CHAPTER 31
Pinapanood ko lang si Syl na maglagay ng mga gamit niya sa bag na dadalhin sa Reunion mamaya. Tapos na akong mag-impake dahil kaunti lang ang dinala ko. Hindi naman ata kami magtatagal doon ng isang linggo kaya hindi na ako nag-impake ng sobra-sobra.
Nakadapa ako sa kama habang si Syl ay nakaupo sa sahig nitong kwarto ko habang naglalagay sa malaking bag niya ng mga gamit. Kanina pa talaga siya d'yan. Matapos naming mag-tanghalian ay excited na excited siya, anong oras na hindi pa rin siya tapos.
Namimili pa kasi ito kung ano ang mga dadalhin at susuotin. Iba-iba ang mga damit na binili namin sa mall ng friday, at iyun ang pinagpipilian ngayon ni Sylvian kaya ang tagal. Mga swimsuits karamihan ang binili namin, hindi ko lang alam kung susuotin ko.
Siguro ayun na lang ang panloob ko tapos magsho-short ako at walang pang-itaas na damit. Pwede na siguro ang ganun. Wala naman sigurong bawal na suot sa pupuntahan namin, wala rin silang magagawa kung gan'un ang gusto ko.
"Sagutin ko lang si Six, tumatawag kasi." Tumayo ako sa pagkakahiga at kinuha ang phone sa table na nasa gilid ng kama.
"Kaano-ano mo ba iyan?" Nakakunot-noo niyang tanong.
I just shrugged, I don't want to answer her, so I turned my back to go to the balcony. I swiped the answer button and place my phone on my left ear.
"Why?" I asked.
[Hindi ka papasok?]
"May pupuntahan ako,"
[Where?]
"Beach. Do you want to come?" Pwede naman siguro siyang sumama kung gusto niya. Para naman kahit papano mabawasan ang init ng ulo nito. "You can join, Six. Mamayang mga 9:30pm ang alis namin."
[Ahmm, maybe?] Dinig ko sa kabilang linya ang boses ng mga Employee sa Company, so nasa trabaho siya. [Text me the address, I'll be late because I have many things to do, na dapat na ikaw ang gumagawa.]
"Okay-okay, I'll text you." Then he hung up.
Bumalik na naman kasi sa pagkasungit ang lalaking iyun. Hindi ko alam kung bakit sobrang sungit niya, lalo na sa'kin. Minessage ko kay Six ang address ng beach na pupuntahan namin bago pumasok sa kwarto at humiga muli sa kama.
"Sasama pala si Six." Nakapikit na sabi ko habang hinihilot ang parehong sintido.
"Sino nga kasi 'yang Six, Luna?" Mahihimagan ang taka sa boses niya. "Hindi mo siya kinikwento sa'kin."
"Basta."
"Luna!"
"H'wag mo ng kilalanin."
Narinig ko ang malalim na buntong-hininga niya. Hindi ko na lang siya pinansin dahil inaantok talaga ako. Nakapikit ang mata ko habang pinapakinggan ang mahinang pagkanta ni Sylvian.
"Luna,"
"Hmmm?" I hummed.
"Si ano pala--"
"Don't!"
Iginilid ko ang katawan sa kabilang side para hindi siya makita. Itinakip ko rin ang isang unan sa mukha ko para hindi na siya madinig. Ayan na naman si Syl sa lalaking iyun. Wala siyang kasawaan, paulit-ulit.
Gusto ko na siyang kalimutan ng tuluyan. Gusto kong alisin itong nararamdaman ko sa kanya para mawala na talaga ang lalaking iyun sa'kin. Pero hindi ko magawa, ilang beses kong inaalis ang nararamdaman sa kan'ya kaso walang silbi.
BINABASA MO ANG
The Guy Who Stole My First Kiss | ✓
Novela Juvenil"Hinalikan kita para hanap-hanapin mo ang labi ko." In just one kiss, everything has changed. All the sweet memories became bitter and painful for her. Will it last? Especially when she finally saw once again a guy who stole her first kiss? |unedite...