HWB 19

662 31 1
                                    

Day 10 - 19:22

/ Garelle Kane /

Tamad ang mga matang tinignan silang anim habang pinapatunog ang mga daliri sa ilalim ng lamesa, hinihintay sila matapos kumain. Hindi ko alam kung bakit ang tahimik ng mga 'to pero hindi ko na sinubukan pa magtanong. Napataas lang ang kanilang ulo ng dumating si Rucklam na may ngiti sa mukha.

"I have good news!"

Naging linya ang labing nakakurba at napataas ang mga kilay nang iikot nito ang tingin sa lamesa.

"Bakit ang tahimik niyo?"
Hindi pa siya tumigil at nagtanong pa. "May patay ba?"

"Axalus!" Biglaang ingay ng kasamahan.

Mahina akong natawa, hindi alam kung bakit. Sumandal ako sa upuan at pinakinggan na lang sila nang magsimulang mag-salita.

"Huwag ka maingay, baka marinig tayo ng taga-Eaglus!" Saway ni Dyx.

"Huh? Ano naman?" Natatanga nitong tanong.

"Just shut up." Masungit na sambit ni Arao.

"I can't, okay? What's wrong ba kasi?" Giit ng lalaki.

Kinuha ko ang baso para uminom pero napahinto ng dire-diretsong nagsalita ang babaeng maharlika.

"Everyone is in silent, okay? Nirerespeto ang kawalan ng kasamahan ng ibang grupo dahil sa desisyong hindi makatao!"

Naiyuko ko ang ulo, manhid na manhid ang pusong natawa at napangisi. Naramdaman ko ang tingin nila pero binaliwala iyon at pinagpatuloy ang pag-inom.

"Ayun lang?!" Si Rucklam.

"Anong ayun lang?!" Sila na sabay-sabay na nagulat sa sinabi ng lalaki.

"Where's your consideration, Axalus Rucklam?" Boses naman iyon ni Bryne. Hindi naman galit pero may halong inis.

"Why do you need to be quiet if at first it should be expected?" Pagsasalita ko ng maibaba ang baso sa lamesa.

"Gakane..." Mahinang pigil ni Misty.

"I don't know why you're with us again, you're too cruel." Nangingitngit na sabi ni Arao.

Huminga ako ng malalim bago siya tingnan. "I don't know why you have to do this, Arao. They're our enemy, you shouldn't be felt sympathy."

"I should! Because I'm human! I have a heart! I have feelings! I understand!"

Nginisian ko siya at umiling na sinasabing mali ang mga salitang binitawan niya pero hindi na dinagdagan pa.

"We will be having a beauty battle next week." Pagsingit ni Rucklam sa usapan na kinapunta sa kanya ang atensyon.

"What? Is that a second battle you mean?" Tanong ni Misty na gulat sa sinabi ng lalaki.

"Yes."

"Saan mo naman nahagilap yan?" Si Jobo.

"Bago ako pumunta rito may billboard na sa labas nitong Maskeer."

Kahit hindi pa tapos ang mga 'to ay mabilis silang tumayo at umalis habang si Bryne, Sweet, ako at Rucklam na lang ang naiwan. Kalmadong pinagpatuloy ng prinsipe ang kanyang pagkain habang si Axalus ay lumapit sa akin.

"Gakane, are you alright?"

Nagkasalubong ang kilay kong napatingin sa kanya, hindi makuha-kuha ang kaniyang ibig sabihin.

"Oo, bakit hindi?"

Hindi na ito nagsalita pa hanggang sa bumalik ang apat at umupo sa kaniya-kaniyang upuan.

Her Wicked BattlesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon