c.19

7 0 0
                                    

Chapter Nineteen

Mag kasama ang dalawa ngayon sa Bar nag iinuman. Para bang gustong mag paka sabog ni Ethan dahil sa sakit na nararamdaman niya. "Ethan huwag ka masyadong uminom mag momotor kapa. " pag papa alala nito sakaniya,

"Yes copy Normie huwag ka mag alala mahahatid pa kita pauwi.." sinabi nito at halata narin naman ang pag pikit pikit ng mga mata nito. Mapungay at lalo pang namula ang mukha sa init ng alak sa katawan. "You know what, buti nandito ka sa Manila, buti may kasama nakong mag Bar ulit,," sinabi ni Ethan sakaniya

"Basta huwag mo akong susukahan okay?" Pag bibiro ni Normie sakaniya tuloy lang ang pag inom nito hanggang sa langong lango ng naka Dukmo ito. Kinausap narin ni Normie ang  guard ng Bar nabantayan ang motor nito dahil isasakay na muna niya ito sa Taxi pauwi. Mabuti nalang  at nag salita pa ito kung saan ang address bago tuluyang matulog.

"Ethan ang bigat mo tayo kana ng maayos please!!" Nakatayo nga ito pero langong lango na nakayuko at naka akbay kay Normie Dinamihan na ng dalaga ang doorbell para mapag buksan siya agad ng Pinto.

"Nako pasensya kana Hija sa anak ko ha?" Kausap ng Mama ni Ethan ang dalaga ."Sorry din po pinag sabihan ko naman po siya na wag mag paka lango, ito po pala ang susi ng motor niya. Mauuna na po ako." Pag papaalam ng dalaga dito

"Nako hindi kita papauwiin ng dis'oras, napaka sexy mo pa sa uniform mo! Halika dito maupo ka at kumain dito kana matulog Hija konsensya ko kapag may nangyari saiyong masama ha." Sinabi ng Ina nito. "Salamat po, Normiel Gaviola po ang pangalan ko." Pag papakilala ng dalaga. "Ako naman si Encar, napaka ganda mo namang dalaga mukha kang pang Ms. Universe" sambit nito sa dalaga napangiti lang si Normie dito

"Saan ba kayo nag kakilala at makuwento mo saakin." Tanong ng ina ni Ethan. "Ah naging mag katrabaho po kami ni Ethan sa hotel, kasi po sinagip niya yong Boss namin kamuntik napo kasing ma bagsakan ng poster bilang ganti po ay binigyan niya po ng trabaho yong tatlong mag kakaibigan." Pag lalahad nito

"Nililigawan kaba ng anak ko? Kung nililigawan ka niya sana sagutim mo na gustong gusto kona kasing mag ka apo." Diretsong sinabi nito kaya natawa ang dalaga. "Mag-kaibigan po kami Ma'am, malabo po yon kasi alam ko may nobya siya." Sinabi nito

"Talaga? Wala naman siyang na kuwento na girlfriend niya  Normiel.?" Saad ng ina ni Ethan. Para bang lumiwanag ang mundo ni Normie sa narinig niya sa Ina nito. Kasama din niyang natulog ang Ina nito sa kabilang kwarto.

~~~~

Maagang nagising si Joana dahil tinatawagan siya ni Austine. Naka Leave paman din siya ngayong araw para kausapin si Ethan, binigay kasi ni RINA ang address nito mula kay BRYAN. Nais niya sanang makausap ito ng masinsinan

Nag mamadaling pumunta si Joana sa office ni Austine dahil naiwan nito ang Envelope niyang nag lalaman ng mga trabaho nito dahil mag kakaron sila ng meeting. Hindi din naman nitong magawa na umuwi dahil sa dinami dami ng trabaho.

Pumasok ng Building si Joana para puntahan ang fourth floor office nito. Mula first floor to fourth floor ang office ng kompanya, at mag simulang fift floor hanggang 20th floor ay mga rooms na, dahil may resort sa ibabaw ng building.

Antok na antok na nag lalakad si Ethan dahil sa puyat niya kagabe maaga pa siyang pumasok dahil ayaw na ayaw niya ang late sa trabaho.   

Hawak hawak din niya ang cup ng kape para magising. Namulat ang mga mata niya ng makita niya si Joana na nag lalakd at mukhang may hinahanap.

Napainom siya ng kape ng may lumapit na lalaki dito. Hindi siya nag kakamaling si Austine na Marketing Manager ang Asawa nito. Nakita niya kasing humalik ito sa noo ng babae

SEX TAPESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon