HWB 24

560 23 17
                                    

// Aurum //

Nagising akong wala na sa aming kwarto. Nagising ako na iba na ang disenyo ng aking tinutulugan. Nagising akong wala na si Bryne sa kaniyang higaan at wala na rin ang kamang kaniyang pinagtutulogan.

Nagsitaasan ang balahibo ko ng dumampi sa aking balat ang hanging galing sa labas ng silid, bukas ang bintana at nakikisayaw ang kurtina sa mga dahon ng puno na kaharap lang ng bintana. Nang makatayo sa pagkakahiga ay naramdaman ko ang lamig ng sahig at pagkalito kung nasaan ba ako. 

Pula ang kulay ng pader at itim ang kulay ng sahig. Iisang kama at iisang ilaw at bukod doon ay wala nang iba pang gamit. Sa harap ng kama ay pulang pintuan at kinakabahan akong lumabas dahil hindi ko alam kung anong susunod na makikita ko kung sakaling umalis ako sa kwartong 'to.

Inuna kong dumungaw sa bintana at nanlaki ang mga mata kung gaano kataas ang aking kinakatayuan. Napaantras ako at mas lalong nalito. 

Nasaan ba ako? Nasaan si Bryne? Nasaan ang akadamya? Nasa akadamya pa ba ako?

Nanlaki ang mga mata ko ng kumalabog ang pintuan, naistatwa ako't sobrang bilis ng tibok ng aking puso. Umagang-umaga ay natatakot na kaagad ako. 

Sa pangalawang pagkakataon ay napaantras naman ako nang kumalabog ulit ang pinto.

Tignan mo, Arao!

Hinawakan ko ang kaliwang dibdib para pakalmahin ang sarili. Huminga ng malalim at sinasabi sa sariling hindi ko dapat katakutan ang mga nanyayari ngayon. Taas noong pumunta sa harap ng pintuan at pinihit ang busol nito. Kumunot ang aking noo ng makita ang pamilihan ng Scale Yellow. Nang subukan kong humakbang ay nagbago ang damit ng aking pantulog na suot. Pumasok sa isipan ko na ito ang suot ko noong nakita ko si Gakane.

Nang maiangat ang mga mata ay tama nga ang nasa isip ko pero ibang-iba siya noong nabangga ko. Buhay ang kaniyang mga mata, nakangiti sa mga taong nakakalubong, magulo man ang buhok pero hindi iyon nakakabawas sa kagandahan niya. Napataas ang kilay ko ng magkasalubong ang aming tingin at nakangiti itong lumapit sa akin. Suot-suot ang mamahaling kulay bughaw na damit na umaabot sa kaniyang maputi at makinis na mga binti.

"Aurum!"

Hindi ako nakasagot sa kaniyang pagtawag. Kunot noo ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa. Ibang-iba siya sa Gakane na aming kinakahirap kausapin. Dito, sa aking harap, isa siyang mahinhin at hindi makabasag pinggan. Ngumiwi ito ng hindi pa rin ako nagsasalita na akala mo'y matagal na kaming magkaibigan na kailangan sumagot kaagad.

"Aurum!"

Naguguluhan akong lumingon sa direksyon kung saan ko narinig ang boses ni Jobo, mula sa loob ng shop ay lumabas ito, at nakangiti ring lumapit sa amin ni Gakane. Kumindat siya at tumayo ng maayos.

"Bakit kayo nandito?" Tanong niya at sinulyap si Gakane na kanina pa ako tinititigan.

"Kayo, bakit kayo nandito at nilalapitan ako?"

Nagkatinginan ang dalawa at nagkasalubong ang kilay ni Gakane. "Kaibigan mo kami, Arao. Anong gusto mo? Hindi ka namin pansinin?" May inis sa tono nito.

Umiling ako at natawa. "Ano? Tama ba ang narinig ko, Gakane? Kaibigan? Kabigan ang turing mo sa amin?"

Nagulat ito at napahawak sa kaniyang dibdib, nasasaktan. "Bakit ganiyan ka magsalita, Arao?" Malamyang saad.

"Matagal na tayo magkakaibigan, Arao. Ano bang nangyayari sa'yo?" Sabi ni Jobo.

Napailing-iling ako at hindi makapaniwala sa dalawa. Paano nangyari 'to? Hindi ba dapat ay nasa akadamya kami? Ano bang nangyayari?

Her Wicked BattlesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon