HWB 32

366 22 0
                                    

Mastery Academy - Maskeer Cafeteria - 23:09

"Aurum," pagtawag sa akin ni Bryne kaya napalingon ako sa kanya at ibinaba ang lumulutang na kubyertos. Umupo siya sa upuan at napatingin sa iba pang mga upuan.

"Hmm?" 

"Where are the others?" Aniya sa nagtatakang mukha. Nang makaalis siya kanina papuntang banyo ay nagmamadaling tinapos ng mga kaibigan ang kanilang pagkain para makapanood kaagad ng huling araw nila Gakane sa isla. 

"Nauna na," maiksing sagot ko at uminom ng tubig. "Tapusin mo na ang kinakain mo para makaalis na tayo."

Tumango siya at kumain habang ako ay sinubukan ulit palutangin ang pinggan at kubyertos. Nakita ko sa gilid ng mata ang pagpapanood sa akin ng pinsan pero wala naman siyang sinabi. Ilang minuto pa bago siya matapos at sabay naming ibinalik ang pinagkainan sa kahera bago lumakad paalis ng maskeer.  

Humangin ng malakas kaya nilipad ang buhok ko. Tahimik kaming pumasok ng oditoryum at umupo sa dating silya. Katabi ko sa kanan ang pinsan at sa kaliwa si Salvador na maamong nakatingin sa hologram. 

"Ano na ang nangyari?" Tanong ko sa mahinang boses kay Misty.

"Seryoso na si Gakane at ang iba pang pinuno, nakita na kasi nila kung sino ang fixer." Sagot niya nang hindi inaalis ang tingin sa harapan.

Huminga ako ng malalim at itinoon ang tingin sa harapan. Kumurap ako ng isang beses at nakita ng lahat ang pagsama-sama ng hologram hanggang sa maging isang malaking hologram na ito. Naramdaman ko ang tensyon nang mga taong naririto. Base sa sinabi ni Misty ay pakiramdam ko matatapos na ang laban ngayong gabi.

Mabilis lang ang oras sa isla dahil ginawa lang iyon ng headmaster. Kanina pa hindi umaalis ang iilan sa aming kasamahan simula nang mag-umpisa ang laban, paniguradong nalipasan na sila ng gutom. Pansin kong may kulang sa'min nang makarating dito pero hindi ko na inisip kung sino ba iyon.

Nakapalibot na naman ang apat na grupo pero iba na ngayon dahil may isang lumulutang na button sa gitna nilang lahat. Malayo ang kanilang distansya sa isa't isa. Nakita ko ang nakatigil na orasan at napansin kong nakahinto silang lahat. Tatanongin ko sana ulit si Misty kung bakit naging ganyan sila pero pinili ko nalang manahimik. Ayoko maistorbo ito sa pagiging kabado. Sumandal ako sa kinakaupuan at binasa ang ilalim na labi bago humalukipkip.

"Ito na! Matatapos na!" Kabadong sabi ni Dyx.

"Please Gakane! Get the button!" Komento pa ni Jobo.

Bigla rin tuloy ako kinabahan ng maalala ang rason namin para manalo. Napakuyom at napadasal habang nakatitig sa kinakatayuan ni Garelle Kane. Ang bawat pinuno lang ang pwedeng makakuha ng button at ang miyembro ay susupporta lamang sa pinuno ayun sa anunsyo kaninang umaga. Pumintig ang puso ko ng makita ang paggalaw ng oras, ang paggalaw nilang lahat.

Naglabas sila nang mga sandata at nagpaunahan tumakbo papuntang gitna. Sobra-sobra ang kaba ko ng makita ang pagdapa ni Gakane para iwasan ang itinapon na kunai sa kanyang direksyon. Sumasali ang malalakas na pagsabog at pagyanig ng lupa. Naramdaman ko ang biglang paghawak sa akin ni Misty pero hindi ko iyon matanggal dahil tutok na tutok ako sa hologram.

"Please Garelle Kane!" Nagmamakaawang sabi ni Fetalino.

Napasinghap ang lahat ng mawala ang hologram at namatay ang ilaw sa loob. Napatakip ako ng tenga sa biglaang tilian ng mga tao. Hindi ko alam kung naiinis sila, natatakot, o ano pa man. Binitawan ako ni Misty at naramdaman kong tumayo sila. Makalaan ng ilang segundo ay lumabas ang hologram pero blanko iyon.

Bitin!

"Good evening, Masternians." Pagbati mula sa boses ni Headmaster. Nakarinig ako ng iba't ibang reaksyon. "Please go back to your houses and take sleep because it's already past 11 o'clock. We will announce the winner tomorrow."

Her Wicked BattlesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon