HWB 31

443 22 1
                                    

Day 64; Among Us: The Sixth Battle of Mastery Academy - House of Snama - Living Room - 8:01

Sumandal ako sa upuan at ipinikit ang mga mata dahil hindi sapat ang naging tulog ko. Tahimik na tinitigan ako ng mga kasama at gustong pagsalitaan para sa laban na gagawin ko. Ano ba ang dapat sabihin dahil wala naman akong maisip na pwedeng sabihin.

"This battle is serious, Gakane." Deklara ni Aurum sa seryosong tono. "Our kingdom needs the magic barrier today so you must win this game."

Naririndi na ang tenga ko sa kanila pero hindi naman ako nagsalita pa.

"Garelle Kane..." Tawag ng taong robot.

Inis kong kinamot ang tungki ng ilong at ibinukas ang mga mata para tignan sila. "Oh, tapos?"

"Make this battle serious this time!" Pag-angil ng babaeng maharlika. Sinulyap ko si Bryne na kanya namang katabi. Tahimik itong nakatingin lang sa akin.

"Pinaglalaruan lang kayo ng tao, bakit n'yo naman siniseryoso 'to." Aniko sa kalmadong tono.

"Kane, seryoso naman please." Bulong ni Misty sa tabi ko.

Tumunog ang kampana, senyas na kailangan na namin pumunta sa Okrossbar. Tumayo ako at inilagay ang mga buhok sa likod bago sila tinignan lahat. 

"Kailanman hindi ko susundin ang nais n'yo."

"Garelle Kane! Hindi ka ba naawa sa amin? Sa mga taong mapapahamak sa kaharian?" Inis na wika ni Daryl.

"Hindi ko naman kasalanang hindi nila kaya protektahan ang sarili."

"Wala kang puso!" Singhal ng isang babae na aming kasama. Ito ang pinaka bata sa amin sa taong gulang na labing pito. "Hindi ka magandang impluwensya sa amin!"

"Sino ba nagsabi sainyo na dapat ninyo ako asahan o tingilain?" Pabalang ko sabi. "Umalis na tayo."

Naramdaman ko ang pagsunod ng kanilang tingin sa akin hanggang makalabas sa pinto. Naramdaman ko ang presensya sa aking likod na si Misty. Nang makasakay kay Raster ay walang lingon ko silang inalisan. 

Hindi naman manhid ang puso ko para hindi maramdaman ang kanilang lungkot at pagkakadesperado. Pero dahil sa kanilang asal imbes na makaramdam ng awa ay nainis pa ako. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis kung mapilit ang mga taong hindi makapaghintay sa resulta. Sa sobrang pagkawalan pasensya ay nakakagawalang gana.

Nakasabayan ko sa pagbaba si Misty nang humito sila sa aming tabi. Dumiretso siya sa akin at hinawakan ako sa braso para pahintuin sa paglalakad. Nilingon ko siya pero hindi tumingin sa kanyang mga mata. Hindi ko gusto makita ang awa sa mga mata dahil hindi naman niya iyon kailangan pa gawin. Katulad ng iba ay hindi ko kayang makipag-usap ng maayos sa babaeng ito dahil sa inis na nararamdaman.

"Garelle, galingan mo, ah?" Aniya sa mahinang tono. "Galingan mo para manalo tayo, iyon bang katulad sa unang laban mo."

Nailabas ko ang hangin sa ilong at tinanggal ang pagkakahawak niya sa aking braso. "Masyado ka ring desperada."

"Oo, Garelle, desperada ako dahil ayoko mapahawak ang nag-iisa kong anak..." Pumaos ang boses niya at napayuko. "Please, Garelle."

Tinutulak niyo ako sa labang hindi ko naman gusto pasukan pero nasaan ang suporta?

"Aalis na ako." Tumagilid ako kaunti.

"Kane..."

"Bakit ka natatakot?" Malumanay kong tanong at huminga ng malalim para pigilan ang sarili na mainis lalo. "Hindi mo dapat katakotan ang pagkatalo ko."

Her Wicked BattlesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon