Manager ako ni Ethan" sagot ng Matanda sakaniya. Nag taka naman si Jopay dito at napatingin sa matanda. "Hanggang ngayon bilanggo padin ang tatlo diba? To make the story short, tawagan mo ako." Inabot nito ang isang calling card.
"Hindi tayo pupwedeng mag usap sa pampublikong lugar, tawagan mo ako sana sa mas safe na lugar Hija, bago man lang ako mawala sa mundo ay may magawa akong Tama." Iniwan siya ng Matanda at pinag mamasdan lamang ni Jopay ang Calling card nito
Kinuha niya ang cellphone at pinicturan ito at sinend sa kaibigan niyang si Rina. Napaaga ng uwi si Jopay dahil gusto niyang makausap si Rina..
"Saan mo siya nakita? Anong sinabi niya sayo? May binigay ba siyang mga detalye?" Bumungad na mga tanong kay Jopay at hindi naman niya maintindihan ang kaibigan niya.. "Huy ano kaba binigay lang niya yong number niya gusto niya sigurong makipag catch up saakin." Sagot ni Jopay
"Imbitahan mo siya dito sa bahay, Jopay siya ang susi sa hustisyang gusto ng puso mo para narin ito don sa tatlong itlog!" Seryosong sinabi ni Rina sakaniya.
"What do you mean?" Nalilitong tanong ni Jopay dito. "On going na ang pag iimbistiga sa kaso mo six years ago. Lahat ng anggulo ang Manager lang nila Ethan ang makakapag bigay ng sagot." Diretsong sinabi ni Rina dito
"Bakit ngayon molang sinabi saakin?" Nag tatakang tanong ni Jopay sa kaibigan hindi din niya kai maintindihan. "Mag tiwala kalang kay Papa tyaka sa Abogado nila Ethan." Sinabi ni Rina
"Pinakiusapan kaba ni Ethan na gawin yan?!" Pagalit nitong tanong. "Hindi, ako ang nag re open dito. Alam kong wala silang kasalanan Jopay, wag kang mag pabulag sa kabaitan ni Wendel sayo noon, kung mabait yan sana tinutulungan kapadin niyan hanggang ngayon! Asan siya? Nag tatago diba?" Diretsong sinabi nito sa kaibigan niya.
"Alam ko yang nararamdaman mo, nakukunsensya ka kasi alam mo sa sarili mo na hindi sapat yong ebidensya para madiin sila Ethan. Gusto kolang mabigyan kadin ng peace of mind Joana pati yang galit sa puso mo mawala na. Kahit naka ngiti ka alam kong hindi yan ang tunay na saya ng Joana na nakilala ko." Naluha si Jopay sa sinabi ng kaibigan niya, hinagkan lamang siya nito.
~~~
"Happy valentine's day mga pare!" Bati ng kasama nila sa Rehas, si Mico drug addict na naging kaibigan nila ngayon, kakapasok lang nito sa kulungan, pinalitan nito ang ingay nila. "Naka high kaparin pre!" Bati ni Ethan dito
"Oo tang inang drugs yan, nararamdaman kong kinikiliti niya ang utak ko. Kaya kayo wag kayong susubok.." sinabi nito at bibo na sinasayawan ang Rehas. "Mental na yata kailangan niyan tol?" Bulong ni Bryan kay Ethan
"Basketball tayo mamaya ha?" Pag aya nito kay Ethan at umakbay sakaniya. Wala naman kalutay lutay na tumango si Ethan sakaniya.
"Ethan!" Napalingon si Ethan sa Gwardyang tumawag sakaniya. Sinundan ito ni Ethan at pinasuot sakaniya ang Posas.
