PROLOGUE

1.9K 53 6
                                    


DISCLAIMER

This is a work of fiction. Any names or characters, businesses or places, events or incidents, are fictitious. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Please bear with me. Sorry for the grammatical errors, wrong usage of punctuations and jokes you will encounter while reading the story. Again, I'm sorry.

I will edit/revise this story if my on-going story is finally done already.

Thank you!!!

•••

"Bumalik na tayo, Luna."

Sinundan ako ni Syl habang naglalakad ako papalayo sa kanila. Kanina niya pa ako pinipigilan na 'wag umalis sa resort kung saan gaganapin ang reunion.

"Luna, ano ba!"

I didn't look at her. Bahala siya! If she wanted to stay, then stay! Hindi ako para ayain din siya umuwi.

Mas binilisan ko ang paglakad dahil sa patuloy niyang pagsunod sa akin. Mabuti at nakasapatos ako ngayon, hindi na hihirapan maglakad sa punyetang buhangin na ito!

"What's wrong with you, Luna," I heard her again, she's now frustrated.

Bahala ka riyan! Alam kong magsasawa ka rin kasusunod sa akin. Binilisan ko pa ang lakad nang marinig nang malapitan ang inis niyang tinig.

"Luna."

I stopped when she held me in my arm. Sinamaan ko siya nang tingin nang harapin ko ito. Ako na ang umalis sa kamay niya at umayos nang tayo, naiinis na.

"Ano ba kasing problema mo?!" nanggagalaiti nitong tanong sa akin. Hindi ko siya sinagot at handa na muling umalis pero hinawakan niya muli ako. "Sagutin mo ako!"

"Sige!" Sigaw ko at natigilan siya. "Nandun lang naman ang taong kinamumuhian ko." Tinuro ko ang lugar kung nasaan ang lalaking 'yun. "Nandoon siya!" I tried to calm myself.

"Ano naman kung nandon siya? Kakilala rin naman siya ng mga kaklase nat--" I cutted her.

"Bobo ka ba?"

"A-Ano? Tinawag mo akong bobo?" Mistulang gulat siya. "Kaibigan mo ako tapos ganyan ang itatawag mo sa'kin. You're so nice kung ganon."She smiled, bitter.

"Kaibigan mo naman pala ako, bakit hindi mo nalang ako sinusuportahan? Alam mo namang kinamumuhian ko ang lalaking 'yun. Alam mo naman ang mga pinagdaan ko dahil sa kanya. Naghirap ako dahil sa gagong lalaking 'yun. Tapos kung makaasta kang parang wala lang." Napasabunot ako sa buhok ko.

"Matagal na 'yun. Bakit ba hindi mo siya patawadin."

"Hindi ganun kadali!!"

"Alam kong hindi pero makinig ka, pakinggan mo ang sasabihin niya."

"Wala akong papakinggan."

"Meron!"

"Meron? Puro's kasinungalingan?" I awkwardly laughed. "I'm sad to tell you pero hindi ko siya pakikinggan at mas lalong hindi ko siya paniniwalaan."

"Ayan ang mahirap sa'yo!" Sigaw niya. "Hindi ka marunong makinig. Hindi ka marunong umunawa. Gusto mo laging ikaw ang tama kasehadong may mali ka rin naman. Sige! Malakas ka diba?" She smirked. "Kung 'yan ang gusto mo, edi, go!" At tumalikod siya. Pinagmasdan ko lang ang likod niya habang palayo.

Lumapit ako sa gutter at naupo, malapit sa mga puno. Isinubsob ko ang mukha sa tuhod habang nakayakap ang dalawang kamay ko dito. Ipinikit ko ang mga mata.

Mas isiniksik ko ang sarili ng umihip ang malakas na hangin. Malamig sa lugar na ito. Kinagat ko ang ibabang labi, kumikibot ang mga ito. Kanina ko pa pinipigilan na 'wag umiyak. Dahil magmumukha lang akong mahina. Ayokong makita nila na mahina ako.

Iniangat ko ang ulo at tumingin sa kalangitan. Malaki ang buwan na natatakpan ng mga ulap. Ibinababa ko ang tingin ng maramdaman kong may nakatingin sa'kin. Iginala ko ang paningin para hanapin kung sino man 'yun. Tumayo ako ng may makitang tao. Hindi ko alam kung sa'kin siya nakatingin pero tingin ko, oo.

Dahil madilim ay hindi ko maaninag masyado. Bulto ito ng isang lalaki. Halata sa katawan. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa direksiyon ko. Kinabahan ako dahil papunta siya sa'kin. Napako ako sa kinatatayuan ng makita ko ang mukha ng lalaking kanina pa akong pinagmamasdan.

Haru

The Guy Who Stole My First Kiss | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon