HWB 07

1K 53 1
                                    

Mastery Academy - Cafeteria - 21:38

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang bandila ng eskwelahan sa gilid ng pasukan. Kulay agwamarina ang tela at may nakaguhit na elepante. Sa taas nito ay korona gamit ang tintang itim. Napalingon ako sa katabi ng hawakan nito ang braso ko.

"Sa lahat ng bandila, ito ang nagustuhan ko." Komento ni Misty at hinawakan ang bandila na may ningning sa mga mata.

"Binago ang nakaguhit," bulong ko pero napalingon ang babae. Nagtataka sa aking sinabi kaya kahit hindi tinatanong ay sinagot ko parin. "Before, It was white dove symbolize of new beginnings, peace, fidelity, love, luck, and prosperity. Nagbago nga lang dahil sa kaganapang noong ilang taon."

Napatango-tango siya bilang pagsang-ayon at initindi habang ang mga mata ay hindi maiwanan ang bandila. "Maganda naman ito ngayon pero siguro mas maganda ang bandila noon."

Hindi na ako nagsalita pa at hinila siya papasok ng cafeteria at dahil nahuli kami ay natagalan pa ako humanap ng lamesa para sa aming apat.

"There!" Turo ni Bryne sa isang malaking paikot na lamesa at may limang upuan.

"Ang daming nakapila, sino tatayo para kumuha ng pagkain natin?" Tanong ni Misty nang makaupo kami. Katabi ko siya at kaharap namin ang dalawang maharlika.

Tumaas ang isang kilay ni Aurum at mataray na binigyan tingin ang katabi ko, "Do you think you can send us?"

Hindi nakasagot ang babae.

"Oo," Sagot ko at binigyan siya ng tingin.

"What?!"

"Katulad ng sinabi ko kanina, wala na tayo sa kaharian n'yo para utos-utusan kami. Nasa loob na tayo ng akadamya kaya wala ng gagalang sa inyo rito dahil pantay-pantay na ang tingin ng lahat sa isa't isa." Saad ko.

"What?!"

"Stop it, Aurum. Don't be immature. We're here to be responsible, not to throw a tantrum!"

Napatigil ito sa pagrereklamo dahil sa turan ng prinsipe. "Tama naman si Garelle, Lady. Kahit anong utos mo bukod sa amin ay walang makikinig sayo." Lakas-loob na sabi ni Misty.

"Bakit n'yo ba ako pinagtutulungan?" Salubong ang kilay na aniya ni Arao. 

"Tara na, Misty." Pag-anyaya ko sa katabi at tumayo. Sumunod naman siya.

Nang makaalis sa lamesa ay naramdaman ko ang pagtabi sa akin ng babae. "Mga mahaharlika talaga, akala mo kahit saan makakapag utos ng gusto nila." Pagra-rant nito sa akin.

"Hindi ka ba mayaman din?" Tanong ko dito at pumunta sa pila.

"H-hindi, isa lang akong katulong ng Salvide." Nag-aalinlangan niyang sagot.

Umusad ng tatlong beses ang pila.

"Ikaw, saan ka galing bago makapunta rito?"

"Galing akong palasyo," mahinang sagot ko. "Pero bago sa palasyo ay galing din ako sa Wallender."

"Wallender? Hindi ba ay kasama sila sa sampung mayayaman?"

"Oo."

"Paano ka naalis sa pugad nila?"

"Pinalayas ako."

Narinig ko ang singhap niya at pagtingin sa akin. Saglit ko naman siyang sinulyap at ibinalik din ang tingin sa harap.

"H-huh?" Gulat niyang ani.

Hindi agad ako nakapagsalita nang may bumunggo sa balikat ko at narinig ang malakas na mura.

Her Wicked BattlesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon