HWB 05

1.2K 45 2
                                    

Vanden Forest - 11:30

Napataas ang kilay ni Dyx dahil sa sinabi ko at natawa na para bang hindi makapaniwala. "Ikaw din, matago tapos ang dami mong sinasabi." Umiiling niyang sabi.

"Sabi mo kanina ay ginising ng kampana ang mga natutulog, paano mo nalaman ang mga 'to?" Pagbubukas panibagong usapan ni Jobo.

Hindi ako nakasagot agad sa tanong. Hindi ko pwede sabihin ang librong hawak ko. Alam ng lahat na ipinagbabawal ang pagkakaroon kaalam sa labas ng mga pader. Kung sasabihin ko ay baka magtaka sila sa akin at magtanong kung kanino ito galing.

"May dugong maharlika ka ba?" Pagtatanong ni Sweet at pinasadahan ako ng tingin. "I doubt that, sabog ang tuyot mong buhok, madungis ang bestida mo, at wala kang suot na sapin sa paa." Sagot niya sa sariling tanong.

Inangat ko ang tingin na ikinasalubong niya. Dumaan ang taka at takot sa mga mata bago iniwas ang mga mata. "Bakit patay ang mga mata mo?" Ramdam ko ang titig ni Dyx sa akin.

"Bakit ang dami n'yong tanong?" Balik ko.

"Bakit ba iniiwasan mo ang mga importanteng tanong?" Giit ni Jobo.

Gusto ko sila irapan. Gusto ko sila patahimikin dahil masyado ng personal ang mga tanong nila. Wala na talagang ibang ginawa ang mga mayayaman kundi mang himasok sa buhay na may buhay. Bubuka na sana ulit ang bibig ni Dyx ng makaramdam kami ng yanig ng lupa. Gumalaw ang sinasakyang karitela at humiyaw ang mga kabayo. Napatingin ang lahat sa labas ng may marinig na mga nagtutumbahang puno.

Napasinghap ang mga kasama ko habang nakatingala sa malaking kalahating toro at kalahating tao. Minotaur. Huminto ito at iniangat ang hawak na malaking palakol habang ang mga mata ay na sa aming mga nakasakay ng karitela.

"A-ano naman y-yan?" Natatakot na bulalas ni Dyx.

Napansin kong hindi nag-iingay ang mga kabayo nang tumigil ito at hindi ko inaasahang matatahimik ang iba pang kasamahan namin. Nakatingala lang ako sa malaking minotaur. Sobrang laki ng sungay nito at kulay pula ang mga mata. Suminghal ito at ibinaba ang hawak bago itaas ang kaliwang paa. Akala ko ay aapakan kami pero lumaki ang pagkakaluwag ng binti kasunod ang pagbagsak at papalayong hakbang.

Napatingin ako sa mga kasamahan ko. Natiklop ang kanilang mga bibig. Gulat sa nangyari. Ramdam ko ang pagpipigil nila kanina na tumili. Suminghap ng maraming hangin si Dyx bago ibuga iyon. Kasunod ang sunod-sunod na pag-iingay.

"O my ghad! O my ghad! I thought! I thought! O my ghad!"

"Kalma, Dyx." Aniya ni Jobo kahit na paos ang boses.

Hindi nagpapigil si Dyx sa pag-iingay. Umandar na ulit ang karitela. Pinaypayan ng bakla ang sarili gamit ang kamay. Hinihingal pa na akala mo ay galing sa takbo. Si Sweet naman ay natulala at parang walang naririnig sa kaingayan ng katabi. Nakabalik lang ito sa katinuan nang mapansin ang titig ko. Kumurap siya ng tatlong beses bago iniwas ang mga mata.

"Akala ko ba aatakihin tayo?" Tanong sa akin ni Jobo.

Sumandal ako sa upuan at umiling. "Nakaamoy nang maharlikang dugo ang malaking nilalang at kung papatayin niya iyon ay para na rin niyang pinatay ang sarili."

"Maharlikang dugo?"

Titig na titig ang tatlo sa akin. "Huwag n'yo ako husgahan, kayo na rin nagsabing hindi ako dugong bughaw. Isa pa, kasama natin ang prinsipe na isa sa mga sakay ng karitela."

"May punto."

Akala ko ay tapos na ang usapan pero hindi pa pala. Hindi ako nakisali pero nakikinig lang sa kanila habang nakapikit at nakasandal sa karitela.

Her Wicked BattlesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon