Intro

150 3 1
                                    

by HeavenKnowsFLO
Introduction:

Kailangan mo pabang gumawa ng kasalanan para makilala at mag tagpo ng taong mag papabago sayo? Na-sa kahit maling panahon, maling pamamaraan at maling lugar mo siya natutunang mahalin...
Paano kung sa isang iglap biglang hindi mo na siya nasilayan? Hindi na siya ang taong una mong nakilala? Mamahalin mo paba siya sa kabila ng lahat na natuklasan mo sa pag katao niya?

Seventh Adult fiction love story of HeavenknowsFLO.
THIS STORY IS STRICTLY FICTIONAL ONLY
The characters, cases, places and events.
Stories you may like,
Stories you may like,
~~~~

FLASHBACK
Nakaharap sa laptop ang binata na nag ngangalang Ethan, habang kausap niya ang ina niya sa skype. "Mama naman kailan ba ako makukuha diyaan?" Iritable nitong tanong sa kanyang ina. "Hanggat hindi ka na-approved walang VISA na makukuha ilang beses konang sinabi sayo na mag tino ka sa mga sagot mo! Hay bakit kasi ganyan ang itsura mo mukha kang sanggano!" Suway ng ina niya.

"Hey Ma! Art to! Hindi lahat ng tao kayang mag tattoo, napaka judgemental mo naman sa itsura ko kesa naman yoong mga nagsisimba karamihan demonyo.." sagot niya sa ina na mas lalo pang nag alburoto sa galit. "Hoy ikaw bata ka hindi kita dadalhin dito hanggat hindi ka nag titino! Paano ka makikilala ng kapatid mo kung ganiyan ka!" Sigaw ng ina sakaniya, kahit nasa Pilipinas siya, ramdam na ramdam nito ang usok ng teynga ng kanyang ina.

Matapos niyang kausapin ang ina, nag tungo siya sa banyo para maligo, pinag masdan niya ang braso niya na may Tattoo. "Dahil sayo nag mukha akong sanggano.." kausap niya ang peklat sa braso niya at hindi na kailan man ma-aalis. Mula sa pait ng nakaraan.
Ethan Alfonso Brown. Half Pilipino half German, hindi siya kilala ng Ama niya sa personal kundi kilala lamang sa litrato. 19 years old pa siya noong nakilala niya ang Ama niya sa skype. Ni hindi man lang niya ito nasilayan sa Pilipinas.
Natapos siya ng Multimedia Arts at kumuha ng Conservatory of Music sa Philippine National Univeristy. Dahil gusto niya talagang mag focus sa arts, minabuti niyang dito niya pag tuunan ng pansin ang kanyang talento. Sa ngayon isa siyang graphic artist sa Makati.
Sideline din nito ang pag ta-tattoo sa Tabi ng Bar kung saan siya kumakanta kasama ng banda o katrabaho niya narin mismo sa Makati. Kumukuha din siya ng private music lessons para sa mga tinatawag niyang "rich kid" students.

Sa pag tira niya ng mag isa, sanay na sanay na siyang kumayod. Kahit pinadadalhan siya ng kanyang Ina, ay tinatabi niya lamang iyon para mag tayo ng sarili niyang business.

Halos Lahat ng babae sa trabaho nila ay nakuha na niyang ikama. Dahil sila mismo ang lumalapit sa binata. "Pre-walang kasing hilig ka talaga no? Halos lahat dito nag kakandarap sayo!" Bulong ni Bryan isang Nerd na lalaki pero hayop kung pumalo ng drums.
"Turuan mo naman kami para kahit papaano ay makatikim na ng babae si Bryan.." pang aasar ni Kim dito. Bahista ng banda..
Ang banda nila ay nabubuo ng Tatlo. Power of Three ika nga dahil sa idolo nila ang bandang Blink 182 kaya ganito din ang genre ng music nila.
"Basta ang payo kolang kapag nakipag sex kayo sa mga yan use condoms! Mahirap na maganda na ang protected, nakatikim kana safe kapa.." payo ni Ethan sa mga kaibigan.

Silang tatlo ang Sikat sa company na pinag tatrabahuhan ng mga ito, dahil sa isang Japanese investor ang naka appreciate sakanila at nag dala ng marami pang projects. Sa company na ito ay divided into 15 members at bawat grupo ay may 3 members sa departamento nila. At sila ang nangunguna dahil sa talento nilang tatlo sa arts lalo na ang ideas ni Ethan.

"Hey Ethan mamaya pag ka out natin may Jamming tayo!" Sinabi ni Kim. Tumango lamang si Ethan at patuloy sa pag didisenyo ng poster.
Imbitado sila sa Philippine National University dahil Alumnus sila sa skwelahang ito. Sila din ang kasamang tutugtog sa 100th foundation day dito, at sila din ang gumawa ng mga posters dito.

Sa edad na 26 years old hindi padin nga niya talaga mai-let go ang pag babanda dahil itong dalawang kaibigan niya ang nag silbing kapamilya niya dito sa Pilipinas. Sa lahat yata ng kalokohan nilang mag kakaibigan ay mag kakasama sila.

SEX TAPESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon