CHAPTER 21
"Saan ka ba galing?"
Natigil ako sa paglalakad ng madinig ang boses ni Syl sa likuran. Agad ko itong nilingon at bakas ang inis sa kanyang mukha. Lumapit siya sa'kin at nakakunot-noong pinasadahan ako ng tingin.
"Saan ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap at kanino 'yang suot mong napakahabang coat?"
"May pinuntahan lang ako."
"'Yang coat kanino 'yan?"
"Ito?" Tinuro ko pa ang suot kong coat.
"Ayun, Luna." Nanggagalaiti niyang sabi habang nakaturo sa kawalan. "Syempre! Ayan! Kanina lamang ay wala kang ganyan. Hindi naman nakasuot ng ganyan si Aiden at hindi ka rin basta-basta nanghihiram lalo na kung panlalaki."
Lumunok ako ng ilang beses. Alam na alam na talaga ako ni Syl. Maski maliit na bagay ay alam niya sa'kin. Hindi ko alam kung sasabihin ko bang galing ito kay Haru, ang pagkakaalam niya naman ay hindi pumunta si Haru.
"Sa locker ko,"
"Locker? Kailan pa nagkaroon ng ganyan ang locker mo, Luna." Nakangisi nitong sabi. She crossed her arms while glaring at me. "Ikaw nga ay magsabi sa'kin. H'wag kang liar."
Nasapo ko ang noo at napabuntong-hininga. Wala na talaga, kailangan ko nang sabihin sa kanya. Suminghap muna ako ng isang beses at nakangiting tumingin sa kanya. Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin dahil sa pagkakangiti ko.
"Galing kay Haru i--"
"H-Haru? Nasaan si Haru?" Lumingon-lingon pa ito.
"Listen to me first, Sylvian."
Natigil siya sa paglingon-lingon at nakangiti akong hinarap. Parang tanga naman kasi siya.
"Umalis na si Haru, okay."
"Why? 'Di pa tapos ang prom."
"Hindi naman kasi siya sumali dito. Pumunta lamang siya para makita ako." Napangiti ako dahil sa huling sinabi.
Pumunta pa si Haru para masulyapan ang ganda ko. Kahit matutulog na si Haru ay mas pinili niya pa rin akong puntahan. Puso ko Haru todo ang pag-ngiti dahil sa ginawa mo.
"Hala siya! Nabaliw na."
"No!"
"Pinuntahan ka dito ni Haru para makita ka lamang? Ang sweet, gaga!" Aniyang kinikilig, sinamahan pa ng paghampas sa'kin. "Haru bakit ka ganyan huhuhu!"
"Aray! Stop!"
Tumigil naman siya sa paghampas. Napahawak na lamang siya sa mismong dibdib at todo ang pagkakangiti. Imbes ako ang umakting ng ganyan ay bakit siya pa?
"Galing ito kay Haru, itong suot kong trench coat ay sa kanya. Nung hinila mo ako kanina ay nakita ko na si Haru, nakatayo siya doon." Tinuro ko ang kaninang pwesto ni Haru sa 2nd Floor. Napalingon naman siya doon. "Tapos nung paalis ako sa stage dahil tapos na akong magbigay ng pasabog na speech ay nakita ko na naman siya. Kaya ang ginawa ko ay... hinabol ko na. Hirap na hirap pa ako sa pag-akyat. At nakita ko siyang nasa rooftop."
"Rooftop? Saan iyun?"
Hindi niya pala ito alam. Hindi ko kasi nasasabi sa kanya o kila Snow man lang. Baka kasi ay magalit si Haru at baka dagsain ito ng nakararami kung magkataon na malaman ito. Lalo na kapag si Snow ang nakakita, kalat na ito sampung segundo pa lamang dahil sa kadaldalan.
BINABASA MO ANG
The Guy Who Stole My First Kiss | ✓
Teen Fiction"Hinalikan kita para hanap-hanapin mo ang labi ko." In just one kiss, everything has changed. All the sweet memories became bitter and painful for her. Will it last? Especially when she finally saw once again a guy who stole her first kiss? |unedite...