CHAPTER 29

165 16 11
                                    

CHAPTER 29


[How's the meeting?]


I just groaned. Inaantok pa ako, wala naman akong pasok ngayon, so matutulog lang ako. Umagang-umaga tatawag si Mama para tanungin ang pinag-usapan sa meeting, hindi naman ako nakinig.


[Luna,]


"It's fine, don't worry I'll handle everything." Paos pa ang boses kong sabi. "Let me sleep,"


Siya na mismo ang nag-patay sa tawag. Humikab ako ng isang beses at binalot sa katawan ang comforter. Mabuti naman at hinayaan akong matulog ni Mama. I'm so tired yesterday, hindi lang buong katawan pati kaluluwa. Punyeta!


Nakangiti kong niyakap ang isang malambot na unan, ang pagtama ng comforter sa balat ko ay nagbibigay ng nakakagaan na pakiramdam. Gising na ang diwa ko pero pinili kong ipikit ang mga mata dahil wala pa rin naman akong gagawin.


"Puta!" Usal ko ng madinig ang doorbell.


Pabagsak akong tumayo sa higaan at hindi na sinilip ang sarili sa salamin. Bakit ba pati ang tulog ko ay iniistorbo, ayaw akong pagpahingahin ng maayos. Kanina si Mama tapos ngayon may pindot ng pindot sa punyetang doorbell sa labas ng pintuan ko.


Lumabas ako sa kwarto at sinuot ang tsinelas na nakita sa tabi. Lumapit ako sa mini-kitchen ko para kumuha ng tubig sa ref. Nagsalin ako sa isang babasaging baso. Nabuhay ang sarili ko dahil sa lamig ng tubig.


"Sandali!" Uminom pa ako.


Dahil malapit lang naman ang kusina ko sa pintuan dinala ko na ang basong ginamit at lumapit sa pintuan para pihitin at buksan. Halos masamid ako sa sariling laway ng makita ang nasa labas ng pintuan ko. Nanlaki pa ang mga mata ko at gulat pa rin sa kanya.


"I missed you,"


Lumapit ako sa kanya para yakapin siya ng naoakahigpit, miss na miss ko na rin siya. Gumanti siya ng yakap at sobrang higpit nito. Hindi halatang hindi niya ako miss dahil sa pagkahihigpit ng yakap.


"Missed you, too." I said.


Bumitaw ako sa pagkakayakap, gan'un din siya. Pinapasok ko siya at pinaupo sa sofa sa sala. Busy siya sa pagtingin-tingin sa loob ng condo ko.


"Maliligo lang ako,"


Tango lang ang ginawa niya dahil busy siya sa panonood sa malaking babasagin na bintana ko sa sala. Pumasok ako sa kwarto at dumiretso sa CR para gawin ang pang-umagang ritwal.


Inabot din ako ng kalahating-oras sa loob ng CR, binilisan ko na ang pagbibihis dahil nahihiya na ako sa kanya. Ang tagal kong kumilos tapos siya antay ng antay roon.


"Kumain na kaya siya?" I asked myself.


Ibinalot ko na lang ang towel sa basang buhok. Hindi na ako pwedeng mag-blower pa dahil aabutin ako ng pagkatagal-tagal. Mamaya na lang siguro kapag may bakanteng oras. Lumabas ako sa kwarto at naamoy ko ang niluluto niya sa kusina.


"Bakit ka nagluluto? Ako dapat!" Natataranta kong sabi at lumapit sa kanya. "Bisita kita kaya ako ang kikilos."


"Tabi!" Pinalo niya ang kamay ko na kukunin sana ang sandok. "Ako na, okay,"


I make a face before turning my back, I seated in the highchair. Pupunas-punas ang buhok kong pinanood siyang kumilos at magluto. Nakaupo lang ako habang inaantay siyang matapos.


"Bilib ka na naman!"


"Punyeta!" Siniringan ko siya.


Nilapag niya ang mga niluto niya, prito lang pala. Puro canned goods ang nasa taas na drawer ko rito sa kusina. Nang matapos niyang ilapag ang mga prinito niyang spam, itlog at corned beef ay naupo siya sa tabi kong highchair din.


The Guy Who Stole My First Kiss | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon