CHAPTER 32

179 18 6
                                    

CHAPTER 32


Ibinababa ko ang tingin ng maramdaman kong may nakatingin sa'kin. Nakakunot-noong iginala ko ang paningin para hanapin kung sino man 'yun. Tumayo ako ng may makitang tao. Hindi ko alam kung sa'kin siya nakatingin pero tingin ko, Oo.


Dahan-dahan kong ini-atras ang sarili ng hindi inaalis ang atensyon sa harapan. Ang malamig na simoy ng hangin ay dumadagdag sa kabang nararamdaman ko. Isinara ko ang parehong kamay, sobrang lamig nito. Kinagat-kagat ko pa ang labi maibsan lang ang pagkibot nito ng paulit-ulit.


Kung sisigaw ako dito, baka sugudin niya ako. Masyadong malawak itong parking lot at sa tingin ko ay walang taong makakarinig sa'kin. Sayang din ang boses ko kung sisigaw pa ako. Hindi ko naman na kayang tumakbo ngayon dahil nanghihina na ang parehong tuhod ko.


Dahil madilim ay hindi ko maaninag mas'yado. Bulto ito ng isang lalaki, halata sa katawan. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa direksyon ko. Kinakabahan ako dahil papunta siya sa'kin. Napako ako sa kinatatayuan ng makita ko ang mukha ng lalaking kanina pa akong pinagmamasdan.


Haru


"H-haru." I covered my mouth with my cold and shaky hands. My vision started to blur when I see his face. "H-Haru,"


I shooked my head and wiped my tears.


Nang tumama ang sinag ng buwan sa kan'ya, mas nakita ko ang kabuuan niya. Pinanood ko siyang dahan-dahan na lapitan ako. Sa bawat lakad niya ay pinagmamasdan ko siya. Malaki ang ipinagbago niya ngayon, mismo ang paglalakad niya at galaw.


Mas na depina ang kan'yang katawan, tama lang ang laki ng kan'yang mga braso pati dibdib. Matangkad na siya noon pero ngayon mas nadagdagan ang taas niya. Umangat ang tingin ko sa mukha niya. Hindi ko makita ang Haru noon, 'yun bang maamo ang mukha.


Seryoso, seryoso ang makikita sa mukha niya. Ang kilay na pantay na pantay at labi na hindi makita ang ngiti dahil nakalapat lamang ito. Napakaseryoso na niya, parang naghahamon ng away at sasalubong kaagad sa'yo ang kan'yang kamao.


"Luna." Aniya ng makalapit.


Halos ginawin ako matapos marinig ang tinig niya. Ibang-iba na kung paano niya bigkasin ang pangalan ko noon. Sobrang lalim na nito at sa sobrang lalim sa tingin ko ay malulunod ako. Alam kong matangkad ako kaso kulang ang tangkad ko para magpantay ang paningin namin. Kinailangan  ko pang tumingala para magpantay lang kami. Hanggang balikat niya lang ako.


Wala na talaga ang Haru noon.


"Luna."


Ibinababa ko ang tingin dahil hindi ko na kayang tumingala pa. Kinagat ko ang labi ng hawakan niya ang aking baba at dahan-dahang inangat para magtama ang paningin naming dalawa. Nakangiti niyang nilagay ang dalawang palad sa pisngi ko at mahinhin na hinaplos-haplos gamit ang kan'yang thumb.


Ipinikit ko ang mata matapos makita ang maganda niyang ngiti. Hinayaan ko lang siyang haplusin ang aking pisngi. Sa bawat haplos niya ay tumataas ang balahibo ko at nababawasan ang lamig na nadadama ngayon.


"Open your eyes for me." My eyes automatically opened when I heard
him. He looked straight to me so I saw his eyes. "I missed you."


Those hazel orbs.


Mga kastanyong mata na nakakuha ng atensyon ko noon. Ang mga matang luminlang sa'kin noon. Ang mga matang kinaaadikan ko. Ang mga matang gustong-gusto kong panoorin. Ang mga matang kulay kastanyo na kapag tumitig ng matagal ay parang nanghihipnotismo at nanghihigop. Mga matang kastanyo na kapag nakita mo ay hindi na maalis sa isipan mo, wala ng kawala sa'yo kumbaga dahil lunod na lunod ka na.


The Guy Who Stole My First Kiss | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon