C.EIGHT

20 0 0
                                    

Chapter Eight

"Inumin mo yan, galing kay Narda yan.." initsa nito ang gamot sa mukha ni Ethan kaya napatayo ito. Iniwan siya ulit ng Kaibigan ulit. Pinag mamasdan lamang niya ang gamot na ito, nakita naman niya sa tabi ng unan niya ang unang gamot na binigay sakaniya mula sa pulis clinic.

Bumangon ito at lumabas. Dali dali niyang hinanap si Jopay at nakita niyang busy ito habang kausap ang kaibigan na si Rina.

"Namimiss kona si Nathaniel.." banggit ni Jopay habang nag aayos ng pag kain. "Hayaan mo pag uwi natin ng Manila, makikiss mona ulit ang Inaanak ko!" Masayang sagot ni Rina.

"Joana.." tawag ni Ethan dito. Nilingon ni Jopay si Ethan, kitang kita niya ang putla nito at tamlay ng itsura. Nagulat siya ng inilapag nito ang gamot na galing sakaniya. "Salamat nalang sa gamot, pero hindi ko kailangan niyan." Matamlay nitong sinabit kay Jopay

"Pero may lagnat ka ang putla mo kaya.." pag-aalala ni Jopay sakaniya, hindi din niya maintindihan ang sarili dahil biglang lumambot ang puso niya sa Binata. Bumuntong hininga si Ethan at pinag masdan si Jopay.. "Huwag mo akong  kaawaan, kayang kaya kong gumaling, hindi ko kailangan ng tulong mo." Sambit nito sakaniya at iniwan siya nito.

1

Nakatulala si Jopay habang nakatingin sa bintana ng kotseng sinasakyan ng Team nila. Narating nila nag Hotel kung saan sila tumutuloy.. "Ayos kalang?" Tanong ni Rina sakaniya. "Bakit ganon Rina, bakit parang ako pa ang guilty sa pag kakabilanggo nilang tatlo?" Hinawakan ni Jopay ang dibdib niya at napaupo siya sa hagdanan.

"Jopay tahan na, wag knag maguilty, ang solusyon lang diyan ay ma reinvestigate ang kaso.." sagot ni Rina habang hinahaplos niya ang likurna ng kaibigan,  patuloy lamang ito sa pag Iyak. "Ako yong na agrabyado bakit parang ako pa ang may kasalanan sakanila? Para bang ako lahat nag dadala nong nararamdaman nila, tinakwil sila ng magulang nila relatives nila o ibang kaibigan. Ako yong nasasaktan." Pag mamaktol nito

"Rina hindi biro ang pinag daanan ko, dalawang taon kong binangon ang sarili ko mula sa bangungot nayan, pag tapos panibagong taon para mag dusa nanaman? Bakit parang ako yong pinaparusahan? Iniwan ako ng asawa ko, minamaltrato niya ako lahat ng responsibilidad nasaakin, napaka hirap maging Ina ang hirap mag isa. Pag tapos ito nanaman?  Makikita ko ulit yong lalaking kinamuhian ko?" Hinagkan ni Rina ang kaibigan niya na umiiyak

Sa loob ng Anim na taon ay nag karoon ng Live in Partner si Jopay. Puro pasakit ang buhat nito sakaniya, minamaltrato siya nito at hindi kailanman nirespeto. Buong akala niya na mamahalin siya nito pero iniwan lang siya nito pag tapos lumaki ng anak nilang si Nathan. 

Hindi makatulog si Ethan  dahil sa naiisip niya padin nag sinabi niya kay Jopay kanina. "Ano bang nangyari sayo? Lumapit kalang kay Jopay kanina nag iba na ang timpla mo?" Tanong ni Bryan dito

"Huwag monang mabanggit ang pangalan niyan." Tinakpan ni Ethan ang mukha gamit ang braso niya at tumagilid para hindi na siya guluhin ng dalawa niyang kaibigan.

"Sana hindi nalang kita nakita ulit. Para bang bumalik lahat ng sakit sa dibdib ko mula sa magulang ko mula sa  pangarap kong naudlot dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Sana hindi nalang din kita nakilala, ikaw na akala kong babae na tutulong saakin para lumiwanag ulit ang buhay ko ay siya pang naging rason para maging madilim pa lalo ang buhay ko.." nakatulala lang si Ethan habang napaka daming salita ang gusto niyang sabihin, napadaming tanong na wala namang sagot at napaka raming  nangyari na na wala namang rason para mangyari sakaniya iyon. 

December 24, 2016

Sabay sabay iilawan ulit ang mga Parol para sa pag salubong ng pasko. Huling araw na ng mga Social workers dito sa Cebu dahil babalik na ulit ang mga ito sa Manila. Hindi din natupad ang anim na buwan na pamamalagi nila sa Cebu, dahil kinakailangan na sila sa Manila.

SEX TAPESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon