HWB 45

362 15 0
                                    

"I'm... I'm Misty... Misty Salvador..."

A gentle smile flashed on his face while removing the leather jacket and give it to me. Nang tanggapin ko iyon at isinuot ay pinanood ko siyang yumuko at binuhat ang batang dala ko.

"What's his name?" Pagtatanong niya habang ang mga mata ay hindi maiwan-iwan ang maamong mukha nang bata nakatingin din sa kanya.

"Uh... L-lucurio Salvador." Nag-aalinlangan kong sagot at napaiwas ng tingin nang maibaling ang mga mata sa akin.

"Where's your husband, Mrs. Salvador?" Aniya nang ibalik ang tingin sa buhat na bata.

Umiling-iling ako at hindi alam ang sasabihin. I don't remember anything. Pagkagising ko nalang ay may katabi na akong batang lalaki sa abandonadong bahay na malapit sa gubat. Aalis na sana ako pero nang marinig ko ang malakas na iyak ng bata ay isinama ko nalang siya sa paglalakad.

Nangunot ang noo ni Sandie. "You don't have a husband? Did he die or cheat or something?"

"Sorry, but I don't remember anything." Pag-amin ko na kinagulat pa ng singkit niyang mga mata.

"Ohh..."

Nang makalayo kami sa pinaggisingang bahay ay hindi sinasadyang makabanggaan ko ang lalaking ito dahil sa likot ng batang lalaking buhat ko. Humingi ako ng pasensya at ibinaba ang bata para tulungan siya na ilagay sa basket ang mga natapon na karne. Pagkatapos nun ay napatingin siya sa amin at tinanong na ang pangalan ko.

Pinasadahan ko siya ng tingin. He is wearing a black shirt partnered with white shorts, leather boots, and a jacket. Kulay kayumanggi ang kanyang buhok, makinis at maputi ang kanyang balat, makapal at maayos ang kilay, singkit ang berdeng mga mata, mapupulang labi at perpektong panga.

"Are you lost? Are you two lost?" Nag-aalala niyang tanong pati ang mga mata niya.

"Pasensya na ulit pero hindi ko talaga alam." Nahihiya kong sagot. "Nagising nalang kami sa may abandonadong bahay doon." Aniko at tinuro ang dinaanan namin kanina.

Tumango-tango siya ng maibalik ko ang tingin sa kanya. "So it means you two have no place to live?"

Tumango naman ako bilang sagot at tinignan si Lucurio na nakatingin na sa'kin. Maiksi ko siyang nginitian pero malaking ngiti naman ang ibinigay niya sa akin. Nanlambot ang puso ko at wala sa sariling nilapitan siya at hinalikan sa pisngi.

"You two look good." Komento ni Sandie na kinainit ng pisngi ko pero may ngiti sa labi.

"Mama!" Hagikgik ni Lucurio na kinangiti namin ni Sandie.

"His voice is cute." Natutuwang sabi ng lalaki. "If you don't mind, Misty, you two can come with me to my house."

Gulat at sayang napalingon ako sa kanya. "Talaga? Puwede ba?"

"Yes, my house is open for you two."

That was 2 years ago and yes, I'm sixteen and Sandie is 2 years older than me.

"Announcement for the opening of Mastery Academy."

Bigla akong kinabahan, natakot, at nalungkot nang marinig ang pangalan ko na isa sa mga inanunsyo. Dumating si Sandie galing akadamya pagkatapos ng siyam na buwan at pagkatapos ng tatlong buwan ay pasukan na naman. Umuwi si Sandie na puro sugat ang mukha't mga braso pero hindi parin nawawala ang kanyang kagandahang lalaki.

"Mama, saan ka po pupunta?" Naiiyak ang mukhang tanong ni Lucurio habang mahigpit ang yakap sa aking bewang.

"Lucurio, Mama is going to school." Maingat at malambing na sabi ni Sandie habang nasa tabi ko. Bumaba siya para makapantay ang bata. "Mama will be back after school so let's be patient, okay?"

Her Wicked BattlesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon