HWB 21

668 31 4
                                    

Day 12 - 9:34

Nakagilid ang mga upuan at lamesa, nakatingin ang lahat sa gitna. Inaantok naman akong sumandal sa upuan at humalukipkip, pinapanood ang pagrampa ng lima na tinuturuan ng taong robot.

Nangunguna si Sapphire dahil mababa kaunti ito kay Arao. Kasunod nilang dalawa ay si Dyx, Axalus, at Bryne. Magkasing tangkad ang dalawang lalaki pero dahil pinuno ang isa ay hinuli ito. Galing sa mayamang pamilya, madali lang ang paggalaw ng apat na idala ang kanilang sarili pero ikinakaiba ng isa.

"Iniisip ko na kasali ka jaan at rumarampa," mahinang sabi ni Misty pagkaupo sa bakanteng upuan na katabi ko at sa kaliwa ay sin Jobo at Sweet.

"Hindi ako nababagay sa ganyan." Aniko.

"Mister Fetalino! How many times do I have to tell you that you need to look and walk like a man!"

Napakamot si Dyx sa ulo at nahihiyang ngumisi. "Payagan mo na ako mag-ala babae!"

"What? Lalaki ka kaya maglakad lalaki ka!" Hindi sang-ayong ni Arao.

"Bakit babae lang ba ang pwede maglakad babae?" Inis na baling ng pangatlong kasarian sa babaeng maharlika.

"Hindi tayo matatapos nito kung hindi mo aayusin, Dyx." Pagsingit ni Sapphire.

"Inaayos ko, ano bang problema ninyo sa lakad ko?"

"Mr. Fetalino, have consideration for now." Aniya ng robot na kinakalma naman ni Dyx.

"Okay,"

Nakita pa namin ang pag-ikot ng mga mata ni Arao pero wala na itong sinabi at bumalik sa pagkakapila.

"Mayaman din kami pero hindi ganyan kaugali ni Aurum." Mahinang wika ni Jobo na kinasulyap ko sa kaniya. Nang umabot iyon kay Misty ay umusog ito paharap at nilingon ang lalaki.

"Mabait naman siya ah?" Mahinang komento ni Salvador.

"Minsan oo, minsan hindi." Tugon naman.

"Royals with their behavior," singit ko. "Hindi mo alam kung nagbabait-baitan lang dahil nakakaawa ka o nagpakakatotoo para malaman mo ugali nila, ano sa tingin niyo?"

Natahimik. Umayos ako ng upo nang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa gitna. Maayos na lumakad si Dyx na kinasinghap ni Misty. 

"Wow, he's good."

"Bagay naman pala sa kaniya ang maging lalaki pero bakit pinili niya ang maging pangatlong kasarian?" Tanong iyon ni Jobo.

"Jobo, kung wala kang magandang ikokomento, manahimik ka na lang." Rinig kong pagsasalita ni Sweet.

"Ano ang masama sa sinabi ko?" Nagulat pa ito dahil sa sinabi ni Molventte.

"Wala kang pake sa desisyon nung tao,"

"Sinabi ko lang opinyon ko!"

"Kane, may tanong ako." Si Misty.

"Ano?"

"Naisip ko lang, kapag ba nagkakaroon ka ng kasintahan ano ang magiging tawagan niyo?"

Nagkasalubong ang kilay ko at hindi kaagad nakasagot. Anong klaseng tanong 'yan? Wala kakwenta-kwenta.

"Hindi ako magkakaroon ng kasintahan.."

"What if!"

Binasa ko ang labi at tumikhim. "Para saan ba?"

"W-wala naman, hehe."

"Dem."

"Dem? Bakit dem?" Gulat niyang tanong, hindi inaasahan ang pagsagot ko.

Her Wicked BattlesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon