HWB 23

571 28 7
                                    

Inside of Ond Wall - 14:02 (Day 01)

/ Gakane /

"May nahanap akong abandonadong gusali kanina, puntahan kaya natin?" Suhestiyo ni Misty.

"Abandonado? Hindi ba ay lahat ng nandito ay nagagamit naman?" Takang aniya ni Jobo.

"Hindi pa tayo nakakasigurado." Tugon ni Dyx at sumunod sa direksyong tinuturo ni Misty, sa South-East.

Tahimik na sinundan namin ang kabayo ni Misty habang ginagala ko ang mga mata sa paligid. Humangin ng malakas na kinabahing ni Jobo. Mainit man ang araw pero wala pa akong naririnig na reklamo mula sa kanila. Ilang minuto ang aming tinagal ng humiyaw si Raster ng muntikan na mabangga ang kabayo ni Bryne dahil bigla itong huminto, napalingon ako sa harapan at tinignan sila na nagsibabaan.

"Ang bilis naman?" Takang sabi ko.

Lumingon sa akin si Aurum at tinaasan ako ng kilay pero hindi ito sumagot. Iniwas ko ang tingin at bumaba na rin sa kabayo. Nang makatabi ko si Dyx ay nagsalita ito.

"Hindi mo ba napansin? Walang masyadong pumupunta rito." Aniya na kinataas ng aking kilay.

"Tayo palang ang naunang nakapunta rito." Sagot ko at nilampasan siya para makasabayan si Misty. "Hindi abandonado ang nakita mo." Wika ko sa babae.

Napalingon siya sa akin na may gulat sa mga mata. 

"Huh? Kung hindi abandonado ay ano?"

"Pati ba naman abandonado ay alam mo?" Singit ni Aurum.

Hindi ako nakaimik at sinundan na lamang si Misty. Nang mahiwalay kami sa daanan at pumasok sa mga mapupuno ay mas lalong hindi nakaimik ang mga kasamahan ko. Iginala ko ulit ang mga mata at naalerto sa kalampag ng isang metal.

"Huminto muna kayo." Mahinang sabi ko na sinunod naman nila.

"Bakit, Gakane?" Bulong ni Misty.

"Abandonado ba talaga ang pupuntahan natin o may iba pa bukod doon?" Balik ko sa kaniya na kinabigla niya.

"Abandonado!"

"Oo, kasama ko siya kanina Gakane." Dagdag ni Jobo.

"Bakit mo ba kami pinahinto?" Tanong ni Arao nang makalapit, pumapalibot na sila sa amin ng katabi ko.

Isa na namang kalampag ang narinig ko kaya hindi ko kaagad nasagot ang tanong.

"Let's continue..." Pagtalag ng prinsipe at nauna ng maglakad.

Hindi ko na sila pinigilan pa at sinundan sila hanggang makarating kami sa isang abandonadong tirahan. Napahinto kami sa 'di kalayuan at sinuri ito ng mabuti.

"Abandonado, Garelle Kane." Masungit na sabi ng babaeng maharlika.

Sabay na napataas ang aking kilay at labi. "Siguro nga."

"Paano n'yo 'to nahanap?" Kuryusong tanong ni Dyx.

Kita sa gilid ng aking mata ang pagtinginan ni Misty at Jobo. "S-sinusubukan kasi namin magkarera hanggang sa makarating kami rito at pinuntahan kayo para sabihin ang tungkol diyan."

Humakbang ako ng tatlong beses paharap at ginamit ang pang-amoy.

 "Hindi na dapat tayo pumunta dito." Baling ko sa kanila na kinaiba ng kanilang mga ekspresyon.

"Ano na naman ang iyong sinasabi?" Si Sweet.

"Hindi ito abandonado kung iyong papansinin ng mabuti," lumumay ang aking tono hanggang sa maramdaman ko ang unting-unting pagbabago ng bahay sa aking likod. Kita sa kanilang mga mukha ang gulat at takot. 

Her Wicked BattlesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon