HWB 36

400 17 1
                                    

Day 130: Festival of Bearus Kingdom - 8:30

Nakikinig ang lahat sa instruction ni Headmaster. Nakatayo silang tuwid habang ako ay inilagay ang bigat sa kaliwang binti, nababagot na dahil sa dami nitong sinasabi. Naibaba ang paningin ko sa relo ng umilaw ito, hindi lang sa'kin kundi sa lahat din.

Isang beses lang kami pwedeng lumabas ng akadamya at iyon ang araw na ito. Isang malaking pagdiriwang ang mangyayari ngayong araw at magaganap iyon sa Bearus Kingdom na kinatuwa ng Bema. Dahil nasa unang ranggo ang kanilang kaharian ay ito lang ang pwede puntahan.

"We are watching you."

Dinagdagan ng isang mahika ang aming relo. Sinisigurado kong para malaman nila iyon kung saan man kami mapadpad o anong gagawin namin sa loob ng Bearus.

"No powers or ability inside of Bearus Kingdom, include you Bema. If one of you disobey me, expect all group points will be lost."

"What?" Bulalas ni Aurum. "That's unfair!" Mahinang reklamo nito sa tabi ko.

"Change your clothes into comfortable clothes and do not forget the cape. Minus 100 points for not wearing the cape. At exactly 9:00 A.M the gate of Okrassbar will open and y'all should get inside of the carriage within 5 minutes. Same time on the night."

Huminga ng malalim ang Headmaster bago tapusin ang pagsasalita. "Enjoy your day, everyone."

Maingay na lumabas ang mga tao sa odituryum, pinag-uusapan ang kanilang susuotin. Nakasunod lang ako sa mga kaibigan hapang dinarama ang malamig na hangin. Napalingon ako kay Misty ng kalabitin niya ako.

"Gusto mo ayusan kita?" Alok niya at ngumiti. Inilingan ko siya at iniwas ang mata.

"Hindi na,"

"Bakit naman? Alam ko namang maganda ka na, Kane, pero mas maganda kung aayusan kita."

Gusto ko sumimangot sa kanya pero pinigilan ko ang sarili. "Hindi na." Pinal kong sagot.

Bumuntong hininga siya at hinawakan ang gulo-gulo ko na namang buhok. Gusto niyang inaayusan ako palagi pero tinatanggi ko.

"Sige na, Garelle." Paglalambing niya. Hindi ko inimik.

Papunta kami sa bahay para makapaghanda sa pag-alis. Malapit palang kami ay nagsitakbohan silang lahat at nag-uunahang makapasok ng tirahan.

"Mga sabik makalabas ng akadamya." Natatawang sabi ni Jobo at napailing.

"Kung ako tatanungin, hindi ako sabik. Natatakot ako." Saad ni Dyx at lumingon sakin sa likod. Napataas ang kilay ko.

"Hindi naman tayo sasaktan... hindi ba?" Alinlangan ni Misty.

"As long as we are wearing a cape, hindi nila tayo sasaktan." Pagsasalita ko na kinalingon nila sa'kin at napatigil sa paglalakad.

"You mean, that cape is not just a normal?" Taas-kilay na tanong ni Aurum.

"Hmm," tango ko. "Sa loob ng akadamya, hindi gagana ang proteksyon ng kapa pero kung lalabas tayo kasama iyon, makikita n'yo kung gaano ito kalakas."

"Kung ganoon, pwede iuwi ang kapa na iyon sa huling taon natin dito?" Tanong ulit ng babaeng maharlika. Hindi ko alam kung sasagutin ko iyon o hindi. Nag-aalilangan ako.

"Kaibigan mo naman kami," sabi ni Misty. Para bang naramdaman niya ang pagdadalawang isip ko. Bumuntong hininga ako at umiling.

"H-hindi dahil lahat ng mga ginamit natin ay mawawala." Aniko at napaiwas ng tingin.

"Bakit mawawala?" Tanong naman ni Dyx. Bigla akong nainis.

"Malalaman n'yo nalamang kay Drimeo." Inip kong sabi at naunang maglakad.

Her Wicked BattlesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon