CHAPTER 33
Bakit ganu'n na lang sabihin ni Haru ang mga katagang iyun na mahal na mahal niya ako kung may karelasyon na siya. Naguguluhan lang ako dahil alam kong sinseridad ang namutawi ng sabihin niya ang mga iyun, kaso lang alam niya namang may girlfriend siya pero bakit nakuha niya pa rin itong ipagsigawan na ako, ako ang mahal niya.
Anong mararamdaman na lang ni Linzy kung malaman niya na ang boyfriend niya ay may mahal na iba. Anong mangyayari kapag nagkataon na naabutan niya kaming magkayakap na dalawa ni Haru. May girlfriend na si Haru kaya wala na akong balak na guluhin sila. Wala na akong balak na manghimasok pa sa buhay niya.
Pero ang sakit!
Sa huling pagkakataon na naman ay hindi ko man lang nasabi ang tunay kong nararamdaman sa'yo, Haru. Hindi ko man lang nasabi kung gaano kita kagusto, kung gaano kita kamahal. Sa huling pagkakataon ay nahuli na naman ako.
Bakit gan'to ako? Mas umapaw ang pagkagusto ko sa'yo, Haru, matapos ang mga sinabi at ginawa mo sa'kin. Nalilito na ako kung bakit pilit na umaapaw itong punyetang nararamdaman ko. Nalilito ako dahil sa kabila ng pagkamuhi ko sa'yo ay lamang pa rin ang pagmamahal ko.
Wala na talaga akong magagawa kung gan'to lang din. Hahayaan ko na lamang na mawala itong nararamdaman ko, hindi ko ipipilit na maalis ito gusto ko na kusa itong maalis dahil alam kong wala na talaga akong gusto sa'yo.
"Luna, are you okay?"
Nabalik ako sarili ng maramdaman ang mahinang pagtapik sakin ni Six. Dali-dali kong pinunasan ang mga luhang hindi ko namalayan na lumabas. Hindi sapat ang parehong kamay ko dahil walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Kinagat ko ang ibabang labi upang kaunti lamang ang lumabas na ingay dahil tuluyan na akong napahagulgol.
Itinakip ko ang parehong kamay sa buong mukha at doon mas nilabas ang nararamdaman. Wala na akong pake kung makita ni Six na umiiyak ako. Wala na akong pake dahil hindi ko na kayang kimkimin ng tuluyan.
Napakadaya talaga.
Bakit nagagawa ni Haru na maging masaya at nakahanap siya ng iba. Bakit kaya niyang gawin ang lahat ng walang pinoproblema. Bakit ako hindi ko magawang makahanap ng iba dahil siya lang ang gusto ko. Siya lang ang taong gusto-gusto ko.
Naramdaman ko ang mga bisig na pumulupot sa'kin.
"Shhhh!" Malumanay ang boses ni Six. "Just cry, Luna, I'm here. Everything's gonna be alright if you let go all your painful feelings."
"A-Ang d-daya niya."
"Life is unfair, Luna. Nothing's fair." Bulong nito. "Don't keep it to yourself, I'm here. I'll be your shoulder you can lean on. Shhh!"
"A-Ayoko na u-umiyak, p-pagod na ako."
"Shhh! Luna, h'wag mong pigilan na hindi umiyak kung hindi mo na kaya. Masasaktan ka talaga dahil patuloy mong kinikimkim para magmukha kang malakas. Patuloy mong pinapakita na malakas ka pero ang totoo ay hindi. Umiyak ka lang dahil alam kong punong-puno ka na. Alam kong hindi mo na kayang itago pa iyan kaya ilabas mo na lahat." Malumanay pa rin ang boses ni Six habang sinasabi ang mga iyun.
Tama siya hindi ko na kayang ipakita na malakas ako, masyado na akong nagiging trying hard. Alam nilang malakas ako kaya patuloy akong nasasaktan. Ganu'n ba talaga 'yun?
"You're like a cloud, pure white but everything's change when the dark already covered you. Luna, you'll be a pure white cloud again when you let go all the dark days in your life."
BINABASA MO ANG
The Guy Who Stole My First Kiss | ✓
Teen Fiction"Hinalikan kita para hanap-hanapin mo ang labi ko." In just one kiss, everything has changed. All the sweet memories became bitter and painful for her. Will it last? Especially when she finally saw once again a guy who stole her first kiss? |unedite...