HWB 08

1K 58 2
                                    

Day 01 - 5:50

Malakas na tumunog ang kampana na nagpagising sa aming mga diwa. Ibinukas ko ang mga mata at kumurap ng tatlong beses. Napunta ang atensyon ko sa kabilang kama nang inaantok na umupo ang babae at napakamot sa ulo.

"Good morning," Inaantok niyang bati.

"Morning."

Tuluyan nang naimulat ni Misty ang mga mata at tumayo para mag stretching.

"Unang araw para sa bagong buhay," aniya at umupo ulit sa kama.

Humikab ako at dahan-dahang umupo, "So what?" Salubong ang kilay kong iusal.

"Huh? Anong so what? Are you not scared or nervous man lang?" Kunot noong sabi nito.

Hindi ako sumagot at tumayo sa kama para ligpitin ang hinigaan.

"'Saka nga pala, hindi ka ba talaga tatanggi sa sinabi ni Drimeo? It's the first battle! I'm getting worried."

"Why would I? Mamatay din naman ako bakit hindi pa mauna?" Walang pakialam kong sagot at pumunta sa tabing kabinet nang matapos ko maitupi ang kumot.

"Ano? Nababaliw ka na ba?" Gulat niyang saad.

"Sa tingin mo?"

Natahimik siya kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na umalis sa harapan niya at dumiretsong banyo dala-dala ang susuotin na uniporme. Nang matapos maligo at magbihis ay pumunta ako sa harap ng salamin para tignan ang sarili.

Nakapaikot sa buhok ko ang puting tuwalya. Ang unipormeng pangtaas at baba ay kulay puti, sapatos na may dalawang pulgada na takong, necktie at coat na dark grey. Hindi bumagay sa akin dahil kung tatanggalin ang tuwalya at magpapakita ang buhaghag na buhok ay magmumukha lang akong mangkukulam. 

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng banyo. Nakatayo na sa gilid si Misty, hinihintay na makalabas lang ako.

"Ang ganda mo naman." Pagbungad ng kasama ko.

"Hindi magandang biro 'yan."

Maskeer Cafeteria - 7:10

Katulad nang nauna ay kasabay namin ang dalawang maharlika. Hindi naman sila umangal sa amin dahil kami lang din ang magkakakilala.

"This time, bato-bato pick tayo para kung sino matalo siya ang kukuha ng makakain natin!" Maligayang suhestiyo ni Misty.

"Corny mo naman," anas ni Aurum.

"Corn is mais, y is you. Mais ka kaya huwag na lagyan ng mo, okay?" Parang batang sabi ni Misty kay Aurum.

"Fine. Corny naman!" Pag-uulit ni Aurum.

"Maganda na ganito para lahat kikilos!" Turan ni Misty at ngumiti.

"Agree." Sang-ayon ng prinsepe at sumandal sa upuan. At dahil nakapag desisyon na sila ay ginawa nga namin ang labanan.

"Huwatt? I'm huwatt??!" Gulat na napatingin si Aurum sa kamay niyang bato.

"At dahil parehas tayong talo ay sabay tayong kukuha ng pang umagahan ngayon!" Natatawang pahayag ni Misty at tumayo. 

Nang makalayo ang dalawa ay sinakop naman kami ng katahimikan ng prinsipe. Tanging tunog lang ng mga daliri niyang tinatapik sa lamesa.

"Can't you move on?" Pagsasalita niya.

Inangat ko ang mga mata pero hindi tumingin sa direksyon niya. 

"Saan?"

"For deciding to throw you in a dungeon?" Parang hindi niya pa siguradong sabi.

Her Wicked BattlesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon