HWB 38

357 16 3
                                    

A/N: This whole chapter is Misty's point of view BUT her past is NOT YET INCLUDED.

Day 158: The 12th Battle of Mastery Academy - 5:50

Tumunog ng malakas ang kampana na nagpaggising sa'ming lahat. Nakasimangot akong umupo at tumingin sa kabilang kama. Antok ang mga matang napalingon sa'kin si Saphire at mahinang binati ako pero tinaasan ko lang siya ng kilay at tumayo para kuhain ang pang-ensayo naming damit dahil iyon ang susuotin sa laban. Pagkasunod ay pumunta na sa banyo.

Makalaan ng ilang minuto ay inaayos ko na ang sarili sa harap ng salamin. Napahinto ako napangiti sa ganda ng nakikita. I have this icy-green eyes that I love the most, small pointed nose and perfect jaw. Hindi gaano kakapal ang kilay ko pero masasabing pinaganda nito ang mukha ko. Nawala ang ngiti ko sa mukha at napalitan ng pagkairita dahil sa sunod-sunod na katok.

Mabilis kong binuksan ang pintuan at nakipag iripan kay Saphire. "Ang bagal-bagal." Irita niyang parinig. "Alis na."

Inirapan ko siya at padabog na lumabas ng banyo. Pagkasara niya ay napairap na naman ako dahil sa inis. Manang-mana kay Gakane! Masyadong mapagmataas sa sarili!

Hindi ko na hinintay pa ang babae at lumabas na ng kwarto. Napahinto ako at sinundan ng tingin si Sweet na naparaan sa harapan ko. Hindi pa siya nakakalayo ay nilingon ako at hindi ko masabi ang kanyang pinaparatang. Lumunok ako at napaiwas ng tingin. 

Bakit ba karamihan sa grupo namin ay kaibigan ni Gakane? Nakakairita! She's a killer, ano ba ang nagustuhan nila sa kanya?

Palabas nang bahay ay napatigil ako sa hamba ng pintuan nang makita na naman sa harapan si Sweet pero kasama na si Garelle Kane nag-uusap. Napahinto si Gakane ng magdagpo ang aming mga mata. Sinamaan ko siya ng tingin at nagsimulang maglakad pakanan para pumunta muna sa maskeer. Humangin ng kaunti kaya nilipad ang mahabang buhok ko.

Napahinga ako ng malalim ng maramdaman ang sakit sa puso. Hindi ko kayang kalimutan ang pagtangka niya sa'king pagpatay. Hindi ko rin makakalimutan ang sinabi niya na kukuhain niya ang anak ko para patayin. Hindi ko tanggap at hindi ko kakayanin. Sobrang bigat sa puso na magalit kay Gakane pero kailangan ko siya iwasan para hindi ko tuluyan balak unahin siyang patayin.

Napakurap ako ng sumulpot sa harapan ko si Daryl, tinaasan ko siya ng kilay para hindi mapansin ang pagkakalungkot ko. Pinasadahan niya ako ng tingin na ginawa ko rin sa kanya. Parehas kami ng suot dahil parehas kaming sasabak sa laban. Nagulat nga ito nang mapili at nahulaan ng takot ang mga mata.

"Ano?" Inip kong tanong.

"Hindi mo ba kakausapin si Gakane?" Inosente nitong tanong.

"Para saan? Pa-goodluck na mamamatay na ako?" Mahinang singhal ko at lalampasan na sana siya ng humarang na naman siya. "Ano?!"

"Sabi mo nga mamamatay ka na, kung ganoon kausapin mo na." Giit niya na kinatawa ko sa inis at tinulak siya bago samaan ng tingin.

"Mamamatay akong hindi siya kinakausap." Matigas kong sambit at sinangga pa ang balikat niya ng makadaan.

Akala ko ay magpupumilit pa ang lalaki dahil narinig ko na naman ang pangalan ko. Bubulyawan ko na sana siya at galit ang mukhang lumingon pero nagulat sa ibang itsura. Natigilan si Werllico at natigil ang pagtawag niya sa'kin.

"Umagang-umaga, galit ka na agad?" Nakakunot noo nitong sabi na kinatahimik ko. Napaiwas ako ng tingin dahil bigla akong nakaramdam ng pagkakapahiya. "I just want to say good morning and good luck, Misty." Aniya.

Tumango ako at ibinalik ang mga mata sa kanya. "I'm sorry... ah, good morning and thanks." Nahihiya kong sabi.

"Is there any problem that made you bad mood today?" Paglapit niya ng kaunti sa may nag-aalalang tono.

Her Wicked BattlesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon