NARDA

80 0 0
                                    

FLASHBACK 2
+

Maagang nag stretching ang mga kagrupo nila sa basketball dahil nine in the morning ang start ng Labanan nila. "Jopay ipitin mo yang boobs mo! Nako baka masiko ka ng mga kalaban mamaya basta madumi mag laro ang mga HRM." Suway ng teacher nila.

Alas otso pasadong bumaba ng covered courts ang mga ito. Napaka daming tao at outsiders din ang nanunuod. Bukod sa 100 years na ng school nila kaya napaka daming imbitado at bongga ang selebrasyon..

Naka posisyon narin sila sa court nila at nag papractice mag shoot ng bola, samu't saring sigaw ng mga kalalakihan sa mga HRM students na todo Make up pa, akala mo ay mga Tourism students kung mga asta.

Suot lamang ni Jopay ang Sando niyang jersey at maikling shorts. Hubog na hubog ang malaki nitong balakang at makinis na binti. Sumama na siya sa loob ng court at doon napansin ng iba ang ganda ni Austine.

"Bro ang tangkad naman non, parang model.." pag tapik ni Kim kay Ethan na napatingin o nakatitig narin sakaniya. Nahagip kasi ng mga mata nito ang bukol sa noo niya. "Wait siya ba yong naumpog kahapon?" Tanong ni Ethan.

"Ohh shit! Siya nga!" Sigaw ni Bryan na puno ng excitement para bang bumalik sila sa pag ka teenager. "Tang ina Bryan masisira ang gwapong image natin sa ginagawa mo!" Suway naman ni Kim na nahihiya dahil nakatingin ang ibang mga estudyante sakanila

"Narda 82.." banggit ni Ethan habang pinanunuod si Jopay na mag laro, parang turompo ito kung umikot at sumingit para maka rebound ng bola.. Ito kasi ang pangalan na nakalagay sa Likod ng jersey niya.

"Angas non Narda pangalan sumasakto mag coconcert ang Kamikazee mamaya dapat itsa natin yan sa stage, para mag stage dive sabay sigaw ng Darna.." nag tatawanang kwentuhan ni Bryan kay Kim.. "Mukhang sabogan mamaya at ma hi-highblood nanaman ang may ari ng school sa katigasan ng mga estudyante.." sagot ni Kim

"For sure, may flying condoms mamaya.." singit ni Ethan habang nakatitig padin sa Dalagang may pangalang NARDA 82.

Joana Paey Aguinaldo o mas kilala sa tawag na "JOPAY" binyag ito ng organizer sa mga events sa school nila na si Wendel, Sabay ang magulang niyang namatay sa trahedyang naganap sa Cebu kasama ang dalawa niyang kapatid sa pag bagsak ng eroplano papunta ng Manila.

Naging scholar siya ng Gobernor sa Cebu dahil sa katalinuhan niya. Kaya pinadala siya sa Manila dahil kakilala ng Gobernador na ito ang Mayor dito. Pero hindi naging mabuti ang nilipatan niyang apartment kaya nakilala niya ang kaibigan niyang si Rina na mayaman ang buhay nito pero student assistant din sa school na tulad din niyang scholar. 

Dahil pangarap niyang tumulong sa mga taong nasa malalayong lugar tulad ng bundok at liblib na lugar, minabuti niyang maging social worker, ito ang natutunan niya sa Cebu habang nag tatrabaho siya sa Munisipyo noon. 

"Tang ina naman!" Nag punas ng pawis si Jopay habang pikon na pikon na lumabas ng court, pinalabas kasi siya matapos niyang sikuhin ang kabilang team, pinag iinitan kasi siya dahil sa mabilis niyang pag kuha ng bola.

Pinag mamasdan siya ni Ethan habang naka talikod. Gulo gulo narin kasi ang buhok nito. Niladlad niya ang buhok niya at inayos ulit. "Water?" Pag alok ni Ethan sakaniya. Kinuha ni Jopay yon at binigay sa kasama niya.

"Bro wala kapala! Pinamigay lang kagawapuhan mo.." pag aasar ni Kim sa kaibigan niyang kulang nalang ay masuntok na niya dahil sa kanina pa siya inaasar nito.

Tambak ang HRM, dahil pumasok muli si Rina at Jopay, sampo agad ang agwat nila sa ibang team. Ito na ang huling laban nila para sa Championship.

Nag sigawan ang mga estudyante ng maka huling 3 points shot si Rina na binuhat siya ng mga kasama niya. Tawang tawa ang mga ito  at sumasayaw  aliw na aliw si Ethan habang pinanunuod niya ang mga ito.

SEX TAPESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon