CHAPTER 03
Bihira lang ako makakita ng mga matang kulay kastanyo. Karamihan kasi ay color black or brown. Those Hazel eyes are uncommon, but can be found especially sa Europe at United States. Yellowish-brown at may specks ng gold, green at brown ang gitna. Sa tingin ko wala naman siyang lahi. Pure siya. Pure gago.
Hindi ako makatulog dahil tuwing ipipikit ko ang mga mata, siya ang nakikita ko. Pinukpok-pukpok ko na ang sariling ulo baka sakaling mawala siya sa isip ko. What's wrong with me? Pauilit-ulit na rumerehistro sa utak ko ang kanyang mga mata. Parang shabu, nakakaadik.
Ibinalot ko ang sariling comforter at inayos ang higa. Naiinis pa din ako. Masyado siyang bastos. Siya na ang nakasakit siya pa ang may ganang magalit. Nagalit ba siya? Basta. Buset na mga matang 'yun, masyado akong nilinlang kaya hindi ko namalayan na ibinigay ko ang I.D sakanya. Makukuha niya lang dapat ito kapag humingi siya ng sorry pero ano? Ako mismo ang nag-abot. Putang mga mata.
Nang mag-umaga ay bumangon ako ng marinig ang malakas na katok ni Manang. Alam kong si Manang 'yun dahil siya lang ang paulit-ulit na gumigising sa'kin para pumasok. Naupo ako sa edge ng kama at hinayaang bumukas ang pinto. Kulang ang tulog ko dahil sa buset na lalaking 'yun isama na pati ang mga mata niya. Nag-unat ako bago naisipang pumasok sa cr. Hinayaan ko nang ayusin ni Manang ang higaan ko.
Ginawa ko lang ang morning routine ko at bumaba ng matapos. Inilibot ko ang tingin ng makitang wala na naman sila Mama.
"Maagang umalis sila." Ani manang ng makarating siya sa kusina. Hindi ko naman tinatanong. Pinaghandaan niya lang ako ng makakain. Naupo ako at sinimulang galawin ang mga pagkain.
Sanay na akong wala laging oras ang dalawa sa'kin kaya wala na din akong pake. Lagi silang wala. Nasa iisang bahay kami pero bihira ko lang silang makita. Gigising ako wala sila uuwi ako tulog na sila o kaya nasa trabaho pa. Binilisan ko lang ang kain at umakyat sa taas para maligo.
Inayos ko muna ang sarili bago bumaba ng kotse. I wore a sunglass dahil ayokong makita nila ang puyat kong mukha. Bagay naman sa uniform ko kaya hindi din pangit. Kaso wala namang araw kaya parang tanga din ako.
Hinubad ko ang sunglass ng makarating sa room. Inilabas ko ang make-up kit at sinubukang takpan ang puyat na mata. Wala pang mga Prof dahil may meeting. Wala pa din si Sylvian, himala. Ayaw niya pa naman ng late.
Ibinalik ko ang kit ng pumasok si Sylvian. Nakabusangot ang mukha niya at padabog na naupo sa upuan niya. Hindi ako kinibo ng gaga. Anong problema nito? Dinunggol ko siya kaya tinignan niya ako ng masama.
"What's wrong?" I asked.
She just shrugged and sighed. "That guy, I'm going to break his bone into pieces." She gritted her teeth. I looked at her clueless. "Si Harvey!" Aniya ng makita akong clueless.
"Why?"
"Wala trip ko lang basagin ang mga buto niya." Tinuktukan ko siya sa ulo. "Ouch! Why are you do that?" She's already annoyed.
"Para kang tanga. Bakit ba? Anong meron sa inyo ni Harvey?"
"It's nothing." Aniya. Sinamaan ko siya ng tingin at inambaan ng suntok. "Okay,okay,okay. Just don't punch me." Nakabukas ang dalawang kamay habang nakataas mistulang sumusuko. "About sa arrange." She pouted.
"Yun lang pala."
"Anong 'yun lang pala. Are you insane?"
"Matagal pa naman 'yun kaya 'wag kang atat."
BINABASA MO ANG
The Guy Who Stole My First Kiss | ✓
Teen Fiction"Hinalikan kita para hanap-hanapin mo ang labi ko." In just one kiss, everything has changed. All the sweet memories became bitter and painful for her. Will it last? Especially when she finally saw once again a guy who stole her first kiss? |unedite...