HWB 44

362 17 1
                                    

4 weeks passed...

Day 203

"Glaze, hurry!"

Tumango ako kay Drivio at mabilis na bumaba ng hagdanan para sumunod sa kanya lumabas ng bahay. Sinalubong ako ng malamig na hangin at mainit na umagang araw. Nilingon ulit ako ng prinsipe at sinenyasan na lumapit sa kanya na ginawa ko naman.

"Let's visit Catena first before we eat our breakfast." Aniya nang makalapit ako at tango ang tugon ko.

Apat na linggo nang nakakalipas simula mangyari ang ikalabintatlong laban. Catena, my friend, was stricken by Medusa's power that made her unconscious until now. Hindi lang siya ang nasa ice bloke pati narin ang babaeng snama at eama. Lima silang nakahimlay noon pero noong nakaraang linggo ay nagising na si Garelle Kane Landers at Avidita Moran.

Their ice bloke was in the auditorium. Magdadalawang linggo na ring walang pasok para makapagpahinga galing sa mga laban. Kung uso lang ang pasko rito, siguro ay matutuwa pa ako pero wala, kahit na pagsalubong sa bagong taon ay wala rin. Nakakamiss. Kung nasa kabilang mundo lang ako siguradung nagsasaya na ako kasama ang mga mahal sa buhay.

"Deep thought?"

Bumalik ang ulirat ko sa realidad ng galawin ni Drivio ang braso ko kaya agad akong napalingon sa kanya. Binasa ko ang labi bago ngumiti.

"May binabalikang ala-ala lang." Sagot ko at umiwas ng tingin. Nakita ko sa gilid ng mata ang pagtaas ng kilay niya at alam kong gusto niya ipagpatuloy ang sinasabi ko. "Huwag mo na lang pansinin."

"You can remember now?" Taka nitong sabi na kinakaba ko pero hindi naman pinahalata.

"No," maliit ang boses kong sagot at sinulyapan siya. "Inaalala ko lang mga panahong kasama natin si Catena." Pagdadahilan ko at kinahinga ng maluwang ng maniwala siya.

"She isn't dead yet, Glaze." Natatawang aniya. "Let's earn points so we can give her medicine."

Napawi ang ngiti ko ng maalala ang sinabi ni Headmaster. "There is no medicine that can cure them, Drivio. Headmaster told us that we don't have a choice but wait for them to wake up on their own like what happen to Garelle Kane and Avidita."

Mabigat siyang bumuntong hinihinga. "That's really sad to hear, you know."

Malapit na kami sa auditorium ng makita namin si Garelle Kane kasama ang dalawa niyang kaibigan na babae at lalaki. Sa tingin ko ay papunta rin sila sa papupuntahan namin. Tahimik kaming nakasunod sa kanilang likod hanggang sa makapasok na sa loob.

Katulad nang kung paano kami pumila noon ay ganoon din ang puwesto ng tatlong ice bloke. Napadaan kami sa puwesto nila pero hindi na nagkalingunan pa dahil wala namang dahilan para lingunin sila. Nang mapahinto kami sa gilid ng ice bloke ni Catena ay kumirot ang puso nang makita siya. Gusto ko mang hawakan ang ice bloke ay hindi puwede dahil may elekrisidad iyon bilang proteksyon.

"When will you wake up, huh?" Magaspang ang boses kong anas at mapaglarong umirap. "Wake up, Catena. Hindi pa tapos ang laban natin."

"She's pretty," nakangising bulalas ni Drivio at ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang itim na salawa. "This is her long silence."

Naglakad ako papunta sa kabila ng ice bloke para makaharap ang Snama. Tahimik silang nag-uusap-usap habang nakatitig sa ice bloke ng kanilang kasama. Nilingon naman ni Drivio sila at agad ding ibinalik ang tingin sa akin.

"What's wrong?" Concern niyang tanong. "Did they fight you?"

Nalipat ang mga mata ko sa kaibigan at ngumisi. "No, they are Snama. Their group is weak. Hindi sila magtatangkang makipaglaban sa atin kasi nasa mataas tayong posisyon."

Her Wicked BattlesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon