kanya si Francis. Hindi na niya muling nakitang bumukas ang ilaw at maging mga bintana nito.

Madalas din nitong hawak ang cellphone at hindi mabitaw bitawan, inaabangan ang mahiwagang text mula sa kaibigan. Hindi maunawaan ni Luis ang kanyang nararamdaman, parang namimiss niya si Francis. Alam nito na kahit sa sandaling panahon na sila'y nagkakilala at nagkakausap naging espesyal na ito sa kanya. Natatawa ito sa sarili at mukhang nagkakagusto ito sa isang multo.

Naging malulungkutin si Luis at madalas nagkukulong sa kwarto mag isa pag uwi galing eskwela. Hindi rin ito nakikisama sa ibang estudyante sa boarding at mas pinipiling mag isa.

"Luis....nandiyan kaba sa loob?"

Isang tawag mula sa labas ang kanyang narinig mukhang si Tita Elsa iyon. Agad itong bumangon sa pagkakahiga at tinungo ang pintuan. Pagbukas ng pinto, si Tita Elsa nga ang nasa labas.

"Tita, bakit po? Pasensya na nakatulog kasi ako at kakauwi ko lang galing school"

"Wala iyon, pasensya na at naistorbo kita... gusto lang kitang ipakilala sa bagong roommate mo at kadarating lang niya..."

"Ganun po ba Tita, nasan po siya?" tanong ni Luis...

"Halika ka dito Gilbert at ipapakilala ko sa iyo ang makakasama mo sa kwarto...si Luis pala"

"IKAW! " sabay na nasabi ng dalawa...


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Lalaki Sa Bintana (boyXboy) ongoing....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon