HWB 29

443 20 1
                                    

Day 30- Maskeer Cafeteria - 8:00

Umiwas ako ng tingin kay Misty nang lingunin niya ako at nginitian. Natapos ang umagang kainan at nagpahinga muna kami ng saglit bago tumayo.

"Alisin mo," kabado kong utos sa babae nang kumapit na naman ito sa braso ko. 

Napatingin siya sa akin at padulas ang kamay na tinanggal ang pagkakahawak. Pasimple akong huminga ng malalim at lumayo ng kaunti.

Pagkalabas ay nakita ko ang pagtaas ng ulo ng kabayo ko sa gilid ng puno. Maglalakad na sana ito ngunit napahinto dahil may itim na kabayong humarang sa daraanan niya. Nagkasalubong ang kilay ko at nakaramdam ng inis ng hindi umaalis sa harapan ni Raster ang kabayo. Ako na sana ang lalapit ng marinig ko ang sipol ni Rucklam kaya 'saka lang umalis ang kabayong itim.

"Turuan mo ng asal iyang kabayo mo." Masamang tingin na sabi ko kay Axalus bago sila lampasan ng kanyang kabayo ng makalapit ito.

Hinawakan ko ang ulo ni Raster at sinuklay ang iilang buhok niya. Hinimas ko ang nguso niya bago magdesisyong sumakay. Nagkatinginan kami ni Axalus pero kaagad din akong umiwas ng makita ko sa gilid ng mata ang pagsulyap ni Misty sa akin.

"Bago tayo pumunta ng Okrossbar, lumibot muna tayo." Pag-aaya ni Rucklam ng makasampa sa kabayo at lumapit kila Bryne at Aurum.

"Gakane, mabuti ba ang pakiramdam mo?" Nailipat ang atensyon ko kay Sweet ng lumapit ito sa akin. "Ang putla mo, Gakane."

"M-manahimik ka nalang..." Mahinang tugon ko sa kanya at ginalaw ang tali para pasunurin ang kabayo paharap sa hilaga.

"Magandang umaga, Snama."

Tinignan ko lang si Athlanla ng dumaan ito sa gilid ko at ngitian ako. Akala ko ay didiretso na siya pero hinila niya ang tali ng kabayo para huminto sa harap ko.

"Hindi maganda ang umaga kung kaharap kita." Malamig kong sabi, pinipilit ang sarili na hindi makaramdam ng inis dahil wala namang dahilan.

"Masama ata ang kalooban mo, Gakane? Hindi ka naman ganito." Aniya sa inosenteng tono.

"Umalis ka na, Eama. Hindi mo na nga tinupad ang pangako ninyo magkaibigan." Pagsabat ni Molventte nang maiikot nito ang kabayo.

"Ano na naman ang kailangan ng taga-Eama?" Mataray na sali ni Dyx nang makalapit.

"Easy, Snama. Binabati ko lang kaibigan ninyo. Hindi naman ako si Dharyx para makipag-away." Wika ni Athlanla sa malambing na tono.

"Sige, makakaalis ka na." Taas-noong sabi ni Dyx. Nginitian siya ng babae bago pagalawin ang kabayo.

"Anong mayroon?" Pagtanong nila Jobo nang makaalis ang taga-Eama. Umiling naman si Dyx.

"Sumang-ayon kami kay Axalus na lumibot muna bago pumunta sa Okrossbar. Gusto n'yo ba sumama?" Pagtanong ulit ni Jobo.

"May balak ba kayong iwan kami?" Singhal ng bakla.

"Oo, bakit may angal ka Fetalino?" Taas-kilay na saad ni Arao.

"Kung aalis din kayo edi sana'y hindi n'yo na kami tinanong!" Singhal ulit ni Dyx.

"Namumutla ka, Kane." Pagsabi ni Misty habang nakatitig sa akin. "Tigilan mo na ang pagpunta sa rooftop, please." Dagdag niya at tinignan ako sa mga mata.

Napaiwas ako ng tingin at tumikhim. 

"Shut up."

"Garelle Kane," pagbanta ni Aurum na kinalingon ko sa kanya na katabi lang ni Misty. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sino kayo para pagbawalan ako?" Aniko sa malamig na tono.

"Bakit ka umaakyat ng rooftop?" Kuryusong tanong ni Jobo. "Umulan kagabi, hindi ba? Naulanan ka?"

Her Wicked BattlesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon