c.17

12 0 0
                                    

Chapter Seventeen

Nasa loob ng bahay si Joana kasama ang anak niyang si Nathaniel. Kumuha narin siya ng Yaya na mag aalaga dito, rekomenda ito ng Ina ni Rina. Dito rin umuuwi si Austine, hindi siya tumuloy sa bahay na kinuha nito sakanila kundi tinuloy niya ang bahay na kinuha niya para sakanila ni Natahiel. Umuuwi si Austine dito pero hindi padin sila nag sasama sa iisang bubong. Hinayaan lang niyang dalaw dalawin ang anak niya.

"Diyaan ka matulog tabi ni Nathan huwag mo akong gugulihin sa kwarto ko ha!" Suway nito kay Austine dahil nag balak na itong tabihan siya sa kwarto. "Hay nako naman Joana." Sinabi nito at napailing lang.

"Mag asawa naman tayo" sinabi nito sakaniya. "Tigilan mo ako Austine ha! Hindi tayo mag asawa. Tatay kalang ni Nathan at hindi moko pag mamay ari." Humalik muna siya sa anak niya at lalabas na siya para pumasok sa trabaho

"Yaya ikaw na po ang bahala kay Baby ha?" Tumango naman ito at tinuloy ang ginagawa. "Lumabas si Joana at nag lakad papalabas ng kanto papasakay ng Taxi

Narinig niya ang busina ng kotse ni Austine kaya hinampas niya ng Bag ang side mirror nito. "May balak kabang sirain yan Joana?" Binaba nito ang salamin at kinausap siya
"Lubayan mo ako satanas!" Asar na asar si Joana na sumakay sa Taxi at hindi pinansin si Austine. "Mas lalo akong na iinlove sayo Joana." Saad nito at tinuloy na ang pag dadrive.

Nag lalakad na papasok ng trabaho si Joana ng makasalubong nito si Bryan na may hawak hawak na folder. "Bryan!?" Nagulat ang binata at tinapik ang braso niya. "Buti nasa Manila kana?" Tanong ni Joana dito.

"Yong Papa kasi ni Tifa pinasok ako sa IT department pero kailangan ko din mag civil service para legit na government employee." Sinabi nito at ngumiti. Natawa naman si Joana dito dahil sa pormal na itsura nito. "Tangin nga ng finill upan mo" sinabi nito

"Bryan Manuel Alcantara" natawa si Joana ng mabasa ang pangalan nito. "Bakit anong masama sa pangalan ko?" Tanong ni Bryan at binawi ulit ang papel na hawak nito. "Buong akala ko Bryan Alcantara lang pangalan mo! May Manuel pala lakas maka Tito." Biro ni Joana dito

"Maiba ako nasan si Ethan at Kim?" Sinabi ni Joana. "Kasama yong Mama niya, mabuti nga at okay na sila ng Mama niya, pero hindi ko alam doon sa Kapatid niya sa Tatay niya. Si Kim naman hindi pa nag papakita mula noong bumalik kami dito sa Manila." Sinabi nito kay Joana

"Ay oo nga hanggang ngayon malungkot siya akala niya hindi na siya babalikan ni Kim."sinabi ni Joana. "Oo nga hayaan mo kapag may balita naman ako don sinasabi ko naman agad din kay Tifa. Mauna na ako Joana mag aasikasuhin pa ako." Banggit nito tumango naman isi Joana.

~~~~

Pag tapos ng Apat na araw na pag iisip ni Kim kung babalik ba siya ng Tarlac ay natuloy din ang punta niya dito. Sa hindi  inaasahang  pangyayari sumakabilang  buhay na pala ang magulang niya. Tanging ang kapatid na lang niya ang nag abot ng mga papeles na nag papatunay na may pinamana ito sakaniya.

"Kuya sorry hindi kita nadalaw, ilang taon kong inalagaan sila Mama at Papa, pero Kuya gusto nilang mag sorry sayo dahil sa nagalit sila sa ginawa mo, huli na noong nalaman nilang wala ka taoagang kasalanan. Sorry taoaga kuya." Umiiyak ang kapatid niyang babae

"Kitty huwag kanang umiyak, wala na talaga akong magagawa Dadalawin ko nalang sila bukas sa puntod. Tyaka ano ba yang mga pinamana ni Mama at papa." Tanong nito sa kapatid... "Yong Ramirez Farm dito, Hotel natin na minamanage muna ni Kuya sa Makati yon tapos yong Poultry sa Pangasinan tapos-" napatigil ang kapatid niya nong tinakapan niya ang bibig nito

"Ang dami naman niyan?" Tanong ni Kim na halos magulantang na sa Pamana ng Magulang niya. "Ganyan talaga kuya yong sakin din ang dami kaya kung mag aasawa ka nako swerte non secured sayo!" Sinabi nito.

Maagang nagising ang mag kapatid at minabuting mag lakad papuntang Puntod ng kanilang magulang, "Mama Papa, nandito na ang gwapo mong panganay, atleast bago man lang po kayo nawala nalaman niyong wala akong maling ginawa, na yong pag kakakulong ko ay pawang kasinungalingan lang I love you Ma Pa." naging emosyonal ang binata at hinagkan siya ng kapatid niya.

"Kuya ang macho mo pero iyakin kanaman pala." Pang aasar nito sa kapatid niya.

Pabalik na si Kim sa Manila para siya na ang mamahala sa Cantra Hotel sa Makati. Gustong gusto narin niyang balikan si Tifa. Nag iisang babae na ginusto niyang makasama sa dinami danami ng babaeng natikman niya ito lang ang naiba.

Isang linggo na ang nakalipas at Minabuti niyang intindihin lahat at aralin ang bawat sulok ng negosyo na pinamana sakaniya. Napatingin siya sa salamin sa loob ng office niya at pinag masdan niya ang sarili niya. Wearing corporate attire, inalis niya ang korbata dahil nasasakal siya binuksan lamang niya ang Botones ng polo niya habang suot ang Coat niya.

"Rizza!" Sigaw niya sa sekretarya niya. Bukas ang bintana ng Pinto niya kaya dinig na dinig siya nito. "Yes sir?" Tanong nito. "Aalis muna ak, babalik din ako agad paki sabi kay Kuya." Sinabi niya ito sa sekretarya niya at lumabas na ng Office.

