CHAPTER 25
Hinawakan ko ang sariling labi nang pumasok na naman sa utak ko ang ginawang paghalik ni Haru. Hindi ko alam kung bakit niya iyun ginawa. Hindi ganun ang gusto kong mangyari. Ibang-iba sa gusto ko ito.
Oo, inamin ko na gusto kong halikan niya ako sa labi. Ilang beses ako nanghinayang kapag sa noo niya lamang ako hinahalikan. Ilang beses kong pinag-isipan kung ako ang mararamdaman sakaling halikan niya ako sa labi at hindi sa noo.
Pero matapos niya akong hindi pansinin. Kinaya niya akong hindi kausapin. Tapos ngayon, nakuha niya pa akong halikan ng walang pasabi. Punyeta! Hindi ganun ang ini-expect ko.
Alam kong may nararamdaman na ako sa kanya. Kung tutuusin ay umaapaw na ito at walang-tigil. Pero sa ginawa niya, hindi ko alam kung masasabi ko pa sa'yo, Haru.
Inalis ko ang daliring nakalagay sa labi at ipinatong ang kamay sa dibdib.
Bakit wala akong naramdaman na kiliti sa ginawang paghalik ni Haru. Nasaan ang mga paro-parong naglilipadan sa loob ko? Bakit wala akong maramdaman maski isa sa inyo.
Hinayaan kong tumulo ang mga luha, wala na rin akong magawa. Kanina ko pa pinipigilan ang umiyak kaso walang silbi. Kumikibot na rin ang aking labi at pinipilit kong walang lumabas na ingay galing dito. Natatakot akong may makarinig ng pag-iyak ko.
"Good job, Haru."
Napahawak na ako sa mismong bibig dahil hindi ko na kaya. Sinasabi ng utak ko na plinano nila iyun ni Gidget. Na plano lang ang paghalik sa'kin ni Haru. Kaya wala ba akong naramdaman sa ginawa mo Haru dahil hindi ka sincere? Kaso iba ang sinasabi ng puso ko, walang kasalanan si Haru.
Nagpaliwang na sa'kin si Haru at sinabing wala siyang alam sa ginagawa ni Gidget. Basag pa ang kanyang tinig habang sinasabi ang lahat sa'kin. Pero hindi pa rin mawala sa akin ang takot.
"H-Haru, sorry. Hindi ko sinasadya ang lahat ng nagawa ko sa'yo. I'm sorry, Haru..."
Hindi ko na natuloy dahil tuluyan na akong napahagulgol. Bakit ba masyadong mahina ako pagdating saiyo, Haru? Hindi ko kayang ganito. Hindi ko kaya! Lalo na at makita kang umiiyak din, Haru. Mas lalong hindi ko kakayanin iyun.
"I love you, Luna!"
"Mahal na mahal din kita, umaga."
Napahawak ako sa ulo ng maramdaman ang sakit nito. I leaned my back on the headboard while massaging my both temples. Dinig ko ang ingay ng nila mama sa labas ng kwarto ko, halatang nag-aaway.
Hindi ko na lang pinansin dahil mas sumasakit ang ulo ko. Siguro dahil sa juice na ininom ko rin. Kahit kailan talaga panira ang langaw.
"I'll break your neck, fly."
Hindi ko pinansin ang katok sa kwarto ko. Alam kong sila mama iyun, tumayo ako at pumasok sa cr. Hindi pa pala ako nakapalit. Suot ko pa rin ang uniform ko.BLumabas ako ng cr at hindi pa rin natigil ang pagkatok. Mas lumakas ito at dinig ko ang galit na sigaw ni mama sa labas.
"Sandali!!" Inis na sigaw ko. Lumapit ako para buksan ang pinto. "Stop shoutin---"
Napahawak ako sa kaliwang pisngi ng sampalin ako ni mama pagkabukas ko ng pinto. Kinagat ko ang ibabang labi at tumingin na lamang sa baba. Hindi ko kayang salubingin ang mga mata nila ng umiiyak.
"Honey,"
"Stop, Lucas! Kakausapin ko lang itong magaling mong anak!"
"Pero hindi naman--"
BINABASA MO ANG
The Guy Who Stole My First Kiss | ✓
Teen Fiction"Hinalikan kita para hanap-hanapin mo ang labi ko." In just one kiss, everything has changed. All the sweet memories became bitter and painful for her. Will it last? Especially when she finally saw once again a guy who stole her first kiss? |unedite...