HWB 14

816 30 0
                                    


Day 06 - 7:29

Dahan-dahan kong dinapian ng tuwalya ang basang buhok habang ang mga mata ay hindi maiwan-iwan ang salaming kaharap. Itinaas ko ang gilid ng labi pero agad ding ibinaba nang makaramdam ng pagkakataas ng balahibo sa katawan. Napahinto ako sa ginagawang pagpapatuyo ng buhok ng katukin ni Misty ang pinto.

"Gakane, gusto mo ba sumama?" Tanong nito mula sa labas. Tinalikuran ko ang salamin at binuksan ang pintuan, bumungad ang nakaputing bestida na Misty.

"Saan ka pupunta?"

"Nalaman ko kahapon na may silid aklatan pala rito at iyon ay nasa pinakasentro nitong lugar." Aniya.

"Anong gagawin mo naman doon?" Tanong ko at lumabas ng banyo habang pinagpatuloy ang dampi ng buhok.

"Gusto ko lang ikutin ang gusaling iyon, baka sakali rin na may magustuhan akong basahin." Sagot niya at umupo sa kanyang kama na kaharap ko.

Iniwas ko ang mga mata at tumango. "Tayo lang ba?"

"May gusto ka pa ba isama?" Balik niya.

Umiling ako bago tumayo at binuksan ang kabinet para isabit sa hook ang tuwalya na bandang kanan. Pagkasara ay pinuntahan ko naman ang ilalim ng kama para kuhain ang tsinelas para suotin. Nang makatapos ay sinulyap ko si Misty at tinanguan, sinyas na aalis na kami.

Nauna akong lumakad at binuksan ang pinto, hahakbang na sana papalabas ng mapahinto sa dalawang taong dumaan sa harapan ko at saglit na napalingon sa akin bago magpatuloy sa paglalakad.

"Hindi mo ba gusto sumama sa lima?" Tanong ko sa katabi ng makababa kami mula sa pangalawang palapag at palabas ng bahay.

"H-hindi." Nagdadalawang isip niyang sagot.

"Hindi mo naman ako kailangan samahan pa, Misty. Pwede mo naman din ako iwan at makisama ulit sa kanila." Pahayag ko rito habang ang mga mata ay iniikot sa paligid.

"Okay lang, Gakane. Hindi naman siguro sila magagalit sa akin." Aniya.

Hindi na ako umimik pa at pinuntahan ang kabayong nasa ilalim ng puno. Mahinang humiyaw ito ng makita ako at lumapit ng kaunti.

"Sasakay ba tayo ng kabayo para mabilis makapunta sa sentro?" Lingong tanong ko sa katabi.

Nakatingin ito kay Raster at umiling ng hindi ako nililingon. "H'wag na, Gakane. Magandang lakarin na lang natin para mapansin din ng maayos ang bawat lugar o gusaling madadaanan natin."

Tumango ako bilang sang-ayon at binalingan si raster para himasin ang ulo nito. "Kung gusto mo magliwaliw katulad namin, huwag kang magdadawang isip umalis." Pakikipag-usap ko rito na tinanguan naman ng puting kabayo.

"Ang maintindihin naman ng napili mo, Gakane." Nakangiting komento ni Misty.

Habang naglalakad papunta sa sentro ay napaangat ang aming ulo ng lumabas sa itaas ang hologram at ipinakita ang bandila ng Bearus Kingdom.

"Additional 2,135 points for the Bearus Kingdom, Glaze Yazzi trade a special egg with Headmaster."

Napakunot ang noo ko at hindi makapaniwala sa inanunsyo. Si Misty naman ay manghang nakatingin sa hologram nang ipakita ang itlog na nakita ko kasama ang dalawang babae na taga-Eaglus.

"Grabe, napakagaling talaga ng taga-Bearus. Sila talaga lagi ang nangunguna kapag sa puntusan."

Hindi ko na dinagdagan ang sinabi niya at ibinaba ang tingin sa daanan ng mawala ang hologram.

"Ang grupo pala nila ang sinasabi mo na magkakapuntos kaagad, Gakane? Paano mo nalaman?" Lingong tanong nito at hinintay ako sumagot.

"Hindi lahat ng nalalaman mo, totoo. H'wag ka mamangha sa grupo na una palang, makasarili na." Malumanay na sagot ko at nilagay ang takas na buhok sa likod ng kanang tenga bago basain ang ilalim na labi.

Her Wicked BattlesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon