CHAPTER 19
It's friday, tinignan ko ang kabuuan sa harap ng malaking salamin sa kwarto ko. Kanina pa ako naka-ayos, handing-handa na sa gaganapin mamaya. Inaantay ko na lang ang message ng girls sa'kin. Napangisi ako matapos makita ang sariling suot sa harap ng full length mirror.
I'm wearing a black sequins sparkly off shoulder gown. V-cutted ang itaas kaya kita ang collarbone at hubog ng dibdib ko. Hapit na hapit naman ang suot sa bewang ko, ang ibaba ay lobong-lobo kaya kitang-kita ang mga linya paikot sa'kin. It's just a plain black so pinalagyan ko ito ng mga sequins para kahit papaano ay kuminang, magsisilbi itong mga bituin sa madilim kong suot. Hindi naman kita ang paanan ko kaya itim na heels ang naisipan kong isuot.
I tried the ethereal updo hairstyle and putted some moon accessories on it so my hair will match in my gown. I also putted a light make-up's, I wore a necklace with crescent design and it also the same with my earrings. My look was inspired with night sky.
I'm satisfied with my looks, I check my phone again, nag-message na sila Syl sa'kin. Ano kayang suot nila? Nung linggo kasi ay wala kaming nahanap na susuotin kaya naisipan na lang namin na magpagawa dahil mauubusan kami ng oras sa paghahanap.
Lumabas ako ng kwarto habang hawak ang gilid ng suot dahil nahihirapan ako sa paglalakad lalo na sa pagbaba ng hagdan. Nakita ako ni Manang na pababa ng hagdan kaya dali-dali niya akong nilapitan at inalalayan.
Pati sa pagsakay ng kotse ay tumulong siya, si Manong ang maghahatid sa'kin dahil wala nga sila papa at hindi naman ako pwede magmaneho ng ganito ang suot. Delikado. Umalis lang kami ng matapos si Manang sa pagpayo at pagpuri sa'kin.
Malayo pa lamang ay tanaw na tanaw ko na ang mga nagsasayaw na ilaw, hanggang sa palapit ng palapit kami ay mas lumakas ang tunog ng music. Umalalay si Manong sa'kin sa pagbaba ng kotse bago umalis.
I blow a big air, I ready myself. I get my phone on my pocket, it was a hidden pocket in my gown. I received some missed calls and text from girls. I put my phone back when I see the girls walking towards on me.
Humalik sila sa pisngi ko ng makadating sa'kin. Nagpurian muna kaming apat sa suot namin.
"Tayo lang nag-pupurian." Syl said.
"Syempre tayo-tayo lang ang nakakakita ng tunay na ganda." Then Snow laughed.
Syl is wearing a off shoulder red gown, may mga flower design ang gown niya gawa ito sa black sequins. Habang ang itaas ay may mga black and red na kumikinang. Naglalaro lang sa black and red ang suot niya. Ang buhok ay kagaya sa'kin, wala lang accessories, she have a piercing on her left ear. Bagay na bagay sa kanya, halatang matapang.
Babaeng-babae si Autumn kumpara saming tatlo, siya ang pinakamahinhin at hindi ganun kataray. She's wearing a off shoulder orange gown, paikot sa itaas ng kanyang dibdib hanggang likod ay mayroong mga dahon na kulay ginto, ibang-iba sa'min dahil may sleeves siya, manipis ang tela ng sleeves niya kaya kita pa rin ang kanyang balat. May bulaklak na kulay ginto at kahel na nakapalibot sa kanyang bewang. Walang ibang design ang kanyang ibaba, it's just plain orange. Nakalugay ang kanyang buhok at may koronang kulay ginto at kahel na mga bulaklak. I think she based her looks on Autumn Season.
At pinanindigan nga naman ni Snow ang sinabi niya noon na ibabase niya ang kanyang susuotin sa pangalan niya. She's wearing a off shoulder backless light blue gown. May mga fur paikot ang itaas ng dibdib niya. Ang dulo ng gown niya ay may mga disenyong snowflakes, pataas sa kanyang bewang. Pinakita niya pa ang kaliwang legs dahil may hiwa ang kanyang suot. Elsa inspired siya!
BINABASA MO ANG
The Guy Who Stole My First Kiss | ✓
Ficção Adolescente"Hinalikan kita para hanap-hanapin mo ang labi ko." In just one kiss, everything has changed. All the sweet memories became bitter and painful for her. Will it last? Especially when she finally saw once again a guy who stole her first kiss? |unedite...