CHAPTER 23
Naisipan ko nang lumabas dahil wala na atang balak bumalik si Haru at dinig ko na ang bell, hudyat na magsisimula ang sunod na klase. Bumuntong-hininga muna ako bago sinara ang pintuan at iwan ang rooftop.
Kinain ako ng emosyon ko ngayon. Naghalo-halo ang kaba, lungkot at sakit. Lamang nga lang ang lungkot. Nakakalungkot lang dahil inantay ko si Haru pero hindi niya ako binalikan. Nakaka-gago lang.
Ang daming tanong sa isipan ko na nabuo. Hindi ko alam kung kaya ko pa itong pagsama-samahin, sumasakit lang ang ulo ko. Akala ko ay mabilis lang siya sa pupuntahan niya. Pero anong nangyari? Umabot nang oras wala pa rin siya. Bakit hindi na siya bumalik? Bakit hindi niya na ako binalikan?
Kung emergency naman pwede naman siyang magsabi kaso nga lang ay wala pala kaming contact sa isa't-isa. Kung may pupuntahana naman siya ay pwede niya akong daanan saglit para hindi naman ako nagmukhang-tanga sa kakahintay doon. Nag-antay lang pala ako sa kawalan.
Masakit na ang nararamdaman ko dahil sa mga sinabi ni Snow. Bakit ganun siya? Sinabi ko iyun pero dati pa! Namali niya pa ang action ko. Punyeta! Gusto kong sabihin sa kanila na gusto ko si Haru pero naunahan na naman ako nang takot.
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako gan'to. Sinabi ko na nga ay magiging handa ako sakaling magtanong sila nang mga ganun pero ano? Nabobo ako. Gusto ko na ngang hanapin si Haru nun para hindi ko na mapakinggan si Snow kaso lang ay baka magkasalisihan kaming dalawa.
Kaya hindi ko na tinuloy ang pagbaba para hanapin si Haru. Inantay ko na lamang siya at pinakinggan ang mga sinasabi nila Snow dahil 'yun lang naman ang magagawa ko.
Kakaunti na lamang ang students sa hallway, 'yung iba ay papasok na rin. Hindi na ako nagmadali dahil late na rin naman ako, ilang minuto na akong late dahil sa napakabagal kong lakad. Para akong lantang gulay ngayon.
Kailangan ko pang humawak sa gilid ng hagdan para hindi mahulog. Nang makababa ay suminghap ako ng hangin at napapikit. Sa pagdilat ng mata ko ay ang pamamasa na rin nito matapos makita si Haru.
Tama ba ang nakikita ko? Si Haru at Gidget ay magkasama? How? And why?"
Hindi ko alam kung bakit kumirot ang puso ko kaya napahawak ako sa dibdib at pinukpok-pukpok, maibsan lamang ang nararamdaman. Bakit ang sakit? Bakit ang sakit na makitang may kasamang iba ang taong mahal ko? lalo na at kaaway ko pa ang kasama niya.
Pinunasan ko ang luha gamit ang likod ng palad. Sinikap kong hindi na muli lumabas ang luha kaya tumingala ako at pinapayan ang mga mata. Ilang beses din akong lumanghap ng hangin.
Pinagmasdan ko silang dalawa habang mabagal na naglalakad. Hindi mawala sa mukha ni Gidget ang tuwa nang tumingin ito kay Haru dahilan para makita ko ang mukha niya. Nag-init ang dugo ko. I clenched my fist tightly, not minding my long nails in my palms.
Bakit ang sakit? !
Bakit feeling ko ay mawawala si Haru sa'kin? O mali ang nararamdaman ko? sa tingin ko ay mawawala na talaga siya sa'kin. Iniisip ko pa lang na mawawala siya ay hindi ko kakayanin.
"H-Haru!"
Tumigil sila sa paglalakad at dahan-dahang lumingon. Sabay pa silang tumingin sa'kin nang nakakunot ang noo. Nawala ang pagkakakunot-noo ni Gidget nang makita ako. Napalitan nang ngisi at pagyayabang ang mukha. Humanda ka! Nawalan naman ng emosyon ang mukha ni Haru.
Dali-dali akong lumapit sa kanila, kailangan ko pang-humawak sa railings para hindi tumumba. Tumigil ako ng hindi kalayuan sa kanila at tama lang para madinig ang isa't-isa.
BINABASA MO ANG
The Guy Who Stole My First Kiss | ✓
Teenfikce"Hinalikan kita para hanap-hanapin mo ang labi ko." In just one kiss, everything has changed. All the sweet memories became bitter and painful for her. Will it last? Especially when she finally saw once again a guy who stole her first kiss? |unedite...