"Ano pong mayron?" Tanong nito habang nakasunod sa Gwardya. Sumunod siya at hinarap niya ang Head ng kulungan. "Good morning po sir." Pati niya dito at nginitian niya
Inilapag nito ang ilang dokumento sa harapan niya. "Parole?" Nag tatakang tanong ni Ethan sa Head na ito. "Kasama kayong tatlo sa Rekomendasyon ko na mabigyan ng Parole mula sa pangulo. Pero sa ngayon mukhang liliban yan." Sinabi nito
"Ha bakit po? Kakasabi niyo lang po na kasama kami?" Tanong ni Ethan, para bang nawala bigla ang pag asa niya. "Balita ko irereinvestigate o open ang kaso niyong tatlo patungkol sa Droga pati yong Rape case ba yon?" Sinabi nito kay Ethan
"Huh? Hindi ko ho alam yon sir?" Nag tataka si Ethan at walang ibang iniisip kung sino ang nag bukas ng Kaso. "Yong nag pakulong sayo ang nag open ng kaso, mukhang matutupad na ang pangarap mong makakawala Boy." Sagot ng matanda
"Paano ni hindi ko man lang alam sir, wala naman kaming pambayad ng Abogado." Sinabi nito "Maraming magagaling na PAO Ethan, mag tiwala kalang, nag paka buti kanaman sa loob ng kulungan, kung makakalabas ka man ng kulungan sana pag butihin niyo na nag buhay ha? Sige na bumalik kana doon." Sinenyasan niya ang gwardya na kasama nito.
Kasama ngayon ni Rina at ng kanyang ama ang ang Manager ni Ethan sa dati nilang pinag tatrabahuhan. Hindi din alam ni Jopay na tinawagan na ni Rina ang Manager na ito dahil ayaw padin niyang malaman kung ano ang totoo.
"Tinakot ako ng magulang ni Wendel, binayadan nila ako ng kalahating milyon para manahimik at burahin ang kopya ng kompletong CCTV kung papaano sinet up ni Wendel si Ethan at ang dalawa pa niyang kaibigan." Pag amin nito
"Ano ang reason bakit napaka laki naman yata ng galit ni Wendel sakaniya?" Tanong ni Rina dito. "Hindi niyo ba alam na siya ang gumahasa kay Joana? May sira ang ulo ng batang yon, ninakaw din niya ang pondo ng eskwelahan pero ibang tao ang tinuro niya para matakpan ang sakit ng batang yon." Pag tatapat nito inabot niya ang isnag flash drive na nandoon lahat ng ebidensyang mag papawalang sala s atatlong binata.
"Papa kopyahin mo agad at isend sa Email ko ifoforward ko yan sa Abogado nila Ethan." Sinabi ni Rina sa kanyang ama. "Ang hiling kolang Rina, pag tapos nito ay ayoko na ng koneksyon pa ni isa sainyo dahil namimilgro din ang buhay ko. Pinag tangkaan nila ako ng pamilya nila dahil nag iisa nilang anak si Wendel pag tapos mayayamang tao pa sila wala akong laban. Araw araw akong binabagabag ng Konsesnya sa tatlong binata, naging mabuti sila saakin, kundi dahil sakanila hindi ako magiging Manager sa Kompanyang yon, dahil saakanila na bitbit ang pangalan ko na dapat si Ethan ang mapopromote." Sinabi nito
"Tinago siya ng magulang niya sa ibang bansa dahil ginagamot si Wendel, sobrang baliw niya kay Joana, kaya sinama siya sa abroad, kaya sana wala ng makaalam sa mga pinag usapan natin gusto konang lumayo at sana makatulong ako sa kaso nila Ethan." Sagot ng dating manager ni Ethan
Hanggang ngayon ay nakatulala ang tatlo dahil sa nabalitaan nila, pero nanatiling tahimik si Kim dahil alam niya ang tungkol sa pag papa reinvestigate ng kaso nila. "Sana lumabas na ang toto, para malinis na ang pangalan natin." Banggit ni Ethan
"Sigurado naman kaya yon? Ayoko na rin kasing umasa.." sinabi ni Bryan mukha na kasing nawawalan ng pag asa. "Mag tiwala lang kayo, maganda ng ma laman ang totoo para malinis nga ang pangalan natin kaysa sa makalaya nga tayo may bahid padin ang pangalan natin." Sagot ni Kim sa dalawa.

BINABASA MO ANG
SEX TAPES
Storie d'amoreWe are prisoners of the unnecessary things we amass, and the only way to discover our beautiful true selves is by chipping everything unnecessary out of our lives." ― Dr Prem Jagyas Originally this is about a Prisoner's life and love story... THIS...