CHAPTER 17
"Down na down 'yang mukha mo."
Nilingon ko si Syl ng magsalita ito, nagtatali siya ng buhok. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Hinigpitan ko ang pagkaka-ponytail ng buhok ko.
"Ayusin mo nga 'yang mukha mo, ilang days ka nang ganyan. Ano bang nangyari?" Pagbubusisi ni Syl.
"Wala." Maikling sagot ko.
"Pag ikaw natamaan ng bola, tatawanan kita." Aniya.
Tumayo ako at inayos ang damit na nagusot. Ibinaba ko ng konti ang shorts at inayos. Kinuha ko rin ang tumbler ko at panyo. Sabay kaming lumabas ni Syl sa washroom at pumunta sa field.
PE namin ngayon, almost 2 days na rin akong down na down. Punyeta kasing, Haru. Sa dalawang araw na namalagi ay minu-minuto ko itong kinukulit para pumayag. Kaso walang silbi, nainis pa ang kuya niyo. Punyeta.
Mamaya ulit ay susubukan ko, baka ngayon ay gumana na. Kailangan ko na siyang mapapayag dahil mapapahiya talaga ako kay Aiden. Ano naman kayang idadahilan ko? Naiinis kasi siya sa'kin dahil paulit-ulit daw ako. Uulit-ulitin ko talaga hangga't pumayag siya.
Bakit ba kasi ayaw niyang pumunta? Ayaw niya ba sa atensyon? Kung tutuusin ay nakikilala na si Haru dito sa school, maya't- maya ang banggit sa pangalan niya ng mga kababaihan. Nakakasawa.
Masiisira ang pangarap nila kapag ako ang nakapartner ni Haru sa Prom Night, sisiguraduhin kong kami ang mananalo. Sana!
Punyeta ka, Haru.
"Ms. Reyes! Ano pang itinatayo mo d'yan? Tumakbo ka na!
Nabalik ako sa sarili matapos marinig ang galit na boses ni Coach. Iginala ko ang paningin at ang lahat ng kaklase ko ay nasa kalagitnaan na ng field habang tumatakbo. Habang ako ay nasa pwesto ko pa rin at nag-iisip.
Wala na akong choice kundi ang habulin, mas binilisan ko ang takbo kumpara sa takbo ko. Tumabi ako kay Syl at tinarayan ako habang humahabol ako ng hininga.
"Bakit 'di mo ako tinawag, punyeta ka!" Inis kong sabi sa kanya, natakbo pa rin.
"Gaga ka! Kanina pa kita kinakalabit!"
"Sana mas nilakasan mo!"
"Aba'y? Bahala ka d'yan."
Binilisan niya ang takbo at sumabay sa mga kaklase kong nauuna, nahuli kasi kami dahil sa pagdaldalan. Humabol ako sa kanila dahil lonely na lonely na ako.
Nakita kong nag-PPE din ang Class A-1 sa katabing field. Malawak kasi itong field kaya kasyang-kasya kahit ilan pang klase ang gumamit. Hinanap ng mata ko si Haru kung saan ito nagsususuot.
Bull's eye!
Nakita ko rin sa wakas si Haru, nag-uunat ito kasama ang mga kaklase niya. Nasa dulo siya dahil matangkad naman ito. Seryosong-seryoso ang mukha niya, tila'y mananapak. Kinagat ko ang labi upang pigilan ang tawa.
Napahinto ako sa pagtakbo ng tumigil si Haru sa ginagawa at tumingin sa'kin. He just only rolled his eyes on me then continue stretching. Punyeta! Napatingin ako sa unahan ng tinatakbuhan ko at gulat ang mukha matapos na makitang wala na ang mga kaklase ko.
Nasa dulo na sila habang nakatingin sa'kin nang may pagtataka. Tumakbo na lang ako at hindi pinansin ang tingin nila. Nakakahiya! Tumigil ako sa tabi ni Syl. Ilang beses kaming nag-stretching at nagdaldalan lang kami ni Syl habang ginagawa iyun.
BINABASA MO ANG
The Guy Who Stole My First Kiss | ✓
Teen Fiction"Hinalikan kita para hanap-hanapin mo ang labi ko." In just one kiss, everything has changed. All the sweet memories became bitter and painful for her. Will it last? Especially when she finally saw once again a guy who stole her first kiss? |unedite...