~~~~

"Huwag kang mabahala Tifa! Alam ko mahal ka non!" Sinabi ni Rina habang tinatapik ang likod nito. Wala na kasi itong ginawa kundi mag maktol sa trabaho. Si Joana busy lamang sa report na ginagawa niya,

"Nag kita naba kayo ni Ethan?" Nagulat si Joana sa tinanong ni Tifa.. "Hindi pa pero alam ko nasa Manila na siya." Sinabi Joana dito.

"Ma'am Tifa may nag hahanap po sainyo." May pumasok na isang OJT student at tinawag si Tifa, napatayo naman ito at sumunod ang dalawa, naintriga kasi sila sa ngiti nito mukha bang nakakaloko.

Kinabahan si Tifa ng makita niya ang lalaking nag aantay sa labas ng office nila. Nakatalikod ito at nakasandal lamang sa kotse. "Shet! Si KIM YATA YAN!" Pag papanic ni Rina dito. Kilig na kilig din si Joana at nag takip ng bibig sa sobrang tuwa

Lumingon si Kim kay Tifa at para bang malaglag ang panga nito at pinag masdan maigi si Kim. "Sorry masyadong formal attire ang damit ko.." sinabi nito at inabot sakaniya ang kulay pulang rosas. "Gago ka! Akala ko hindi mo na ako babalikan!" Pinag papalo niya sa braso ang Lalaki at hinagkan naman siya nito.

"Tang ina talaga mapapa sana all may jowa kanalang no Joana?" Sinabi ni Rina kay Joana na nawala naman ang ngiti nito sa pang aasar sa kaibigan. Hahampasin niya sana ito ng biglang tumakbo papunta sa dalawa.

"Mamaya na kayo mag Tukaan! Libre kanaman kahit SNR Pizaa lang!" Sinabi ni Rina. "Pucha Saana ng JS prom Ha?" Pang aasar ni joana dito. "Halika na sakay na kayo lilibre ko na kayo." Sinabi ni Kim

Nasa Gerry's Grill sila ngayon at kumakain ng lunch. Para bang kamatis na hinog si Tifa, dahil hawak hawak padin ni Kim ang kamay niya. "Kayo naba ni Bryan?" Tanong ni Kim dito

"Oo pero hindi ko pa siya napapakilala kay Mama at Papa."sinabi ni  Rina, nilingon naman niya si Joana na pangiti ngiti lang. "ikaw hindi kapa ba pinuntahan ni Ethan?" Tanong ni Kim sakaniya

"Baka girlfriend niya na yong Katrabaho niyo sa Cebu." Puno ng pag kakaasar ang tono nito kahit ba mag panggap siyang ngumiti. "Siguro nga hindi kana binalikan." Pang aasar ni Kim dito binato naman ng lukot na tissue ni Joana si Kim

"Eh bakit kaba naka Corpate Attire?" Tanong ni Tifa. "Galing akong Tarlac, ito pina mana lang sakin ng magulang ko itong negosyo kaya  ito kailangang maging pormal nakakahiya naman kong bigla akong mag butas na pantalon sa trabaho" saad nito

"Nakita mo naba ang parents mo?" Tanong ni Rina dito. "Wala na silang sabay, pero bago sila mawala nalaman naman nilang inosente ako." Saad nito nalungkot naman si Tifa at hinawakan ang binti ni Kim. "Tifanny" tumingin ito sakaniya ng nakakaloko.

"What?" Inosenteng tanong ni Tifa sakaniya.



Continue reading next part ......

SEX TAPESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon