HWB 15

739 35 1
                                    

Day 7 - Second of Peace Day - 13:00

"Kita mo 'yan?" Turo ni Axal sabay tingin kay Misty.

"Anong mayroon jaan?" Taas-kilay na tanong ni Misty.

"Wala, pader." Nakangising sabi ng lalaki at pinagpatuloy ang paglalakad.

Napailing-iling ang katabi ko at sumunod kay Axal. Ako naman ay patay ang mga matang itinaas ang tingin sa pinakataas ng Grov Wall.

"Gakane!" Sabay na tawag ng dalawa na hindi pa nakakalayo.

Bago maibaba ang ulo ay umangat panandalian ang gilid ng labi ko sa ideyang pumasok sa isip ko at sumunod na sa dalawa.

Ngayong araw ay balak naman namin ikutin ang Grov Wall, nainggit daw kasi ang babae sa lima na naikot ang Okrossbar at gusto niya rin ito gawin pero dito naman sa ikatlong pader. Kahit tirik ang araw ay napagpasyahan parin nilang magliwaliw. Sinimulan nila ikutin mula sa kanang bahagi habang ako ay sumusunod lang sa kanila.

"Bukas na ang unang labanan kaya kabahan ka na." Nakangising pananakot ni Axal na katabi ko sa kanan.

Natawa ako na hindi ramdam ang puso. "Bakit ako matatakot kung alam ko namang ako ang mananalo?"

"Ang yabang! Bakit mo nasabi 'yan?"

"Ako ang kinakabahan para sa kanya, Rucklam." Singit ni Misty. "Alam kong walang pake si Gakane noong una pa lang sa pagpasok at pagpili sa kanya ng Gurong Robot."

"Hindi mo kai--"

"Hindi ko mapigilan, Gakane. Kaibigan kita kaya syempre ay kakabahan ako at mag-aalala!" Pagputol sa sasabihin ko. "Sinong kaibigan ang mawawalan ng pake sa kaibigan niya?"

"Mga kaibigan mo." Sagot ni Axal at tumawa ng mahina. "Inaaway nila ang kaibigan na kaibigan mo rin pero kahit sila ay 'di nila tinuturing na kaibigan ang kaibigan mong ito." Turo sa akin.

Nakinig na lang ako sa kanila habang pinapalawak ang pakiramdaman sa paligid ng may masagap na 'di kalayuang presensya. Pasimple kong pinagalaw ang kadena na mula sa pagkakaikot nito sa pala pulsuhan hanggang kamay.

"Nauna naman si Gakane, tumanggi siya makipagkaibigan!" Bakas sa boses nito ang depensa.

"Bakit niya kakaibiganin 'yong mga taong una palang nanggagago na?!" Banat ulit ni Rucklam.

Imbes na presensya ulit ang maramdaman ay kakaibang bagay na ang nasagap. Mabilis akong napalingon sa taas ng direksyon ni Axalus. Para mapigilan ang bagay na tatama sa ulo ng lalaki ay mabilis akong humakbang paantras at inangat ang kanang kamay para maihampas ang kadena sa palasong paparating. Nang magkasalpukan ang dalawa ay nagkaroon iyon ng ingay para mapahinto at magulat ang dalawa.

Sabay silang napalingon sa sirang palasong bumagsak sa lupa at kadenang hinila ko pabalik sa akin. Iikot ko na sana ulit ang mga mata para hanapin ang may sala ng may maramdaman na namang tatlong palaso papunta sa direksyon ni Misty.

Hinila ko ng malakas ang babae kaya bumagsak ito sa lupa. Napakabilis ng palaso kaya tumarak iyon sa lupa na malapit sa harapan ng lalaki.

"Okay lang kayo?" Nag-aalalang tanong ni Rucklam. Ito na ang lumapit kay Misty para maitayo dahil umikot ako sa kinakatayuan habang ang mga mata ay nasa taas ng mga pader.

"O-oo pero masakit ang puwetan ko! Ang lakas mo naman, Gakane!" Hirap nitong sabi ng makatayo at pinagpagan ang sarili.

Ibinaba ko ang tingin sa kanila at pinasadahan ng tingin si Misty at Axal. "May nasugatan sainyo?"

"Wala, Gakane. Maraming salamat." Sagot ni Axal.

Humakbang naman ako papaharap at kinuha ang isa sa tatlong palaso para tignan iyon.

Her Wicked BattlesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon