CHAPTER 16
Idinilat ko ang mga mata nang maramdaman ang noo ni Haru sa noo ko. Noo ang naramdaman ko at hindi ang kanyang labi. May kung anong umalon sa loob ko matapos niya akong halikan, NO! Binalak niya pala akong halikan pero napigilan niya.
Bakit?
Kinagat ko ang labi dahil sa naisip. Bakit ako nanghihinayang na hindi natuloy ang halik niya? Punyeta! Tumingin ako kay Haru at nakapikit ito, sobrang lapit niya, konting galaw ay mahahalikan ako.
Nahihiya ako.
Bigla kong inalis ang sariling noo kay Haru at umalis sa pwesto ko kanina. Dahil sa biglaang pag-alis ay dinig ko ang tunog ng locker gawa ng pagkauntog ng noo ni Haru. Pigil ko ang matawa dahil doon.
Nilingon ako ni Haru at masama ang tingin niya sa'kin. Lumayo ako at pumunta malapit sa may table na pinag-aralan namin kanina.
Masama pa rin ang tingin ni Haru habang hinihimas ang kanyang noo. Inilayo ko ang tingin at tumawa matapos makitang namumula ang kanyang noo.
Ang epic nun!
"Happy?" Inis niyang tanong.
Tatango-tango akong tumawa.
"Masakit ba?"
"Lumapit ka rito sa'kin at i-try ko sa'yo!"
Akmang lalapit si Haru kaya lumayo ako at napakapit sa upuan.
"I'm just asking."
"I'm just asking." He mocked me.
"Masakit nga." Bubulong-bulong ko pang sabi.
Lumapit siya sa isa sa mga locker at binuksan. Kumuha siya ng isang ice pack at dinampi sa kanyang noo. May ganun? Sumandig siya sa railings ng rooftop at tumingin sa'kin ng masama habang dinadampian ang kanyang noo.
Kinain ako ng guilt dahil sa ginawa ko. Masakit siguro talaga dahil ilang beses niyang iniling-iling ang ulo. Lumapit ako at kinuha sa kamay niya ang ice pack. Ako ang tumuloy sa ginagawa niya.
Naiilang ako sa mga titig niya, 'yung mga kastanyo niyang mga mata na naman. Kinagat ko ang ibabang labi at mas dinampi ang ice pack sa noo niya, hindi pinansin ang mga tingin niya.
Baka matunaw ako niyan, Haru, imbes ang hawak kong ice pack.
"Arghh!"
Napatalon pa ako sa gulat matapos marinig ang sigaw niya.
"May galit ka ba sa'kin? Bakit kailangang madiin na madiin?" Singhal niya sa'kin kaya napanguso ako. "Akin na nga 'yan." At kinuha niya sa kamay ko ang ice pack at siya na ang nagtuloy.
Hindi ko naman alam na napadiin ang pag-kakadampi ko sa noo niya. Hindi ko naman ito sinasadya, bakit siya naiinis? Tinarayan ko siya at pinatong din ang siko sa railings.
Buildings na lang ang panonoorin ko kaysa siya! Punyeta!
"Hindi naman sadya, galit na galit." Bulong ko na sinadyang lakasan para marinig niya.
He just tsked.
Tinapon niya sa basurahan ang ginamit kaya tinignan ko ang noo niya. Wala ng pamumula, back to normal na. Dumukot ako sa bulsa ng panyo at pinunasan ang noo niyang basa gawa ng ice pack.
BINABASA MO ANG
The Guy Who Stole My First Kiss | ✓
Teen Fiction"Hinalikan kita para hanap-hanapin mo ang labi ko." In just one kiss, everything has changed. All the sweet memories became bitter and painful for her. Will it last? Especially when she finally saw once again a guy who stole her first kiss? |unedite...