play the music-->
CHAPTER 20
"Luna, saan ka ba galing?"
Nilingon ko si Syl ng marinig ang boses niya. Lumapit siya sa'kin ng may inis ang mukha. Tumingin ako sa baba kung saan nandoon ang nabasag na wine glass. Dumulas ang wine glass sa kamay ko matapos makita ang lalaking nasa 2nd floor.
"Kanina pa kita hinahanap!"
"Pumunta lang ako sa wine section."
"Oh nasaan ang wine mo?"
Tinuro ko ang sahigan.
"Gaga! Lumayo ka dyan baka mabubog ka." Singhal niya at hinila ako papalayo. "Waiter!"
Lumapit ang isang waiter na may bitbit na tray.
"Yes, Ma'am?"
"Palinis naman po." Tinuro niya ang sahig. "Thanks."
Hinila niya ako papalayo doon. Habang hila ako ni Syl ay tumingin muli ako sa 2nd floor. Wala na akong makitang nakatayo, wala na ang lalaking nakatayo na sa tingin ko ay si Haru.
Bumalik kami sa mesa namin at nakita ko ang mga nag-aalalang mukha nila kaya nginitian ko sila. Umupo ako sa isang bakanteng upuan at hindi pinansin ang mga titig ni Aiden sa'kin.
Napasulyap muli ako sa 2nd floor pero wala na talaga akong nakita, hindi malabo ang mata ko at hindi ako pwedeng magkamali. Si haru ang nakita ko. Siguradong-sigurado akong si Haru iyung nakatayo habang nakatingin sa'kin ng diretso.
Nawala ang atensyon ko sa 2nd floor Ng marinig ang MC na magsalita.
"Bring your partner!!! on the dance floor!!"
Naghiyaan ang lahat at kanya-kanyang hila sa mga partner nila. Ang tatlo ay nakisali habang naiwan kaming dalawa ni Aiden na nagpapakiramdaman. Tinignan ko siya ng inilahad niya ang kanyang kamay habang nakatayo sa aking harapan.
"Shall we?" Nakangiti niyang sabi.
Matagal ko pang tinignan ang kamay niyang nakalahad. Hindi ko alam kung papayag ba ako pero pumayag akong siya ang partner ko. Nasa amin tutok ang mga mata dahil napokus sa'min ang camera at kitang-kita kami sa malaking screen.
Kinuha ko ito upang hindi siya mapahiya. Dinala niya ako sa gitna at isinayaw. Nakahawak ang kanyang kamay sa magkabila kong bewang, niyayakap ang posisyon. Hindi ko alam kung saan ako hahawak kaya sa batok niya na lamang ko inilagay ang parehong mga kamay.
Rinig ko ang tilian at hiyawan ng iba. Pero hindi ko ito pinagtuunan ng pansin, na kay Aiden lamang ang paningin ko. Napakagwapo niya ngayon, lalo na tuwing ngumingiti.
Nakikita ko sa gabing ito ang Aiden ko noon. Kung paano siya ngumiti, kung paano siya tumitig sakin. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi kaya naibaba ko ang paningin.
"Luna," malambing ang pagkakasabi niya sa pangalan ko.
Sinalubong ko siya ng tingin dahil doon. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko, may kung anong kumiliti sa puso ko matapos marinig ang malambing niyang boses.
Sumayaw kami at hindi pinansin ang mga matang nakatutok. Nakatingin lamang kami ni Aiden sa mga mata. Hindi inaalis kahit kumurap man. Nakikita ko na nga ang repleksyon ko sa kanyang mga mata.
Umiikot na ang malaking ilaw upang maghanap ng best in gown at tuxedo ngayong gabi. Bumitaw ako sa pagkakatitig niya at tumingin sa malaking screen. Kitang-kita ko ang reaksyon ni Snow ng siya ang matapatan nito.
BINABASA MO ANG
The Guy Who Stole My First Kiss | ✓
Jugendliteratur"Hinalikan kita para hanap-hanapin mo ang labi ko." In just one kiss, everything has changed. All the sweet memories became bitter and painful for her. Will it last? Especially when she finally saw once again a guy who stole her first kiss? |unedite...