CHAPTER 11
"Anong itatanong mo sa'kin?"
Nilingon ko si Syl ng magsalita ito. Tinignan ko siya ng may pagtataka at tinuloy ko na lang ang pag-aayos ng mga gamit na nilabas ko kanina. Natigil ako sa paglagay ng yellow pad sa bag ng magsalita muli ito.
"Kanina, sabi mo may itatanong ka about kay Haru diba." Aniya.
Rumehistro sa utak ko ang sinabi niya. I zipped my bag and immediately look at her. She rolled her eyes at me ng hindi ako magsalita.
"Right!"
"Ano na nga? Ano bang meron? Hindi ako updated, Ah!" She place her left hand on her armdesk and she lean her left cheek on it. "Chika mo na kasi." Bagot na bagot niyang sabi.
Umayos ako ng upo at pinanonood ko lang siyang paglaruan ang dulo ng kanyang buhok.
"Nakakausap mo ba si Harvey?"
"Anong kinalaman niyan kay Haru?" Taka nitong tanong. "May relasyon ba sila?" Tatawa-tawa siya ng inirapan ko siya.
Lahat na lang sa kanya biro.
"Kwento na kasi, Luna. Punyeta naman kasi pa-intense pa." Umalis siya sa pangangalumbaba at sinamaan ako ng tingin. "Go!"
"Nangunguna ka kasi. Punyeta ka rin, Eh!" Inis kong saad at natawa ito.
Umakto itong sumusuko.
"Chill." Tinarayan ko siya. "I shut up na." She zipped her mouth.
"Okay." Tumikhim ako bago magsimula. "Si Haru and Harvey, bakit hindi ko na sila nakikitang magkasama? Kasi diba dati they're always magkasama." Natawa ako dahil sa ka-conyohan. "I mean, hindi naman lagi pero nasanay akong tuwing makikita ko sila ay magkasama sila. Tapos ngayon naman ay hindi ko na sila nakikitang magkasama." Tinignan ko siya ng may lungkot sa mukha. Bumuntong hininga ako ng sobrang lalim. "Nakita ko kasi kanina si Haru'ng may bitbit na mga libro. Wala man lang tumulong sa kanya na kahit sino. Nagtaka lang ako kung bakit hindi siya tinulungan ni Harvey, magkaibigan naman sila kaya...you know dapat tulungan niya." Tinaas ko ang kanang kamay at pinagmasdan ang mga kukong mahaba. Kinutkot ko ang mga ito.
Nasasaktan lang naman kasi ako na makita siyang ganun. Like nahihirapan, alam kong kaya niya naman kasi lalaki siya pero hindi rin biro 'yung mga libro kanina, science book iyun kaya makakapal. Tapos sa 4th floor pa kukunin, second floor kami kaya mahihirapan talaga ito.
Rinig ko ang malalim na buntong hininga ni Syl kaya tinignan ko siya. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata nito kaya nagulat ako.
"Umalis na si Harvey." Aniya.
Tila'y may sumabog sa loob ng tenga ko matapos marinig ang sinabi ni Syl.
"Umalis na siya, nitong linggo lang." Malungkot ang tono ni Syl at bahagya pa itong yumuko.
"Bakit daw? Sylvian, bakit umalis si Harvey? Paano kayo?" Inangat niya ang ulo niya at nagulat ako ng makitang sunod-sunod na tumulo ang kanyang mga luha. Parang sumikip ang dibdib ko matapos makitang umiiyak si Syl.
Hindi ako sanay na makitang umiiyak siya. Hindi ko kaya.
Agad ko siyang niyakap at hinagod ang kanyang likod. Mas hinigpitan ko ang yakap nang gumalaw ang mga balikat nito at mahinang humagulgol.
"Shhhh!" Sinubukan ko siyang patahanin. "Babalik naman siya, kasi paano ka diba." Pangungumbinsi ko sa kanya.
Bumitaw siya sa pagkayakap at pinunasan ang kanyang mga luha sabay ngumiti.
BINABASA MO ANG
The Guy Who Stole My First Kiss | ✓
Novela Juvenil"Hinalikan kita para hanap-hanapin mo ang labi ko." In just one kiss, everything has changed. All the sweet memories became bitter and painful for her. Will it last? Especially when she finally saw once again a guy who stole her first kiss? |unedite...