CHAPTER 10
"I'm done." Saad ko ng matapos ang sinasagutang math problems. I slid the paper to him. Kinuha niya ito at tinignan ang mga sagot ko. "May mali ba?" Pagtatanong ko ng makita ang lungkot sa mga mata niya. Kanina ko pa napansin ang mga lungkot na 'yun simula nung makita ko siya nung umaga. Tanghali na ngayon, hindi pa din ba naalis. "Hey! Haru." Sinusubukan kong kunin ang atensyon niya. Tulala kasi ito sa paper na binigay ko. "Haru!" Mahina kong sigaw na nagpabalik sa kanyang sarili. Inis ko siyang tinignan habang may lito naman sa mukha niya.
"W-What are you saying?" Napahawak siya sa batok niya.
"Tinatanong kita kung may mali ba?"
Pinasadahan niya muli ang papel bago sumagot. "Wala naman. So far gumagaling kana." Nagbigay siya ng pilit na ngiti. I just tsked. "W-What? Hindi ka ba natutuwa? What's with that long face, Luna?" He asked. He putted his elbows on the table and place his chin in his open hand, like a sunflower. He blinked repeatedly, pigil ko ang matawa dahil halatang nagpapa-cute ito. Umalis siya sa pangangalumbaba. "Don't hold back your smile, lady." He smirked so I rolled my eyes at him.
"Sa tingin mo cute ka na nun?" I jokingly asked.
"Ano sa tingin mo?"
"Sa tingin ko?" He nod. "Hindi."
He tsked. "Hindi daw, baka nga nahuhulog ka na sa'kin." Mahina niyang saad pero dahil nasa library kami at tahimik ay dinig ko. Dahil sa sinabi niya ay nag-init ang pisngi ko. Nasapo ko ang mukha at iniwas ang paningin sa kanya. Punyeta ka Gidget...tama kaya ito nag-init dahil sa sampal mong langaw ka.
"Hey!" Nabitawan ko ang dalawang pisngi dahil hinawakan ako ni Haru sa balikat. Inusog ko ng kaunti ang inuupuan ko dahil natetense ako. Puta! "Do you have butterflies on your stomach?" Lito ko siyang tinignan dahil sa tanong into. "Butterflies? You don't know that? Butterflies on stomach thingy." He said.
"Pinagsasabi mo dyan. Butterfly, butterfly. Fyi, bee ako hindi butterfly, Haru." I raised my left brow. "Tsaka anong nahuhulog? Kung mahuhulog man ako, syempre hindi sayo." Saad ko. Tinignan ko siya ng may pagyayabang. Ang kaninang pagbibiro niya ay nawala. Wala na akong mabasang emosyon sa mga mata niya. Bakit ganun?
Tumikhim ako at ngumiti sa kanya dahil awkward na ang paligid. Ang galing ko talaga manira ng moment. Punyeta! Lalo ka na Gidget!"
"We try to hide our feelings, but we forget that our eyes speak." Seryoso niyang saad. Napatakip naman ako sa mga mata ko at inilayo sa kanya ang tingin. Rinig ko ang malalim na buntong hininga niya. "Literal."
Ano bang pinagsasabi nitong lalaking ito?
"Luna." Tawag sa'kin ni Aiden ng makaalis si Haru. Nilingon ko siya at naroon na naman sa labi ang mga ngiti. "Hi." Nahihiya niyang sabi at tinaas niya pa ang kanang kamay na nakabukas. "Can we talk? May..." tumingin siya sa wrist watch niya. "May 20 minutes pa bago ang klase." Baling niya sa'kin.
Maaga kaming natapos ni Haru kanina dahil isang book lang ang pinasagutan niya sa'kin at puro problems lang. Magaling naman ako sa problems dahil puro problema ako. Chos!
"About?" I asked. Tumingin ako sa loob ng room ng makita ang mga tingin ng mga kaklase ko sa'min. Nasa hallway kasi kami ng room kaya kitang-kita talaga. Bukas pa ang mga bintana. Nakita ko din si Syl na todo ang ngiti habang nakataas ang dalawang kamay na nakasarado. Bumubuka ang bibig niya at nababasa ko ang sinasabi niya "comeback" umiling-iling ako dahil doon.
BINABASA MO ANG
The Guy Who Stole My First Kiss | ✓
Fiksi Remaja"Hinalikan kita para hanap-hanapin mo ang labi ko." In just one kiss, everything has changed. All the sweet memories became bitter and painful for her. Will it last? Especially when she finally saw once again a guy who stole her first kiss? |unedite...